Chapter 40 - "I Still Love You" (Part One)

172 2 1
                                    

A/N: Special thanks to IU and Wooyoung for the inspiration. Alam niyo ba na habang nage-encode ako, nanonood din ako ng video nilang dalawa at the same time? *O*

---------------------------------------------------------------

-JESS’S POV-

2 WEEKS NALANG!

Medyo may changes sa mga plano pero settled na lahat! Excited na nga kaming lahat eh! Okay, babawas-bawasan ko ang exclamation point, napadami ako -.-

The soon-to-be husband and wife are going to school regularly na. Although marami na din ang ang kailangan nilang i-catch up sa lessons, makakayanan nila yun. Matatalino ata ang dalawa eh. Pero before the wedding and everything, may events naman kami sa school na kailangan naming 4th year college students ang mag facilitate at organize for the benefit of a charity. Ewan ko ba pero hindi naman ginagawa ng school ‘to before. Isang linggo kami sa school grounds gagawa ng kung ano-ano blah blah blah. Confusing nga siya kasi hindi ako masyadong nakinig sa lecture ng professor namin about the event.

So since iba-iba ang courses namin, hiwa-hiwalay din kami. Thank God kasama ko si Meg. Hindi naman ako ang representative kaya wala ako masyadong effort...except kay Meg. Haha! Siya ang naging coordinator ng amin kasi nagka-emergency daw ang supposed-to-be coordinator then bigla nalang lumaho.  No one knows where in the world she had gone to. =D

Next week na pala ang event. Hindi kami masyadong nagkausap ni Meg kasi palagi siyang busy, kaya naman ang ginawa ko, magmuni-muni nalang sa school grounds. At dahil dun, nakatagpo ako ng spot sa garden na konti lang ang pumupunta.

Waaaaah! Ang presko talaga ng hangin dito!

"Can I sit beside you?"

As I looked at the person standing in front of me, I can't help but flash a smile at him.

"Okay."

Umupo siya sa tabi ko pero kung i-estimate, 10 inches apart kami sa isa't-isa. Tahimik lang kami na nakatingin sa ibang taong dumadaan. Niraramdaman ko din ang simoy ng hangin. Ewan ko lang talaga sa kanya. Palagi naman kami magkasama pero bakit ang awkward ng situation namin ngayon?

"So...anong sa inyo?" - Me

"Bawal pang sabihin." - Ivan

"Ahh...okaay." - Me

"Sa inyo?"

"Hindi ko nga alam eh." - Me

Pagkatapos kong sumagot, wala nang nagsalita sa aming dalawa. Ni-walang nag mention tungkol sa kasal eh. Napagkasunduan kasi naming dalawa na focus muna kami sa studies namin. Kaya eto na nga kami ngayon...KATAHIMIKAN. Alam niyo ba na minsan nakakabingi ang katahimikan? Ayoko ng ganito! >.<

"What's up?" - Me

"IVAN!"

Hinanap ko ang direksiyon kung saan nanggaling ang boses pambabae na yun. Akala ko naman na admirer lang ni Ivan pero ang ikinagulat ko ay tumayo siya.

"Una na ako Faith."

"O-oh s-sige."

"Tiff!"

Tiff? Teka, blockmate niya yun ah?

</3

-END OF JESS'S POV-

-MEG'S POV-

Kabilang sa panliligaw ang pagshare ng past ng isa't-isa. Pero kapag ako na ang magku-kwento...WALA. Eh sa NBSB ako at eto namang si Josh, nagka-girlfriend daw siya noon. Teka, nagtataka ba kayo kung paano ko nalaman na nanliligaw na siya? Simple lang naman: WOMAN'S INSTINCT. Ikaw ba naman ang palaging tinatawagan, tinetext, sinusundo galing sa apartment papunta sa kahit saan at nandiyan lang ASAP? Heehee! Hindi ko pa naman narinig mula sa kanyang mga bibig ang panliligaw niya pero actions speak louder than words ika'nga. Back to the past thing, sabi niya na nagtagal daw sila ng ex niya, 8 months daw pero parang runaway bride ang dating ng babae. At dahil gusto na niyang makalimutan lahat ng tungkol sa kanila ng babae, hindi na niya tinapos ang sharing niya, well except sa part na hindi daw siya nakamove-on for like the next three months. Sobra daw niyang minahal ang babaeng yun hanggang sa punto na nakalimutan na niya ang mga studies niya at pagiging basketball varsity player niya. Kung gaano daw niya kamahal ang babae, ganun din kasakit na isang araw nalang nakita niyang may ibang ka-PDA ang girl. 

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon