Chapter 1

605 20 6
                                    

Ikaw ang Liwanag sa Gabi’t Araw

By MistyLee

Madilim ang paligid. Wala kahit isang hibla ng liwanag ang makikita sa warehouse na iyon. Walang ring ibang ingay kundi ang iyak ng isang batang takot na takot. Ni hindi mo makikita ang batang nakahandusay sa maduming sahig ng lumang gusali kung wala kang dala-dalang kandila, gasera, flashlight o anumang klase ng bagay na nagbibigay liwanag.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Nanginginig ang buong katawan nito.

Tumatagaktak ang pawis.

Humihikbi.

 

Patuloy na tumutulo ang luha mula sa mga mata ng batang babae ngunit hindi na makapagsalita sa sakit na nadarama niya. Wala na siyang lakas pa upang humingi ng saklolo.

Ang tanging dasal na lamang nito ay makakita ng konting liwanag na magbibigay lakas sa kanya. Liwanag na makakapawi ng galit at poot na nararamdaman niya ngayon.

CHAPTER 1

Nakahiga sa isang malaking kama si Regina. Napakalaki ng kama niya kaya naman halos hindi na makita ang balingkinitan nitong katawan. Masarap pa rin ang tulog ng dalaga nang tumunog ang alarm clock ng pagkalakas-lakas.

Krrrrrrrng…. Krrrrrrrrng… Krrrrrrng…

Ni hindi man lang nagising sa lakas na tunog nito. Habang patuloy na tumutunog ang orasan, nagpabali-balikwas sa kama, dumapa, tinakpan ng unan ang mukha at muling dumapa. Medyo naririndi na sa ingay at walang nagawa kundi abutin ang alarm clock sa side table ng kama.

“Ano ba? Antok pa’ko. Teka ano bang meron ngayon at inalarm ko to ng pagkaaga-aga.”, wika nito habang pinapatay ang alarm clock.

Bahagyang idinilat ang singkit na mga mata nito. Antok na antok pa dahil medyo late na siya nakatulog kagabi. Nandilat muli ang mga mata ng dalaga na tila nagulat. Bigla nitong naalala na kailangan pala niyang humabol sa pinakaunang Zumba class ngayong araw ng Sabado. May isang oras pa siya bago ang 7 o’clock class. Kaya naman dali-dali itong nagpunta sa pagkalaki-laki ring banyo. Nagsipilyo na lamang ang dalaga at naghilamos ng kanyang mukha. Sa ganda ng dalaga hindi naman halatang hindi siya naligo. Fresh na fresh pa rin kahit bagong gising at kahit siguro maglublob sa putikan ay maganda pa rin. Ang dahilan nito, pagpapawisan din naman siya ng todo sa zumba class. Nagbihis ang dalaga ng pang-work out. Hubug na hubog ang katawan nito suot ang isang red na spandex top at red leggings. Favorite color ng dalaga ang red kaya naman pati ang rubber shoes at medyas nito ay kulay pula. Masakit man sa paningin ng iba pero bagay na bagay ito sa kanya. Lutang na lutang ang kagandahan ng kulay sa napakakinis niyang balat. 

Bago umalis ng bahay, dumaan siya sa altar na nasa Living Room. Isa lamang ito sa mga altar sa buong mansion at ito ang paborito niya. Nagsign of the cross at nag-dasal saglit. Madasaling bata si Regina. Nakasanayan niyang dumaan sa kanilang napakagandang altar tuwing aalis at darating. Dito rin siya nagdadasal ng Angelus at nagrorosaryo. Relihiyosa kasi ang nanay niya kaya naman halos mapuno ng religious memorabilias ang mansion. Maaring na ngang gawing museum ng santo at santa ang kabahayan sa di mabilang na mga banal na imahe.  

Ikaw ang Liwanag sa Gabi't Araw by MistyLeeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu