POV ni Manuel

Buong araw na parang balisa tong si Erin, hindi makausap ng matino eh. Siguro nag-away nanaman sila nung girlfriend nyang si Janice, yung bestfriend turned into girlfriend realquick. Nakakatawa na nga lang isipin ang mga bagay bagay.

"Uy tol! Hindi ka ba masaya? "

" May dahilan ba para magsaya tol? "

"Hindi mo ba narinig? wala daw si Prof. ! Wala na tayong klase, it means pwede na tayo umuwi para makapagpahinga bago natin puntahan yung sinasabi ko. "

"Pwede ba manuel, tigil tigilan muna natin yang hang out na yan. Kung gusto mong mamatay sa sakit sa atay. Pwede bang ikaw na lang, wag mo na ko idamay. "

" Ang suplado mo naman, meron ka siguro. Uy meron ang utol ko hahahaha"

"Puro ka kalechehan Manuel! "

Bigla naman akong nilayasan neto eh binibiro ko lang naman sya.

POV ni Erin

So ayun nga! Badtrip na badtrip ako dahil inaaya nanaman ako ni Manuel sa Bar! Simula nung nagGraduate kami at naging isang ganap na kolehiyo ay naging party goer na ito. Babae dito, babae dyan. Alak dito, alak diyan. Ngunit gayunpaman, hindi naman napapabayaan neto ang pag-aaral. Meron kasi itong problema sa relasyon nilang mag-ama. Kwento nya noon pa man daw ay gusto na sya hawakan sa leeg ng kanyang ama, para bang gusto laging pasunurin. Kaya't etong si Manuel, gusto ng mabuhay ng bukod para walang nagbabantay sa kilos nya at walang nagdedesisyon para sa kanya.

" Pano ka mamumuhay ng bukod, Manuel. Hindi mo pa nga sariling pera yang ginagastos mo, winawaldas mo lang sa bisyo. "

Eto na nga, wala naman ako nagawa kundi sumama sa kanya. Eh sa gusto ko syang makasama kahit naman ayaw ko sa lugar nato. Basta kung nasan ang presensya nya kahit sa impyerno. Go ako.

"Ikaw ba talaga kaibigan kita! Bakit lagi mo na lang kinokontra ang gusto ko.? Naging tomboy ka nga, wala naman akong reklamo diba! " lasing na tugon neto.

"Manuel alam mo ba talaga kung ano ang tunay na kaibigan? Pasensya na ha, hindi kasi ako yung tipo ng kaibigan na susuportahan ka sa kalokohan. Alam mo wala ng patutunguhan tong usapan natin eh. Lasing ka na, umuwi na tayo. "

"Erin, wag mo ko iiwan ha. Ikaw lang ang meron ako. "

Pucha naman oh. Yung kahit gusto mong magalit at mainis pero hindi mo magawa kasi mahal mo. Tapos pag tinitigan mo pa yung muka, mapapamura ka na lang tapos sasabihin mong. ...

"Ang sarap mong mahalin.."

"Lasing na si Manuel, kaya mo ba syang iuwi? Iwan mo na lang sya dito, i can take care of him. "

Nagulat ako ng biglang magsalita sa likod ko si Tyra. Kinabahan ako kasi baka narinig nya ang sinabi ko. Mabuti na lang at medyo napapanatag ako dahil alam kong malakas ang tugtog at mahina lang pagkakasabi ko. Wala na kong nagawa kundi iwan ang nakayukong si Manuel sa lamesa dahil sa sobrang kalasingan. Pinaubaya ko nanaman sya kay Tyra.

Hanggang kelan ka ganto, hanggang kelan ka magpaparaya, Erin!!

Kinabukasan pagpasok ko ay hinanap agad ng mata ko si Manuel. Di ko na sya nagawang kamustahin dahil nakatulog ako agad at nagmamadali naman akong pumasok kanina. Bakit kaya wala pa ito.

Napanatag naman ang loob ko ng nakita kong nagmamadali syang pumasok mula sa labas. Buong akala koy tatabihan nya ko sa upuan, ngunit miski tignan ako ay hindi nya ginawa. Biglang nakaramdam ako ng kirot. Lumipas ang ilang subject pati na rin ang lunch break ay hindi nya ko pinapansin kaya napilitan tuloy akong kitain ang pretend girlfriend kong si Janice.

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now