Ramen-niscing and it Feels So Good

6.8K 628 42
                                    

"How long will you be here for?"

"Three days lang, unfortunately. Uwi na ko tomorrow. Kelan ka pa dito sa Osaka? Last time ka namin naka-Facetime ni Bern you were in Sydney for a seminar."

"Matagal na pala. Hay. I got fast-tracked to head the satellite office here and I've been super busy since kaya nawala sa sirkulasyon. You know how it is. Kamusta si Bernbol?"

"Ayun, confidently bitchesa with a heart pa rin. Subsob sa work although lately she's been going out with someone kahit na dine-deny."

"Mygahd so sino ang malas erm swerteng lalake?"

"Jerald. Old friend nila ni Jay. Kilala mo?"

"Si Napoles? Jerald Napoles?"

"Mismo! Kilala mo pala siya. Liit ng mundo ah."

"Yeah well, we almost dated."

"Ay puta. Di nga? Bakit almost?"

"Nakilala ko si Jak."

"Ang abs na tinubuan ng tao. How is he? And more importantly, kamusta kayong dalawa?"

"We're good. Araw araw ko pa ring pinagnanasahan yung abs niya. He's here with me. Fitness instructor slash wellness consultant. We're both stupidly happy with our careers and syempre with each other."

"Honglondeh. Pero seryoso, I'm happy for you."

"Tenchu. Eh ikaw?"

"O, ano ako? Eto I'm getting my name out there. Mostly thanks to Bernbol and Jay who've been referring me to key people like crazy."

"Don't forget to thank yourself. Kahit sinong pontio pilato pa magrefer sayo kung wala ka namang galing sa ginagawa mo eh di—"

"Foine foine. Thanks to Bern, Jay and my amazing sense of style. Okay na?"

"Beri gud. So sino naman si Jay?"

"Photographer. We worked on a location shoot for a magazine spread before I left for this one. Bernie referred me to him kasi last minute nag-pull out yung stylist nila."

"And?"

"And what?"

"Tengene Deispachito, wag kang pabebe. KWENTO!"

"Talaga ba, Buencamino? Talaga bang kailangan pang bigyan din ako ng pet name?"

"Sows. Sue me. Game! Sino yang si Jay? Siya yung jayfaulks02 diba? Bakit parang na-stress siya sa post mo kanina sa IG? Ay o puta ang ngiti ni ateng. Ikalma mo yang matres mo at magkwento ka muna."

"Wag ka nga. We worked together for a week. We hit it off. Well okay sige, we more than hit it off. We seriously clicked. Now we're kind of dating... I think."

"You think? Di ka sure beshie?"

"We never actually talked about relationshippy stuff like labels and all that. Ano lang, naging super close lang kami agad? Parang ganun. Sa totoo lang hilo hilo pa ko sa bilis ng mga ganap. Basta ayun. We've kinda been inseperable since Amanpulo."

"Super close wow. Nahiya ka pa. Sana dinagdagan mo na ng duper para talagang close na close kayo. Nag-momol na kayo no? Umamin ka!"

"I don't kiss and tell, you know that."

"Pakyu mo. Paliguan kita ng ramen, you want? Teka. Give me your phone."

"At bakit? Aanhin mo phone ko?"

"Shoshotain ko. What do you think I'm going to do? Patingin ng camera roll! Dali!"

"Ay! Ayaw!"

"Ayan tayo eh. Ok so nagmomol na nga kayo, madamot ka na sa laman ng phone mo eh samantalang dati kebs ka lang pag may humihiram ng phone mo. Teka, pwede patingin ng chura niyang Jay mo?"

"Wait. Here. This is Jay. Hindi ka ba nagbubukas ng Facebook mo? Instagram? I posted his photo somewhere."

"No time to mess around online masyado. Bakit? Ay. Ay shet ni Antonette. Eto si Jay? Shet putashet pakshet. Palit tayo ng jowa, teh. Iyo na si Jak akin na tong si Jay. Ay jusko ang dimples! Salamat! Lamyu forevs!"

"Baliw. Stop scrolling through my photos! Bastos na babae to. WOI!! Sumbong kita kay Jak. Pakalantod kaloka.

"Naks. Kinda dating lang pero ang possessive. Utot mo. I know you. Hulog ka na no? Wag mo na i-deny, Dei. It's written all over your face."

"Baby I can feel your halo..."

"Pray it won't fade awaaay..."

"Gags. Hay Buencamino, I miss you sobra. Kelan ka ba kasi uuwi sa Manila?"

"Wew sa segue. Divert pa more. Fine. Kung ayaw mo pa magkwento kasi naguguluhan pa yang esophagus mo sa relationship status ninyong dalawa, at least promise me you'll keep me updated okay? And not through socmed! Mag iMessage or Messenger ka ganon. O kaya Facetime! Wag madamot sa kwento!"

"Magbukas ka kasi ng socmed mo once in a while."

"As if that would update me. Why settle for bits and pieces from IG & everything else when I can get the whole enchilada from you? Diba?"

"You have a point. So.... I should count myself lucky pala na nagbukas ka ng instagram today otherwise hindi tayo magkikita."

"Nagtext kasi si Mama. May pinost daw siya sa instagram niya. I-like ko daw. Syempre masunuring anak, binuksan ko. Otherwise, waley. Mas feel ko kasi buksan si Jak."

"Pota wala ka pa ring kupas, neng."

"Just keepin' it real yo. Keepin' it real. Order pa tayo. Tom Jones pa ko eh. Gyoza, bet?"

"Push."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Style Me, BabyWhere stories live. Discover now