Chapter 4: Art School

2.3K 37 4
                                    

Just a short chapter. Anyways, theme song ng story na ito yung nasa gilid :) Yep, this is inspired by the song Stuck With Each Other by Shontelle Ft. Akon :)

Sa mga may twitter pala dyan.. If you want to know who I am. Follow ninyo ako ;)

@morenangbabaita

Kung gusto ninyo ng follow back just tell me!

__________________________

DANIEL

"Yes. You heard me!" Ngumisi si Khalil sa amin. Kaming dalawa naman ni Diego napaawang ang bibig. Tumawa siya nang makita ang reaksyon namin. "Elibs nanaman kayo sa akin ano?"

Hindi parin kami makapaniwala. We know him. He doesn't treat girls like a toy kahit na ba lapitin siya ng mga babae. He doesn't take advantage of them porket lang may gusto sa kanya yung tao. That's why he's the good guy. At pinakanakakapagtaka sa lahat ng ito ay hindi naman siya umiibig. Never pa siya nafall. Lahat ng sinasabi niya about chix at ano pa, puro kalokohan lang niya yun. Malakas siya maghamon na padamihan ng chix pero ni isa sa mga lalapit sa kanya hindi naman niya nadadala hanggang sa condo niya.

"Dude, are you damn serious?" Tanong sa kanya ni Diego

"Yes, I'm damn serious!" Tinatawanan lang kami ni Khalil. Hindi namin alam kung pinagtritripan ba niya kami o seryoso talaga siya.

"Who's this girl? How did you met her?" Kumusot ang kilay ko sa kanya.

"I don't know her name pero nakita ko siya dun sa restaurant namin. She's one of our constumer."

"Paano mo nga nakilala? Ba't di ko man lang siya nakita?" Sunod-sunod kong tanong. Nakakapagtaka lang, buong araw kami magkasama, bakit parang hindi ko naman ata napansin na may chix na siya?

"Dude, Chill!" Ani Diego. Tinapik niya ako tsaka humarap kay Khalil. "Just tell us the whole story."

KHALIL

"Just tell us the whole story."

Tumango ako sakanya at nagbuktong hininga.

"Nakita ko siya habang hinahanap ko ito." Tinuro ko si Daniel. Inaalala ko na din ang kanina lang nangyare sa restaurant nami.

Ginamit namin yung kotse ni Daniel. Coding din kasi yung kotse ko. Tignan ninyo nagcommute pa ko papunta sa condo niya buti nalang at sumama din ito! Sayang lang din ang pinaghirapan ko. Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan ako ni Daniel.

"Anong kaartihan nanaman ba ito ha!?" Bigla niya kasi hinarangan ang pinto para hindi ako makapasok

"Ikaw muna unang pumasok." Aniya

"Ano?" Lito kong sabi. Hindi ko na alam kung ano gusto niya mangyare. Ano ba plano nito?

"Check mo muna kung andun yung babae, kung wala tska palang ako papasok"

"Bakit ba kasi ayaw mo makita yung babae ha?" Kinusutan ko siya ng kilay. Ngumuwi lang siya sa akin.

"Basta ayoko ko!"

"Tsk. Sige na!" Kahit labag sa kalooban kong ito, pumayag na ko. May choice pa ba ako? Tss. Tinulak ko siya bahagya palayo sa may pinto at pumasok na ko.

Pagpasok ko nakita ko kaagad sila tita Karla at tito Rommel. May kasama pa sila dalawa pang matanda. Ito na ata yung parents nung mapapangasawa ni Daniel? Nanliit ang mata ko sa kanila at nagtaka. Puro matatanda lang sila. Walang dalagang babae. So ibig sabihin hindi nila kasama? Napabuktong hininga ako. Well, I guess safe naman si Daniel? Nilingon ko na ulet ang pinto para tawagin sana siya pero nanlaki lang ang aking mata at napaawang ang bibig nang marealize na wala na dun si Daniel. ASAN NA SIYA?!

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon