Chapter 9. "I'll stay here for you"

5.2K 220 12
                                    

Chapter 9. "I'll stay here for you"

Daphne's POV

"Dito mo pala gustong pumunta, Daphne." Aniya habang taimtim na nakamasid sa malawak sa ilog sa harap namin. Mukhang magaan ang pakiramdam niya. Mukhang maayos naman siya.

Narito kami sa lugar na pinagdalhan niya sa akin dati. Ito ang unang lugar na pinagdalhan niya sa akin, dito sa ilog na ito. Maganda ang lugar na ito, payapa at napakatahimik. Malayo sa polusyon at sa maingay na syudad. Kaunti rin ang taong nagpupunta rito, pakiwari ko'y itong lugar na ito ay magiging isang malaking parte ng buhay ko at ng alaala ni Bence para sa akin.

Mula sa ilong, may isang malaking puno ng mangga kung saan kami nakapuwesto. Nakaupo kami sa damuhan sa lilim ng puno, dinadama ang tahimik at malamig na hanging dumadampi sa aming pisngi.

Napatingin ako sa mukha ni Bence. Seryoso ito habang nakatingin ng malayo sa ilog. Nakikita kong may malalim siyang iniisip. Alam kong masakit at nasasaktan din siya sa nangyayari, alam kong nalulungkot din siya. Ninanais lamang niyang ipakita sa amin na ayos lamang sa kanya upang hindi kami mag-alala ng lubusan sa magiging pagkawala niya. Alam ko ang nararamdaman niya, hindi man niya ito sabihin, ay nababasa ko ito sa kanyang mukha at mga mata.

Kung may isang paraan lang para iligtas siya, gagawin ko para sa kanya. Kung hindi lang nagging huli ang lahat, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabuhay siya. Kahit ano, para sa kanya, na siyang nagpabago sa akin. Napakasakit isipin na ang isang mabuting tao na tulad niya ay nagpapakahirap sa isang sakit. Marami namang masamang tao sa mundo, bakit siya pa? Hindi na lang sa iba na mapanghusga at mapagmataas. Bakit si Bence pa?

"When you go there, will you guide my way?" napatingin siya sa sinabi ko sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.

Nakatulala kami sa mukha ng bawat isa, hinihintay kung sino ang unang magsasalita. Parang binabasa namin ang isipan ng bawat isa. Nang mga oras na 'yon, ayaw kong alisin ang tingin ko sa kanyang mukha. Pakiramdam ko nalalapit na siyang mawala sa akin.

"When I go there, I promise you, I will be your guardian angel. Alam kong hindi mo ako makikita, pero alam kong mararamdaman mo ako. I promise you, I'll stay here for you." Gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa kanyang labi at gayon na rin ako. Isang ngiting sana ay Makita ko pa. Isang ngiting hinding hindi ko makakalimutan. "Thank you so much, Daphne. Thank you for accepting my love, for being born and for coming into my life. Meeting you was the great fortune in my life, Daphne." Marahan niyang sinasabi sa akin, gumigilid na rin ang aking luha sa sobrang saya at lungkot. Magkahalo ang nararamdman ko, masaya dahil dumating din siya sa buhay ko, at malungkot dahil alam kong mawawala na siya.

Wala na ako nasabi pa sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit. Isang yakap sa lugar na alam naming magbibigay ng magandang alaala sa aming dalawa balang araw.

Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Galing ako sa bahay nila Bence. Gusto pa nga niya akong ihatid pero alam kong napagod na siya sa pamamasyal namin. Kaya naman sinabi kong ako na lang, nagtampo pa siya kasi ang boyfriend daw dapat hinahatid ang girlfriend sa bahay. Natutuwa ako sa kanya, kahit na hindi maganda ang kondisyon niya, gusto niya pa rin na magpaka-gentleman.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagpasok ko, nagulat ako nang bigla akong salubungin ni Mama. Nag-aalala ang mukha nito at hindi mapakali habang hawak ang cellphone sa isang niyang kamay. Bigla akong kinabahan.

"Bakit po Ma?" Nagtatakang tanong ko kay Mama habang papalapit siya sa akin.

"Anak, si Bence!" Hindi mapakaling sagot ni Mama.

Hear Me حيث تعيش القصص. اكتشف الآن