Chapter 15: Ending

47.7K 1K 116
                                    

        Pagpasok ko ng apartment ni Aki, nakita ko siya sa sala na abala sa comic strip niya. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Natatakot at kinakabahan ako. Noong napansin niya ang presensya ko, bigla siyang tumingin siya sa akin at ngumiti. Gusto kong umiyak sa harapan niya pero nginitian ko rin siya. Sa mga oras na ito, higit sa takot at kaba, unexplainable sadness ang mas nangingibabaw sa akin.



        Umupo ako sa sofa habang pasimpleng tinitingnan ang ginagawa niya. "Navideohan mo ba yung garden?"


        "Oo.Pero saglit lang eh." Sagot ko sa kanya.



        Sana lahat ng saglit, tumatagal. Katulad ng pagstay ko dito. Parang kailan lng nung dumating ako, ngayon aalis na ko. At ang mas nakakalungkot, wala man lang akong madadalang alaaala.


        Sana hindi mainipin ang oras. Sana marunong din itong maghintay.



        "Bakit malungkot ka pa din?" Takang takang pagtatanong ni Aki.



        Noong tiningnan ko naman siya, nagsusulat lang siya at hindi naman nakatingin sa kin kaya nakakapagtaka na alam niyang malungkot ako kahit di tinitingnan sa mata."Huh? Hindi no!"



        
Pero ang gusto ko talagang sabihin ay, oo, sobrang lungkot ko. Kasi sa mga susunod na araw hindi na kita makikita at higit sa lahat hindi na rin kita makikilala. And worst, hindi ko masabi sa iyo.



        Sa future ba pag nagkita tayo kahit hindi natin alam ang pangalan ng isa't isa, may possibility pa rin ba na maging familiar tayo sa isa’t isa? Kapag ba nagkasalubong tayo at nagtama ang mga paningin natin, mararamdaman ba natin na minsan tayong nagkaroon ng alaala na magkasama?



        Pakiramdam ko lumilipad ang diwa ko at nagkaroon na naman ako ng mga bagong katanungan na walang nakakaalam ng sagot. Hindi ko na lang pinanasin ang sinabi niya at binago ang usapan. Tumabi ako sa kanya. Ito na ata ang huling beses na makikita ko siyang magdrawing.



        "Masaya talaga ako ngayong araw na to!" Pinilit ko pang tumawa ng konti. Nakuha ko naman talaga ang gusto ko, may bonus pa nga. Yun lang hindi pwedeng itawid sa ibang panahon at oras yung bonus na yun.


        "Masaya rin kong nasaksihan ko yung araw na naging masaya ka" Nginitian niya ko at parang batang tinatapik ang ulo ko.



        Naiiyak ako dahil wala siyang ideya sa mga susunod na mangyayari. Masyado akong naging masaya at ni hindi ko man lang naisip na pwedeng bawiin ang lahat. Iniwas ko ng konti ang ulo ko, baka kasi tuluyan akong maiyak.



        "Bukas ba papasok ka?"



        "Oo, kailangan eh. May field trip kami, ginawang last quarter requirement. Sigurado, parang retreat lang ang mangyayari doon. Iniisip ko pa lang, tinatamad na ko.”



        "Ganun ba?"



        "Pero pagdating ko for sure may pasalubong ka "



        Natawa lang si Aki sa sarili niyang pang aasar samantalang ako, nalungkot na lang bigla. Iniisip ko pa naman, kung babalikan ako ni Manong Puti bukas, gusto ko sanang makasama siya buong araw. Wala akong balak sabihin na aalis na ko bukas at hindi niya na ko maaalala pagkatapos noon. Kahit kasing ano gawin ko, alam kung matatapos na aang lahat.



        Tumawa naman ako ng pilit. "Bukas...tama..dapat talaga may pasalubong ako ah kundi patay ka sa kin!"Bigla siyang tumayo at kinuha yung comic strip na binibida niya sa kin ever since dumating ako sa panahong to.



        "Ano to?” Inilagay niya sa kamay ko yung comic strip na isasali daw niya sa contest sa school. Tiningnan ko lang yun na may halong pagatataka. “I mean, anong gagawin ko dito?"



        "Hawakan mo yan! Bukas pag hindi ako dumating at wala kang pasalubong, punitin mo yan." Isinara niya ang kamay ko para mahawakan kong maigi yung comic strip niya.



        Bumuntong hininga siya tsaka nagsalita ng mahia na para bang  may importante kaming kasunduan at pag nabreak yun mamatay kaming dalawa. Pinilit kong pakinggan yung sinasabi niya pero wala akong maintindihan.



        I waved his comic strip sa harap niya. “ Anong pupunitin eh diba isasali mo to sa contest?"



        "Oo. Ganun kahalaga sa kin yan kaya yan ang tinataya ko. Hindi pa nga lang tapos yan. Pero pagbalik ko, ipapakita ko sayo yang ending niyan. Pagkabalik ko, ikwekwento ko sayo yang storya ng comic strip na yan. Kaya dapat antayin mo ko" Tahimik lang ako at gustong gusto ko na talagang umiyak.



        Wala akong masabi kay Aki. Hindi ko maipromise na aantayin ko siya dahil alam ko, bukas, wala na ko, babalik na ko sa panahon ko. Hindi na kami magkikita. Hindi na namin maaalala ang isa’t isa. Pero paano ko sasabihin sa kanya yun?



        Humarap siya bigla sa kin. Nagulat ako dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa.  Hindi ko na alam kung gaano ba kapula yung mukha ko habang tinitingnan niya. Basta ang alam ko, hindi ako makahinga. Damang dama ko yung hininga niya hanggang sa naramdaman ko yung labi niya sa mga labi ko. Ewan ko pero napapikit ako. Lalo kung naramdaman na nadudurog yung puso ko. Bigla naman humiwalay si Aki. Buti na lang humiwalay na siya kundi tuluyan niya ng makikita yung mga luha ko.



        "Ma...mauuna na ko matulog. Patayin mo yung mga ilaw Mika! Nagmamadali niyang sabi sabay biglang takbo pabalik sa kwarto niya. Siguro awkwardness yung naramdaman niya. Tumulo na yung mga luha ko. Alam kong hindi ko kakayanin pa na patigilin itong nararamdam ko kaya di na ko nag abala na punasan pa yung mukha ko.



        "Hindi kita makakalimutan. I couldn’t. Pero pagbalik mo, wala na ko dito."

The Time Traveler's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon