Chapter 18: One's side

931 12 6
                                    

ARIA

Habang naglalakad kami sa corridor papuntang park ang tahimik namin dalawa. Walang kumikibo. Buti nalang at may mga tao kami na nadadaanan na panay hi sa akin. Kung hindi naman sa akin, dito sa katabi ko.

“Mukhang sikat ka rin ata sa school na ito ha?” Natatawa niyang sabi. Nagukat ako sa bigla niya pagsalita kaya hindi ko agad naproseso sa akin. Tinignan ko lang siya. Siguro nagsalita na siya para masira ang katahimikan sa amin dalawa.

“Ang dami bumabati sayo. Daig mo pa ata ako. Mas madaming bumabati sayo kesa sa akin.” Tumawa siya. Napangiti nalang ako. Hindi naman kasi ako sikat dito. Hindi naman ako pinagkakaguluhan ng mga tao katulad nila. Madami lang talaga ako kakilala kasi ako ang president ng student council dito. Hindi yung arts school ha! Yung mismong school talaga. Kaya madaming nakakakilala sa akin at the same time madami akong kakilala dito.

"Ganun talaga pag maganda!" Narinig ko siya tumawa kaya napangisi ako. "Joke lang yun. alam mo naman president ako dba? Nagtaka ka pa."

Tumango siya sa sinabi ko. Halos sumabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok at ang saya sa loob ko na hindi ko mailabas. Parang ang sarap magwala. Umagree siya sa sinabi ko! So, ibig sabihin kilala nila ako? Alam niya ako ang president ng student council? Hindi ako makapaniwalang makikilala pala ako ng taga FF sa ganun bagay! Pero syempre, I act normal. Ayoko ilabas ang pagkafangirl ko sa FF. Baka maweirduhan siya sa akin at lalo lang umiwas!

Naging tahimik ulet kami after ng usapan na iyon. Sobrang awkward na ng atmosphere. Nilabas ko nalang muna yung phone ko at kunwari nagtetext pero ang totoo ang tanging tinatype ko lang, ang awkward nito ng paulit ulit. Hinayaan din naman niya ako. Hindi niya ako kinakausap baka iniisip niya na may katext ako kaya mamaya nalang niya ako kakausapin. Hays torpe alert?! Bakit parang kay Kath naman hindi siya natotorpe? Malakas lang ba ang loob niya sa mga babaeng gusto niya? At pagdating sa mga hindi niya gustong babae, natatahimik siya? Bigla ako napatikhim sa naisip ko.

“Tara ma-upo ka.” Nagulat ako. Hindi ko namalayan na nasa park na pala kami. Umupo na siya. Nilagay ko nalang muna yung phone ko sa aking bulsa at umupo sa tabi niya. May kaunting distansya sa amin.

Narinig ko siya umubo kaya natigin ako sa kanya. “Uhm, ano.. Okay na ba tayo?”

“Okay? Bakit hindi ba tayo okay? May nangyare ba?”

“Wag ka nga magpatay malisya dyan.”

“Bakit totoo naman ha! May nangyare ba?”

“Yung sa ano.. Yung nasigawan kita.” Napayuko siya pagkasabi niya non.

"Ah, yun ba? Naalala mo papala yun?" Bahagya ako tumawa. "Nako! Wala yun kasalanan ko din naman. Masyado akong mapilit na tao."

Napababa ang tingin ko sa aking mga nadiliri. Pinaglaruan ko ito. Hindi ako makapatingin sa kanya dahil puro kabaliktaran lang naman ang sinasabi ko sa kanya. Hindi okay sa akin yun, nasaktan ako pero para san pa? Wala lang din naman ako sa kanya kaya sabihin ko nalang okay ang lahat.

“Sabi kasi ni Kath makipagayos ako sayo.” Unti-unti nawala ang ngiti sa aking labi. Buti nalang hindi niya iyon kita dahil nakayuko ako.

Hays Kath nanaman. I should've known. Hindi niya magagawang magkusa kausapin ako at magsorry. Kasi kung siya talaga may gusto kanina palang. Una palang kami magkita kakausapin niya ako. Kaso hindi. Sa harap ng barkada we acted like it never happened. Hindi pa kami nagpansinan. “Atska isa pa ksalanan ko din naman. Nasigawan kita.”

“Alam ko naman na nabigla ka lang at masyadong nakulitan sa akin. Alam ko naman na hindi mo yun sinasadya. Hayaan mo intindi ko naman.”

Naiintindihan ko pero may sakit ako nararamdaman. Nang dahil kay Kath kaya niya ito ginagawa? Hindi dahil sa akin? Dahil sa gusto niya magkaayos talaga kami?

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon