Chapter 4 : Meet the Time Traveler

57.1K 1K 42
                                    

        Tinitingnan ko yung watch na bigay ni Gino. Muhkang ordinary lang naman. Totoo kayang makakapag time travel ako gamit ito? Iniisip ko, wala naman sigurong mawawala kung itatry ko. Iniisip ko pa lang namakakabalik ako sa nakaraan, pakiramdam ko nababaliw na rin ako. Kung possible kasi yun, bakit wala pang nakakagawa? Kung may nakagawa man, bakit hindi nababalita? Kasi diba normal naman na kapag may nagawa kang bagay na kakaiba ay gusto mong ipaalam sa lahat?  Or baka naman naging top secret lang yun ng mga nakakapagtime travel?


        My only wish ever since childhood is to see my parents. Kaya kung bibigyan ako ng chance na makabalik sa past, siguro ito ang time na dapat kong balikan. I wanna go back to the days kung saan nag eexist ang parents ko. Gusto ko silang makita at makilala. Kahit makita lang. So I clicked the buttons that Gino told me to click to go back in time.


Date/Time Set to:  March 1990; 6:00 pm


        "Ano ba yan?! Para lang pala akong uto uto eh. 30 minutes na ko nag-aantay oh. Gabi na nga, wala pa ring nangyayari! Patay sa kin tong Gino na to eh. Makauwi na nga" Inugat na ko. Inamag na ko sa kinatatayuan ko pero walang nangyari. Nagmukha lang akong sira ulong bata na nag aantay na bumaba sa langit yung lobo. Ayos na metaphor!


        Naglakad na ko pauwi pero bumili muna ako ng Float sa Mcdo. Maganda maglakad pag gabi, wala masyadong tao at hindi pa mainit. Napakatahimik ng daan pero hindi nakakatakot. Para bang inaassure ka ng langit at gabi na okay lang lahat ng nangyayari. Na masaya ka na walang mangyayaring masama. Pero masama pa rin talaga yung loob ko. Sabi ko na lahat ng umaasa, nasasaktan eh!


BEEEEEPPPP!!!!



        Napalingon ako bigla sa narinig kong tunog. May motor na papalapait na sa kin. Ang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lang na tumalsik na yung float ko. Nagdilim ang buong paligid, napapikit ako. May nangyaring masama. Nagkamali ang langit at gabi.


         Mamamatay na ata ako.


        "Aray yung likod ko!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Alam mo yung feeling na nalaglag sa hagdan pero dumiretso ka kaagad sa lapag at di man lang dumampi yung likod mo sa stairs? Ganun!


        Pagmulat ko ng mata ko, wala na yung motor. Wala na yung float ko. Ang tanging nakita ko lang ay isang lalaki at babae na nakatulala habang nakatingin sa akin. Mukhang seryoso silag nag uusap at sinira ko ang moment nila. Biglang nagtatakbo yung babae. Yung lalaki naman ay nakatingin pa rin sa kin. Bigla na ring tumayo yung lalaki at tumakbo din paalis.


        So? Iiwan lang ako ng mga to? Hello! May nangangailangan ng first aid dito!


        "Oucchhh! Teka kuya, wait lang... tulungan mo naman ako!" Hysterical kong sigaw sa kanya. Walangya! Ngayon lang ba nakakita na nasagasan itong mga to? Huminto yung lalaki. Lumapit siya sakin. Sa totoo lang halatang napipilitan lang siya. Pero sige keri na kaysa naman gumapang ako papuntang hospital.


        "Miss okay ka lang ba? You look weird" Alam kong mukha akong hindi okay dahil nga namimilipit ako sa sakit dito. Pero paano naman ako naging weird?


        "Syempre nasagasaan!" sarcastic akong sumagot. Napataas naman yung kilay ni Kuya. Mukhang nagdadalawang isip kung tutulungan ba ko or tutuluyan na lang niya ko dahil winawalangya siya ng bibig ko.


        "Anong masakit sayo?" Naisip niya rin siguro na buhayin na lang ako. May pag asa pa pala ako.



        "Yung likod ko...yung paa ko. Hindi ako makatayo eh. Pwede bang tulungan mo kong makapunta ng hospital" Hinang hina akong nakikiusap sa kanya. Nalalasahan ko pa sa bibig yung lasa ng float ko na di ko na alam kung saan tumalsik. Naaninag ko na lang din yung mukha nung lalaki. Malabo.



        Binuhat ako nung lalaki at dinala naman niya ko sa hospital. Nararamdaman ko na ang  sobrang panghihina. Nanlalabo na yung mga mata. Boses na lang ang naririnig ko. Maya maya alam kong nasa ospital na kami. Iba kasi ang aura dun. Amoy gamot, amoy sakit, amoy patay. Kaya ayoko sa ospital eh.


        "Excuse me po Sir. Pa fill up na lang po nitong information sheet ng pasyente" Lumapit yung nurse na may dala dalang papel. Information sheet daw. Yung tipong mamatay ka na sa sakit pero mukang di nila sisimulan ang gamutan pag di pa yun nasasagutan. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun.


        "Huh.. ah nurse, hindi ko po kasi siya kilala. Nagpatulong lang po siya sa kin eh." Napakamot sa batok niya yung lalaki. Nahihilo ako pero naasiwa ako sa damit niyang nakatuck in sa jeans niya at sa rubber shoes niyang mukang makaluma ang design.


        "Ah ganun po ba. Eh di tanungin niyo na lang po ang pasyente at kayo na lang din po ang magsulat kasi mukhang hinang hina na eh." Tumingin sa kin yun nurse na parang chinecheck kung nahinga pa ba ako habang nag uusap sila nung lalaki.


        Tumango yung lalaki tapos naglakad siya papunta sa hinihigaan ko. Malabo na yung tingin ko sa kanya.  Nagsimula siyang magtanong tanong ng bagay tungkol sa kin. Yung iba naiintindihan ko, yung iba hindi. Gusto ko nang pumikit at magpahinga. Feeling ko mas matutuluyan ako nito eh.


        "Ah miss, anong pangalan mo? Age?"


        "Ha?”

The Time Traveler's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon