Chapter 15 - "Last Kiss"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kasi may na no-notice ako within these past few days."

Medyo kinakabahan na ako.

"Ehh?"

"Jess, may tinatago ka ba sa akin?"

"Anong ibig sabihin mo Troy?"

"Bakit nagkaganito kayo ever since nalaman niyong kami na ni Francheska?"

"...."

"Sabihin mo Jess ang totoo. Masaya ka ba talaga para sa amin o hindi? Kasi kung hindi ka masaya eh di hihiwalayan ko si Francheska."

"Troy! Masay--"

"Pero hindi ko kaya Jess. Mahal ko si Francheska. Sobra na akong nasaktan noon sa inyong dalawa. Si Francheska lang ang nakaintindi sa akin ng mga panahong yun."

"Troy...tungkol ba ito sa amin ni Ivan?"

"Jessica! Ganun ka nalang ba kamanhid?"

Aray. Below the belt yun ah.

Lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.

"A-anong i-ibig s-sabihin m-mo?"

"Jess, minahal na kita noon pa. Higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa'yo Jess. Ako na sana yun eh. Pero naunahan ako ni Ivan."

Tumutulo na ang luha ko.

"S-sorry..."

"Siya ang pinili mo Jess. Akala ko pagkatapos ng isang taon, moved-on ka na. Pero siya pa rin pala hanggang ngayon."

"S-sorry Troy..."

"Kahit nagkalayo na kayo, umaasa ka pa ring tatawag siya sa'yo kaya't hindi ka nagbago ng number mo."

"I-I can explain."

"No Jess. Kung ano man yang nararamdaman mo para sa akin..."

"..."

"Itago mo nalang yan. Pero up to now, friend na lang ang pagtingin ko sa'yo."

Friend? Sh*t ang sakit nun ah.

Sobrang sakit.

Patuloy pa din ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

"F-friends?" - Me

"Oo Jess. Hindi ko kayang magmahal ng dalawang babae na importante sa buhay ko. Dapat magfo-focus ako kung ano ang meron ako."

"Pero Troy akala ko walang iwanan?"

"Iniwan mo na ako. Noon pa Jess."

"I'm sorry kung nasaktan kita noon. I'm sorry kung naging manhid ako pero importante ka sa akin. Ayokong mawala ka sa buhay ko."

Ngumiti lang siya.

"Good to know."

Then he kissed my forehead. At umalis na siya. Tinignan ko lang siya hanggang nawala na siya sa loob ng hotel.

Friends.

Dahil sa selos na'to...

Mas naging magulo pa ang lahat...

"Iniwan mo na ako. Noon pa Jess."

Kasalanan ko ang lahat. Kung naging kami eh di sana walang nasasaktan ngayon. Then pagkatapos nito? Anong mangyayari?

Umupo ako sa buhangin at inilabas ko na ang lahat.

Ang galit at sakit.

~1 hour later~

Napagdesisyunan ko nang bumalik sa kwarto ko kasi nilalamok na ako at inaantok na din ako.

Sa pagiging tulala ko, hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa harap ng pinto ng room ko.

Teka. Ano tong card na nasa sahig?

[To: Jess]

[Stop crying Jessica. Sige ka, pag-iiyak ka pa hindi ko iuuwi yung stuffed-toy na monkey mo.]

Napatawa ako ng konti.

I will stop crying na.

Pinunasan ko ang mga luha ko at hahakbang na sana papunta sa higaan ko nang may na-notice akong may nahulog pang isang papel.

[Wala nang kiss-stealer mo kasi nandiyan na si Ivan. I-cherish mo yun kasi that was my last kiss for you. I love you Monkey.]

*******

~Kinabukasan~

Ahh. Magang-maga ang mga mata ko. Dahil sa kaiiyak ko kagabi, ayun nakatulog ako. Pero. kahit alas 10 na ng umaga at may beach-outing pa kami, nakahiga pa din ako sa kama ko pero naka-ayos na ako. Well well well, wala na akong magagawa. Kailangan kong i-enjoy ang summer ko. So ang ginawa ko ay sinundan ko sila sa beach at natatanaw ko naman silang nagsasaya. Kaya lang parang may kulang.

"Jess, nanood ka ba ng drama kagabi?" - Meg

Sa sobrang lakas ng boses ni Meg, naglapitan na silang lahat sa akin.

"Ooi, okay ka lang Jess?" - Josh

"Okay lang ako." - Me

"You sure? Hindi ka umiyak kagabi?" - Ivan

"H-hindi noh! Bakit naman ako iiyak? Baka sa sobrang tulog ko lang ito." - Me

Kinagat naman nila...

"Jess? Nakita mo ba si Troy?" - April

Ayan na naman yang pangalan niya.

"Hindi."

"Jess, akala ko magkasama kayo. Tulog na ako kagabi pagpasok niya sa room at paggising ko kanina, wala na siya. Akala ko talaga magkasama kayo."- Josh

Hindi ko na napigilan ang mga paa ko. Tumakbo na ako papunta sa room nina Josh.

Hindi pwede...

Last night was his last affectionate 'I love you'...

Last night...that time...

It had been his last kiss.

-END OF JESS'S POV-

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Wooooh! Time check: 2:54 AM. Haha! Salamat naman at nakapag-update na ako. Malayo pa po ito sa mga dapat mangyari. TSK. Gusto ko nga na mabibigyan pa ako ng marami pang oras para matapos ang story na ito. Hindi naman sa gusto ko nang matapos pero malapit na kaya ang classes at magiging busy na ako. Pero no matter what happens, no matter gaano katagal ang aabutin ko I'm still keeping my fingers crossed na kahit schoolday may 'Wattpad time' pa din ako. Keep on reading guys! ;-)

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon