Chapter 8: Famous Four

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano daw naging problema sa pamilya niya?" Tinikom ko ang aking bibig para maiwasan magtanong. Baka kasi makahalata sila at sabihing interesado ako dito. Tss. Kung alam lang nila! Buti nalang at si EJ ang nagtanong. Hindi rin kasi mawala sa isi ko ang curiousity.

"Ewan." Nagkapit balikat lamang si Aria. "Ayaw nila ipaalam eh. Basta may kinalaman daw dito ang parents niya."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Aria. Sila may ari nito? Now I know na kung bakit siya nandito. At oo agree ako sa kanya sa pagiging rebelde/badboy nitong lalaking ito. Obvious naman kasi. Dun palang nga sa hindi niya pagsipot sa pagkikita namin inabot na ng ilang araw. Tsk. Pero ano kaya yung problema nilang sinasabi ni Aria? Mukha naman wala kasi masaya naman kasama sila tita Karla at tito Rommel.

"Yung naka-white naman na lalaki na may suspender, siya si Diego Loyzaga. Mayaman sila sa condominium. Karamihan ng condo dito sa Pinas sila may ari. Lahat sila working student pero kakaibang working student sila. May mga sarili din kasi sila pinapatakbo na kompanya pero sa kanilang lahat si Diego ang pinakamasipag sa trabaho paano kasi only child kaya sa kanya lahat pinapamana ng daddy niya ang kayamanan nila. Isa na dito ang isang condo na inaasikaso ni Diego. Siya na daw may ari nun kaya dun na din siya nakatira. Hindi din naman niya binibigo ang dad niya pagdating sa business."

Wow naman! Biruin ninyo may sarili na siyang condo? Nakakayanan ba niya magasikaso magisa? Wow talaga! Napatingin ako kay Julia at nagulat ako sa reaksyon niya nakatitig lang siya dun sa Diego na nakangiti.

"Yung isa naman.. Siya si Khalil Ramos." Aniya. Napatitig ako sa kanya. Sa tatlong lalaki pinakilala niya, kay Khalil ang naiiba. Sobra kasi ang mga ngiti nito at halata ang excitement sa tono ng kanyang boses.

"Sa kanila magkakaibigan siya ang pinakamabait, makulit, masipag at matalino kaya nga ang daming nagsasabi boy material daw siya. Lahat ng gusto mo sa lalaki na sa kanya na. And one more thing.. Kung si Daniel mayaman sa mga schools at si Diego naman sa condos si Khalil naman sa restaurants. Yes, Madami sila restos dito sa Manila at ang pinakasikat nilang resto ay ang Ramos' Reastaurant."

Napa-iling ako at napangiti. Sa dalawa, wala masyado sinabi ni Aria at may negative pa pero kay Khalil kompletong attitude pa ang sinabi. Halatang puring-puri.

Tinignan ko yung Khalil. Nanliit ang tingin ko sa kanya. Mukhang pamilyar sa akin yung mukha niya... Parang nagkita na ata kami? Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Akala ko ba F4? Ba't tatlo lang sila?" Pagtataka ko.

"Oo apat sila kaso wala nga lang yung isa.." Ani Aria

"Asan yung isa?" Pagtataka ni Julia

"Nasa states eh. Dati dito din yun nagaaral kaso nga lang huminto kasi may inaasikaso siyang kompanya sa states with his dad. Dun na din niya pinatuloy ang pagaaral niya. Lahat naman sila galing states. Dun nga sila nagkakilala. Bukod sa magkapartners lahat ng parents nila sa kompanya nila dun sa states, magkakaclassmate din sila dun. Una umuwi dito sila Daniel at Khalil sumunod naman si Diego. Halos kakauwi lang din ni Diego unlike the two matagal na nandito. Nagets ninyo na ba history nila? Baka nalito na kayo?" Bahagya napatawa si Aria at tinignan kami isa-isa.

"Ahh.. Haha. Hindi noh!" Umiling ako at nigitian siya. "Nagets namin lahat lahat. Grabe pala sila ano? Ang yayaman."

"Oo nga kaya nga swerte mapapangasawa niyan mga yan." Biro ni Aria na agad naman ako dinalaw ng kaba dun.

Ba't ganun bumilis yung tibok ng puso ko nung narinig ko yung word na mapapangasawa? Tsk. Badtrip naman kasi. Natatakot na tuloy ako baka kasi anong mangyare kapag nakalat dito na ikakasal kami ni Daniel. Arghh! Sikat pa naman din siya dito. Ayoko magkaroon ng haters, alam ko yung mga ganyan eh. Mangangaway ang mga fans kapag may kinalaman sa idol nila na hindi nila gusto. Ganyan sa mga artista eh.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon