AD [ Itim na Kwaderno]

307 10 10
                                    


Si isaw sa library bumabasa ng short story sa may fiction section...
_________________________________________________________________________

[ Itim na Kwaderno]


Lumayo ako sa kanila, gusto kong tumakbo ng mabilis, makawala sa lahat. Tumingin ako sa langit na para bang sumasabay ito sa aking nararamdaman. Gusto kong sumigaw, umiyak... di ko maintindihan, ako'y litong lito na.

 



Para sa akin, ang mundo ay parang isang malaking "Masquerade" o pagmamaskara, lahat naka maskara, di mo maaaninag kung anu ang totoo. Ang iba ay parang mga hunyango na sumasabay lang sa kulay ng mundo, takot, nagtatago minsan nagkukunwari lamang.





Ako ay isang mag-aaral sa kolehiyo, matalino, sikat, mayaman. Ang sabi pa ng iba ay nasa akin na ang lahat at wala na akong mahihiling pa. Ngunit sa kabila ng aking karangyaan at kasikatan ako ay lubos na nalulungkot. Akala ko masaya na ako, kasama ang aking pamilya at ang aking mga kaibigan. Di ako akalain na pagtataksilan lang pala ako ng mga taong tinuring ko nang parang mga kapatid. Nalaman ko na ang mundo ko pala'y puno ng pagbabalatkayo.

Sa aking paglalakad nakarating ako sa isang inabandonang gusali sa dulo ng aming paaralan. Pumasok ako sa isang silid na nakabukas ang pinto, siguro mga isa o dalawang taon na itong inabandona, dahil puno na ito ng alikabok at mga bahay gagamba. Pupunta na sa ako sa kabilang dako para buksan ang bintana nang mahagilap ng aking mga mata ang isang kulay itim na kwaderno.


HIndi ko maiindihan ang aking sarili, para bang kumikilos lang ng kusa, ang aking mga paa ay kusang lumalapit sa kinaroroonan ng kwaderno. Sa di malamang dahilan ay pinulot ko ang kwadernong napuno na rin ng alikabok.

At sa aking pagbukas...

Biglang humangin ng malakas, ang mga pahina ng kwaderno ay kusang bumubukas ng mabilis, sumasabay sa hangin. Umikot ang paligid, ang mga pahina ay nagsiliparan sabay ng pag-ikot parang buhawi at ako ang nasa gitna, at sabay ring bumukas isa-isa ang lahat ng mga bintana.


At sa pagpasok ng liwanag, nagtaka ako sa aking nakita. Ang dating lumang inabandonang silid ay umaliwalas at nagkaroon ng buhay. Maraming estudyante na naka upo sa kanilang mga upuan ang iba nasa may likuran nag-kukwentuhan at iba ay naglalaro sa labas, lumigon ako sa dako kung saan napulot ko ang kwaderno.

Nakita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok, naka uniporme din sya at pag lingon nya...



"Angeline?"



Ngumuti sya sa akin. Mangungumusta na sana ako ng bigla syang tumayo, at lumapit sa isang lalake nasa likuran ko. Hindi pala ako ang nginitian nya, ngunit lubos kong pinagtataka ay parang hindi nya ako napansin.


Sumigaw ako pero walang nakarinig, kinurot-kurot ko ang aking pisngi at inumpog-upog ko ang aking ulo sa pader, para magising, baka kasi nanaginip lang ako. Pero ala eh, bukol lang ang natanggap ko.


Bumalik ang tingin ko sa kanya, hahawakan ko na sana ang kamay nya nang makita ko na ako pala ang lalaking nilapitan niya.


At bigla kong naalala ang pagyayaring ito, bumalik pala ako sa nakaraan...

Ito yung araw ng kaarawan nya...

"Mark! ba't napadalaw ka?" [naghiyawan ang mga kaklase ni angeline sa pagdating ko]
" Tara may pupuntahan tayo." [hinila ko sya at pumunta kami sa may ilalim ng puno para ipakita ang surpresa ko sa kanya]

Muli ko naaninag ang masayang mukha ni Angeline, siya ang babaeng pinaka-iibig ko noon.

Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang regalo ko, ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming silid. Nakita ulit si angeline na may sinusulat ang kwaderno nya.

Vintage Book (se.compilations)Where stories live. Discover now