3

28 1 0
                                    

POV ni Manuel

Alam ko sa sarili kong madali kong mapapatawad si Erin. Matagal ko na rin itong kakilala, simula pa lang highschool ay lagi ko ng inoobserbahan ang mga kilos nya. Hindi man kami magkadikit tulad noon , ngayon naman ay magkatinginan lang kami ay parang naiintindihan na naman ang bawat isa.  Kumbaga may mutual understanding, ika nga ng iba.

Simula rin ng bumalik ang dating Erin, naiwasan ko na rin ang magpabalik balik sa club. Ewan ko,  tuwing naiisip ko kasi yung mga pasimpleng pagpigil nya sakin noon ay pakiramdam ko magagalit sya pag ginawa ko yung mga bagay na ayaw nya ngayon.

" why are you avoiding me? " text ko sa kanya habang nasa loob kami ng klase. Kanina ko pa kasi napapansin na iniiwasan nya ko .

Bigla namang may tumunog ng malakas , tingin ko ay yun ang text ko kay Erin. Napatingin naman yung prof namin sa gawi nito ,mabuti na lang at ipinagsawalang bahala lang ito ng guro namin. Naaninag kong pasimple nya itong buksan at wala pang ilang segundo ay halos mamatay ako sa talim ng titig nito sakin.

Hahahaha nakakatawa talaga ang ganung ekspresyon ng muka nya.

"Huy bat di mo ko nireplyan. " nilapitan ko ito sa upuan dahil lunch break at iilan na lang kami dito sa loob ng klase.

"Sira ka ba, Manuel. Andito si Prof kanina. Mabuti nga hindi na tayo pinansin. "

"Eh bat nga kasi kanina mo pa ko iniiwasan, nakakapanibago ka na. Akala ko ba babawi ka sakin. " 
Matampo kong tono.

"Manuel,  alam mo naman yung sitwasyon natin diba. Kumalat dito sa buong klase yung ginawa ko, tapos makikita nilang nagiging malapit uli tayo. "

"Natatakot ka na baka kung ano isipin nila uli sayo?  Erin, pagpapatawad ko lang naman ang hiningi mo diba? Bakit kailangan mo pa rin isipin yung iba?  Pero sige, kung yan ang ideya mo.  Mauuna na ko, to nga pala. Happy thanksgiving day. "

Inabot ko sa kanya yung munting regalo ko.  Pauso lang ng school namin yan, university thanksgiving kuno daw ngayon kaya kung meron ka daw taong gustong pasalamatan ay bigyan mo ito ng regalo.  Kung tatanungin nyo kung bakit si Erin ang napili kong bigyan, wala na kayo don. Wala ako sa mood magexplain.

POV ni Erin

Nagulat ako ng may iniabot saking kahon si Manuel. Ako pala yung napili nyang regaluhan. Pero bakit ako. Umalis na sya bago ko pa naalalang may ibibigay ako sa kanya. Kagabi ko pa talaga pinapractice kung pano ko iaabot sa kanya yung thanksgiving gift ko. Kung bakit sya ang napili ko?  Tinatanong pa ba yon?  Salamat kasi naging mabuti parin sya sa kabila ng lahat na ginawa ko. Salamat kasi pinatawad nya ko.

Tumakbo ako papuntang locker room, doon ko naisip iwan ang regalo ko para sa kanya.

POV ni Manuel

Pauwi na ako ng naalala kong kukunin ko yung gamit ko sa locker room. Malayo pa lang ay kilala ko na agad ang nakatalikod mula sa tapat ng locker ko. Si Erin,  palinga linga pa ito habang pasimpleng may inilalagay sa loob. Nakaramdam ako ng excitement. Kayat pagalis neto ay agad kong binuksan ang locker ko.  Nakita ko ang isang kahon na nakabalot sa pulang wrapper.  Sisirain ko na sana ang balot ng mapansin kong may nakasulat sa maliit na card neto.

" Hope you like it,  Vasquez..  Xoxo❤Tyra Francisco"

Nagtaka ako ng mabasa ko ang nakalagay na pangalan . Hindi ako pwedeng magkamali na si Erin ang nakatayo mula sa locker ko dahil hindi naman sila parehas ng buhok at tindig ni Tyra.  Si erin ay papahaba pa lamang ang buhok habang si Tyra naman ay may katangkaran at medyo kulot ang mahabang buhok.

Nakaramdam ako ng panlulumo dahil buong akala ko'y mula kay Erin ang nakita kong regalo. Marami pang nagsidatingan sa locker area, mukang chain of command ng Rotc. Mga 4th year, ang isa pa dito'y katabi ng locker ko. Mukang lahat naman sila ay nakatanggap ng regalo.

She Will Be LovedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang