Chapter 10

26 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Heto na po! patapos na tayo ^__________^ pero bibitinin ko na lang po muna kayo. Masyadong mabilis ang lahat. hehehe. Pakisuportahan po ang susunod na story ko habang inaantay ang ending nito. Salamuch po!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

HINDI tuluyang umalis si Lance. Sa halip ay pumunta siya kay Duke. Naabutan rin niya ang dalawa pang mga kaibigan. Nang mapansin siya ay natahimik ang mga ito.

"O, Lance, pare, napuntahan mo si Moirah?" tanong ni Duke.

Nakasarado ang mga kamao niya. Hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang suntukin ang Vince na iyon.

"Hoy, Lance," pukaw ni Karl.

umupo siya sa sofa katabi ang mga ito.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!" napasigaw siya sa galit. Sa frustation. Gulat na napatingin sa kanya ang mga kaibigan.

"Hoy, Lance! Anong nangyayari sayo?" tanong ni Chad.

"She was hurt by that dumbass, then shen accept him again?! Ang labo niya! Ang labo ng bestfriend mo, Duke! Sobrang labo!" alam niyang mamaya ay tutulo na ang mga tubig sa kanyang mga mata.

"What? Who? Moirah?" naguguluhang tanong nito.

"Who else, huh? She was with that Vince. Ang lakas ng loob nong bumalik kay Moi samantalang he left her hanging for another girl. And that bestfriend of yours, wala! She was fooled by that Vince again. Hindi na nadala, tinanggap pa! Damn!"

"Take it cool, pare. Paano mo nalaman na tinanggap niya uli si Vince?"

"I saw her hugging him, at nakangiti pa silang dalawa. Pucha, pare! Parang tino-torture ako sa loob!" He suddenly felt weak. Nasabunatan rin niya ang sarili.

Walang nagsalita. Mukhang namangha ang mga ito sa nangyayari sa kanya.

"Shit, pare! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito." hindi niya alam kung anong hahawakan niya sa bahagi ng katawan sa sobrang sakit. Kung ang dibdib ba o ang ulo.

"Pare, baka naman hindi silia magkayap, baka naman... namalikmata ka lang." sabi ni Karl.

"It was so clear. She never hugged me, pare. Never!" tuluyan ng bumagsak ang mga butil na luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Enough, Lance. I dont know what to say." tapik ni Karl sa kanya.

"Oo nga, pare." sabi naman ni Chad.

"Pucha! Babae lang yon! Hindi ko dapat iniiyakan ng ganito..." yumuyugyog na ang balikat niya sa pag-iyak.

"Hindi lang basta babae yon, Lance. Bestfriend ko siya. Isa siya sa pinakamahalagang babae sa buhay ko." sabi ni Duke.

"Tama na, Duke. In this case, dapat nga ikaw ang sisihin." sabi ni Chad.

"Ha? Anong nagawa ko?" pagmamaang-maangan ni Duke.

"Kung hindi mo hinamon tong si Lance, hindi mangyayari to," sabi ni Karl.

"Congratulations, pare. You won again." sabi ni Lance.

"C'mon. Wag mong sabihing sineryoso mo yon? Hinamon lang naman kita kasi I saw how you stare to her. It was so obvious that she captured your heart in a different beat."

Nagtatakang tinignan nila ito.

"I saw how you look at her. Tapos bigla ka na lang bumuba ng stage para puntahan siya sa table natin. Nagdahilan ka sa amin na magpapahinga muna," dagdag pa ni Duke.

Collaboration of Two Different HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon