Chapter 3. "Love is a beautiful pain"

5.9K 227 21
                                    

Chapter 3. "Love is a beautiful pain"

Bence's POV

Huwag mo na akong lalapitan

Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Hawak hawak ko ang pilas ng papel na sinulatan ni Daphne ng mensahe niya kanina, at hind ko gusto ang nakasulat dito. Nalulungkot ako sa nais niyang sabihin sa akin. Hindi ko maintindihan bakit niya 'to nasabi. Ang nais ko lang naman at maging kaibigan siya at mapasaya siya. Ang malayo siya sa mapait na mundo at ipakita ang ganda nito.

Napaupo ako sa kama habang ginugulo ang buhok ko. Naguguluhan talaga ako sa naiisip ko. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa board kung saan ko nilagay ang isa pang note ni Daphne. That simple 'thank you' of her. Hindi ko alam, pero ang laki ng hatak nito sa puso ko. I feel something na sobrang saya ko. And then, I've got this message. She wants me to stay away from her. I don't really get it why. And I don't think na gagawin ko 'yon lalo na kung wala naman akong enough reason to do it.

Kumuha ako ng pin sa drawer at gaya ng ginawa ko dati. Nilagay ko ang pilas ng papel sa board na 'yon.

"No, di ako susuko. I know she's kind. I know she needed a friend." Determinado kong nasabi sa sarili ko.

The next day. Tulad ng ginawa ko kahapon, hinintay ko siya sa tapat ng gate. Ilang minuto rin akong nakasandal sa pader ng gate para hintayin siya, hinihintay na matanaw siya mula sa malayo. Pero tumunog na ang bell, wala pa rin siya. Hinanap ko siya pero ako pa rin siya. Wala na akong nagawa kundi pumasok na. Bigo akong makita siyang pumasok ngayon at naiinis ako roon. Talagang iniiwasan na niya ako.

Habang nasa klase, iniisip ko naman kung ano na ang nangyari sa kanya. Kamusta na kaya siya? Magaling na kaya ang sugat at pasa niya? Kung ano-anong katanungan ang sumasagi sa isip ko. Lutang ang isip ko habang nasa klase at tahimik lang.

"Uy Bence, ayos ka lang? kanina ka pa tahimik ah?" tanong ni Elijah sa akin. Vacant namin ngayon, tumingin ako sa kanya.

"I'm alright. I was just lack of sleep." Tamad na sagot ko rito.

"O-kay. By the way, may itatanong lang ako sayo. Recently, nagtataka ako, bakit lagi mong kinakausap yung babae sa section C, si Daphne Ramirez, iyong pipi?" tanong niya sa akin saka ako binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Hey, it's not what you think. Daphne's mom and my mom are close friend, that's why I wanted her also to be my friend. That's it." Sagot ko naman sa kanya. I don't know why, but I looked like a defensive one. "And correction, hindi siya pipi." Pagtatama ko. Nakita ko namang nabigla at nagtaka si Elijah.

"Okay." Aniya habang natatawa "Ang defensive naman ng sagot mo. Binibiro ka lang." Natatawang sabi ni Elijah sa akin.

"Whatever." Inis kong tugon.

"Sus, pikon. Uy, Daphne." Pang-aasar nito sabay tusok sa tagiliran ko.

"Elijah! Stop tickling me dude." Naaasar ko namang sabi sa kanya.

"Uy, binata na si Bence." Pang-aasar pa niya.

"Enough."

Ang kulit talaga ng mga babae. By the way, Elijah is a girl, Elijah Mae ang pangalan niya. Para lang siyang lalaki kung kumilos.

Nag-umpisa na muli ang klase namin. Ganoon pa rin ang mood ko. Minsan nga, hindi ako nakasagot sa tanong ng teacher ko. Nagulat ang mga kaklase ko sa naging kinikilos ko ngayon. Maybe I'm just tired. Baka inaantok lang ako. Pero why do I get this feeling na parang busted ako. Depressed ba ako dahil nilalayuan ako ni Daphne? At isa pa bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya.

Hear Me Where stories live. Discover now