Chapter 3

77 6 4
                                    

CHAPTER 3

 

 

“Huwag po! Huwag po! Parang awa niyo na! Maawa po kayo!, ang takot na sigaw ni Regina sa taong tila nakaambang saksakin siya.

Palapit na nang palapit sa kanya.

Patuloy pa rin ang pag-iyak nito

Humihikbi.

Pinagpapawisan.

Takot na takot.

Nangiginig.

Papalapit na.

Andiyan na.

“Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!

 

Napabangon sa pagkakahiga ang dalaga. Binabangungot na naman siya. Pawis na pawis at tila pagod na hinihingal. Takot na takot pa rin kahit alam niyang masamang panaginip lamang ang lahat ng ito. Ibinalot ang kumot sa buong katawan at umupo na lamang sa kama. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Lalong nadagdagan ang kaba ng nagring ang phone niya. Nanginginig ang kamay na kinuha ito sa side table ng kama Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng makitang si Amanda ang tumatawag sa kanya.

Agad agad niya itong sinagot, “Hello Amanda. Thank God at napatawag ka.

 

“Why Redge? Is there something wrong? Are you ok?”, ang pag-aalalang tanong nito sa kaibigan. Halata kasi ang pagkabalisa sa boses ng dalaga.

“Actually hindi talaga ko matulog kaya naisip kong tawagan ka. Ok ka lang ba?”

 

“I really feel bad Amanda! I’m having nightmares this past few days. Can you please come over?”, ang request nito sa bestfriend.

“Ok no problem. I’ll be there. Just wait for me ok?”,ang walang pag-aalinlangang sagot ni Amanda.

“Thank you Amanda.”

 

Dali-daling tumakbo si Amanda papunta sa kwarto ng kuya niya. Kumatok ng pagkalakas-lakas. Nakailang katok na ngunit di pa rin binubuksan ni Jerald and pinto. Mukhang masarap na ang tulog.

“Ano ba naman! Tulog mantika naman itong lalaking ‘to! Kuya ano ba buksan mo nga ang pinto?”, patuloy pa rin ang pagkatok nito.

Ang tanging susi lang kasi ng main door ang meron siya kaya kailangan niya talagang gisingin ang kuya niya. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, hinila niya ang kamay ni Jerald palabas ng sala.

“Teka ano ba naman Amanda? Ano na naman bang problema mong babae ka?, ang galit na tanong ng nakatatandang kapatid kahit tulog pa ang diwa.

Ikaw ang Liwanag sa Gabi't Araw by MistyLeeWhere stories live. Discover now