Chapter 10 : Heart to Heart Part 2

42.3K 931 23
                                    

        Halatang medyo lasing na  yung dalawa kasi sobrang lakas na ng boses nila at nagtatawanan kahit walang kwenta ang pinag uusapan. Habang tinitingnan ko sila parang hindi masyadong malaki yung age gap nila.

        Hula ko nasa early 30s pa lang si Tom katulad ng mga magulang ko.Matangkad siya at maputi pero mahaba yung buhok. Mga hanggang balikat siguro kaya nakatali. Nakikita kong magaling siyang makisama. Hindi kasi nag iimposed na authority kahit pa mas matanda siya sa amin ni Aki.



        "HAHAHAHAHA!"Ayan na naman ang malakas na tawanan nilang dalawa habang halos mapahiga na sahig.



        "Paano si Carmela mo? Ganun na lang yun?"Tanong ni Tom habang hinahampas hampas ng mahina si Aki.



        "Baka pero ewan.” Pagkikibit balikat naman ni Aki.


        Oo nga pala. Naalala ko, sabi ko okay Aki tutulungan ko siya na mag explain kay Carmela. Pero mukhang naging busy si Aki sa pagtulong sa kin si Aki at nakalimutan na niya si Carmela or baka ginagawa niya lang dahilan yun?



        Kung hindi kaya ako biglang nalaglag sa harapan nila, nagkatuluyan kaya talaga sila? Ano kayang mangyayari kugn natuloy ang seryosong usapan nila?  Isa siguro yan sa mga itatanong ko sa future Aki na makikilala ko.



        Sumeryoso silang dalawa pagkatapos ng panandaliang katahimikan “Hindi pwedeng baka at lalong hindi ewan. Dahil kahit ang baka at ewan ay pwedeng mauwi sa closure. Walang kasiguraduhang closure na papaulanan mo ng tanong hanggang sa mamatay ka. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi mo kinakapatid yang si Mika. Uwi na!" Pumikit na si Tom. Tulog na ata.



        Hindi sumagot si Aki. Ewan ko kung narinig niya yung sinabi ni Tom. Natural ako din hindi sumagot. Kung bakit nasabing lahat yun Tom, hindi ko ri alam. Baka malakas lang siyang makaramdam.  Naglakad na kami papuntang bahay ni Aki. Akala ko kailangan ko pa siyang akayin eh pero parang walang talab naman yung ininom nila ni Tom eh.



        "Aki, bukas pala ako na lang ang lalakad mag isa." Paalam ko sa kanya.



        "Huh? Bakit?" Tanong niya habang iniikot ikot sa daliri niya yung susi ng bahay.



        "May pasok ka bukas diba? Tsaka sa tingin ko kailangan mo ring ayusin yung sa inyo ni Carmela. Masyado ng matagal simula nung huli kayong magkita. Siguro time na para magexplain ka sa kanya."Paliwanag ko habang diretso ang tingin ko sa kalsada.


        Matagal bago ulit nagsalita si Aki. Hindi ko nga man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay niya. Nauna na siyang pumasok. Nakatingin lang ako sa likuran niya habang naglalakas siya papasok ng bahay.



        Nagulat ako noong nakita ang mukha niya. Humarap nap ala siya sa akin. "Di ka pa papasok?" Tanong niya.



        "Ah...oo" Umirap lang siya at tumalikod na muli. Sumunod na ako sa kanya papasok ng bahay niya.



        Umupo ako sa may sala at pinatong ang mga paa sac enter table nila. Ang sakit ng paa ko sa layo ng nilakad naming. Si Aki naman nakita kong pumunta ng kusina. Hindi ko alam kung narinig ba niya yung sinabi ko or ayaw lang talaga niya magsalita. Maya maya pumunta na rin siya ng sala na may dalang mga kape. Binigay niya sa akin yung isang tasa at umupo na din para mag drawing.


        "Wala na kaming dapat pag usapan pa ni Carmela" Napahinto ako sa pag inom ng bigla siyang nagsalita. I mean hindi ko nama ineexpect na magsasalita siya. Akala ko nga hindi niya ako narinig.



        Ikinulong ko sa mga kamay ko yung tasa ng kape para mainitan ang mga kamay ko at kalmahin ang sarili ko sa pagkagulat. “ Bakit? Dahil ba sa kin? Tsaka nagkita na ba ulit kayo?"



        "Una, kasi wala na nga. Pangalawa, hindi dahil sayo at pangatlo, oo. Nasagot ko na yang mga tanong mo ah"Parang wala lang sa loob niyang sagot habang nagshashade sa papel.




        "Pero bakit nga?"Tanong ko na may halong pangungulit kahit pa na alam kogn pwede siyang mairita.



        Kinuha ni Aki yung eraser niya at inabala ang sarili doon. "Kasi aalis na rin naman siya. After ng graduation, magmimigrate na daw sila sa States. Ayaw naman niya ng long distance relationship, kaya yun" Sagot niya sabay pagpag ng papel para malaglag ang mga eraser dusts.


        Pinagpatuloy lang ulit ni Aki yung pagdradrawing. Naintindihan ko ang sinasabi ni Aki. LDR, mahirap nga ‘yun. Kailangan ng tiwala, sobra sobrang tiwala. Ang hirap kapag malayo kayo sa isa’t isa. Milya milya ang layo, pati kontinente at dagat nakikisama sa paghihiwalay niyo. Totoo nga kaya ang sinasabi niya? Yun nga ba ang dahilan? Hindi naman sa pafeeling ako pero baka kasi dahil sa akin kaya sila nag away at sabi lang ako na hindi para hindi ako maguilty.



        Nakita kong bandang ending na yung dinodrawing niya kasi magkaholding hands na yung dalawang bida sa illustrations niya meaning nagkita na ulit sila. Pero bakit ganun? Parang... para kasing naguiguilty ako.



        "Hoy kung ano man yang iniisip mo hindi ganun yun no!" Binato niya sa akin yung eraser niya. Pakiramdam ko nabasa niya ang iniisip ko. Kinabahan naman ako bigla.



        Nasalo ko naman yung eraser at binato pabalik sa kanya. Inirapan lang niya ko at tiningnan yung drawing niya. "Feeling ka! Iniisip ko lang naman kung bakit gusto mo maging illustrator? Malaki ba ang kita diyan?"



        "Ewan ko din kung bakit eh. Pero ever since I remember ito na ang gusto kong gawin eh. Feeling ko mas naeexpress ko ang sarili ko pag nahdradrawing ako eh. Tsaka di tulad ng mga nobela, naipapakita ko yung expression ng mga characters. Masasabi kong akin talaga yung idea. Tsaka yung kita? Kung malaki ang kita malamang mayaman na si Tom ngayon. Bakit? Mahalaga ba yun?" Itinaas niya yung drawing niya na para bang chicheck yung rpoprotions ng drawing. Malapit ng matapos. Halos kulay na lang ang kulang.




        "Sabi nila. San ka nga pala magcocollege? March na oh, ilang araw na lang graduation niyo na” Sagot ko sabay inom ng kape.



        "Baka sa UP. Nakapasa kasi ako dun ng fine arts. Pero pinag iisipan ko pa." Parang wala lang sa kanya yung sinabi niya samantalang ako nagfrefreak out. Sa dream school ko siya mag aaral!


        "Ha? Bakit mo pa pag iisipan yun? Go ka na dun!"Tinulak tulak ko siya ng mahina. Naeexcite kasi ako para sa kanya.



        "Maraming bagay pa ang dapat na pag isipan." Umiling lang siya tapos ay umakyat na siya sa itaas. Para siguro matulog na.


        Sa sobrang dami ng nangyari ngayon, halos hindi ako makapaniwala na natapos na ang araw. Sa paghahanap ko ng mga nawawala sa akin, marami akong natuklasan at nahanap na mga bagay bagay---- mga relasyong kahit kailan ay hindi ko naisip na nag eexist, mga memories na nasa past na lang at mga taong hindi ko inakalang magiging malapit at importante sa paghahanap ko ng mga sagot sa tanong ko.



        Ilang araw na lang siguro ang ilalagi ko dito. Parang kailan lang nung napadpad ako dito tapos babalik na ulit ako? Alam kong nasa maling lugar at oras ako pero bakit ang feeling ko okay lang na nandito ako? Bakit feeling ko walang mali? Bakit parang nararamdaman ko na ayaw ko ng iwanan ang nakaraan?



        It so odd na parang namimiss mo na agad ang isang pagkakataon kahit hindi mo pa ito nililisan

The Time Traveler's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon