Chapter 5 - 1 Month Only

47 1 0
                                    

This is dedicated to BingFabella. Sorry guys. Ngayon lang nakapag-update. I'll try to have it updated once in awhile. Please take time to read my new story BENCH XXXL. Thanks for your support. HEHE

Napatigil sa pag-iisip ng kung anu-ano si Gerald ng biglang nagkamalay na si Regina. Idinilat nito ang mga mata niya at nakita na naman ang mukha ng binata. Dali-daling tumayo mula sa pagkakahiga at hinanap ang trolly niya.

"Teka, where are you going?", ang tanong ni Gerald habang nangangatal pa.

"Then you're asking me where I'm going? Ibang klase ka rin eh noh!", ang iritableng sagot nito.

Tinitigan niya ang dalaga. Isinenyas ng binata ang orasan.

"It's already late. You can stay here just for tonight."

Nakatulog siya ng matagal at umabot hanggang alas otso sa condo unit ng aroganteng lalaking nasa harap niya ngayon.

"No way! Never! Kung ikaw lang din ang makakasama ko, 'wag na lang! I'm gonna go to Amanda's place. Give me her address right now!", ang sigaw nito sa binata na hindi mapigilan ang inis.

Nanlaki ang mga mata ni Gerald sa pagsigaw ng dalaga. Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng ganito katapang at kalakas ang loob.

"Teka nga Miss. Bakit ba mas galit ka pa sa'kin? Imbis na makiusap ka putak ka ng putak."

Isang malakas na sigaw na naman ang narinig mula sa dalaga. Walang pinalagpas na salita. Hindi nagpapatalo sa anumang sabihin ni Gerald.

"What do you want me to do? Lumuhod? Magmakaawa? Para lang makitira dito sa Class D mong condo! Ang sakit mo sa bangs!"

"That's it. Why don't you find a bigger place? Yung Class A?", ang kalmadong sagot nito kay Regina.

"Hay naku! Don't ever dare talk to me again! I'll just call Amanda!"

Hindi naging maganda ang tagpo ng dalawa. Tuluyan ng umalis si Regina. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. She can rent a place naman anytime pero hanggang ngayon takot pa rin siyang mag-isa. Napapadalas kasi nightmares niya this past few days. Magiging kampante lamang siya kapag alam niyang may kasama siya sa isang lugar.

Nangungupahan lamang si Amanda. Mahirap ang napangasawa nito. Bukod sa lasenggero e babaero pa. Wala na ngang trabaho nagawa pang maglasing. Halos araw-araw. Si Amanda lamang ang kumikita para matustusan ang mga anak.

Nagring ang phone ni Amanda. Tumingin sa orasan at nakitang gabing gabi na para sa isang tawag. Agad niyang naisip ang bestfriend at dahil may ginagawa ito, hindi niya kaagad nasagot.

"Hindi mo ba sasagutin ang phone mo Amanda! Nakakarindi!", ang sigaw ng asawa na nakahandusay sa sahig.

Lasing na naman ang asawa nito. Walang ginawa kundi uminom at magsugal gabi-gabi. Sakit sa ulo.

Maya-maya pa'y sinagot na ni Amanda ang tawag dahil nataranta na naman sa asawa.

"Hello Redge."

"Andito ako sa tapat ng bahay niyo."

Nandilat ang mata ng dalaga. Nagpanic at hindi alam ang gagawin. Halabos malaglag ang phone sa pagkabigla. Nag-iisip. Hindi niya alam kung anong gagawin sa asawa. Kinakatakot niya kung anong pwedeng iasal ng asawa niya kay Regina, lalo na lasing ito.

"Pasensya ka na Redge medyo natagalan ako. Lasing na naman kasi si Robert kaya hinintay ko munang makatulog."

Hinawakan ni Regina ang kamay ni Amanda. Nararamdaman ng dalaga ang takot at lungkot ng kaibigan. Feeling tuloy ni Regina nakadagdag pa siya sa intindihin nito.

"Don't worry about me. I can manage. Ikaw? Ok ka lang ba?"

"Oo naman. Ok lang ako. Pero Redge alam mo naman siguro ang kalagayan ko. To be honest, hindi talaga kita mapapatuloy sa bahay ngayon."

"Yap I understand. Don't worry too much."

"Thank you Redge! Pero teka pwede pahiram ng phone mo? Naiwan ko kasi sa loob yung phone ko."

Mabilis na ibinigay naman nito ang phone sa kaibigan.

"Hello Kuya. Si Amanda 'to. Pwede bang pumunta ka dito sa bahay ngayon? Nagwawala kasi si Robert. Lasing na naman. Please Kuya."

"Teka Amanda. Umiiyak ka ba?, ang tanong ni Gerald sa kabilang linya.

Ibinaba agad ni Amanda ang phone ng nakangiti. Sigurado siyang pupunta at pupunta ang Kuya niya. Alam niyang hindi siya matitiis nito.

Nang may naaninag na paparating na motor si Regina sa side mirror ng sasakyan ay agad na sinenyasan ang kaibigan. Bumaba na ng sasakyan si Amanda at nilapitan ang kapatid.

"Ok ka lang ba? Anong ginawa sa'yo? Sinaktan ka ba? Nasa'n siya?", ang sunud-sunod na tanong ni Gerald sa kapatid.

"Ok lang ako Kuya. Don't worry. Nakatulog na siya."

"Sigurado ka?"

Buti na lang at nakababa kagad ng sasakyan si Amanda. Kung hindi ay sumugod na sa bahay ang kanyang Kuya. Mas malaking eskandalo.

Tumungo ang kapatid. Naging payapa ang loob ni Gerald ng makitang maayos naman ang lagay ng kapatid. Kita sa mga mata ng binata ang pag-aalala. Malungkot ang eksena ng magkapatid. Sa kabila nun, ay hindi mapigil ang ngiti ni Regina. Alam niya kasing acting lang ito ni Amanda para mapapunta ang Kuya niya. Hindi kasi pwedeng tumuloy si Regina kina Amanda. Lalong gugulo ang atmosphere ng mag-asawa. Lalo pa't napakaganda ng kaibigan. Ang tanging alam niyang makakatulong kay Regina ay ang kanyang Kuya.

"Thank you Kuya. I love you. Ang bait bait mo talaga.", ang lambing nito sa nakatatandang kapatid habang nakayakap ito sa kanya.

"E parang wala naman akong choice. Basta isang buwan lang huh?"

"Yap hanggang bumalik lang ang mga kasambahay nila. Promise yan."

"Ok! Sige na. Pasok ka na. I have to go. Medyo late na rin.", pagkatapos ay isinuot ang helmet at sasakay na sa motor.

"Hep hep hep.", ang pigil ni Amanda sa Kuya habang tinatanggal ang helmet na isinuot niya.

"Akin na'to."

"Huh?"

"Akin na ang susi?"

"Huh?"

"Sa'kin muna si Imino. Ako na lang magdadala sa condo mo bukas."

Ngumuso si Amanda sa kinaroroonan ng kotse ni Regina. Wala nang nagawa si Gerald kundi puntahan ang masungit na babae. He can't even imagine na makakasama niya ang ganitong klase ng babae sa loob ng isang buwan. Sigurado siyang magiging magulo ang buhay niya for 1 month.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw ang Liwanag sa Gabi't Araw by MistyLeeWhere stories live. Discover now