Chapter 2 - "The Secret Unveiled"

378 2 1
                                    

A/N: That's Jessica, on the right side.

----------------------------------------------------------------------------

TSK. Ang init naman! Summer na summer na nga. Eto pa rin ako nagtatrabaho. May ibang students kasi na ngayon pa aalis. Pero at least ngayon konti nalang at morning lang yung shift ko. Kaya marami pa akong oras gumawa ng kahit ano pagka-hapon.

*******

Sa wakas! Tapos na rin. Mabuti nga 11:30 AM pa. At ang mas nakaka-ganda ngayong araw na ‘to ay paycheck time na! Marami rami rin ang kumuha ng sweldo nila. Maaga nga lang ako pumila.

*Phone ringing*

“Hello Troy?”

“Jess, saan ka ngayon?”

“Andito sa school. Pero papauwi na rin ako.”

“Tumahimik ka diyan. Kaka-release lang ng sweldo ninyo. Imposible kang uuwi agad.”

“Ahh. Okay. Bakit ba? Sunduin mo ako dito.”

“Yun nga yung plano ko eh. Treat mo ha? Tayo lang naman dalawa.”

“Okay! At Troy…”

“Oh?”

“Bilisan mo. Nagugutom na ako.”

Binaba ko yung phone ko. Teka, first time to ah? Anong meron? Oo nga, may kotse siya at sinusundo ako pero kasama yung mga kaibigan ko. Pero ngayon? Uhh…

Pagdating ko sa maingate ng school, saktong-sakto ang pagdating niya. Sumakay ako kaagad sa front seat.

“Wow. Congrats Jess. May sweldo ka na.”

“Bunga ng paghihirap ko! Haha.”

Bigla kaming tumahimik. 

I am sensing something. Ano ba ‘to?

“Uhh, saan tayo ngayon?” – Me

“Sa mall lang. May bagong open na restaurant doon. Wag kang mag-alala, di nakakasira ang mga presyo nila sa budget mo. Kung meron ka mang budget.” – Troy

"Paano mo nalaman?"

"Amin yun eh."

Napatawa na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

May mali talaga alam ko. Mali nga ba, o may hindi siya sinasabi sa akin?

Pagdating namin sa restaurant, may naka-reserve na pala sa amin na table. Umupo kami at lumapit yung waiter sa amin.

“Here are the menus Sir and Ma’am. Call me when you’re ready to order.” – Manong Waiter

“Okay. Thanks.” – Me

Naka-order na nga kami. Pagkatapos kinuha ang mga menu, walang nangyari. Tumahimik na naman si Troy.

"Sa inyo naman pala ito. Bakit ako pa ang mag-treat?" - Me

"Eh kasi gusto ko lang eh."  Troy

"Sabihin mo na lang na kuripot ka." 

"Haha. Hindi ako kuripot. Business ito kaya walang libre. Kahit kami ang nagmamay-ari nito, magbabayad pa rin kami."

"WALA!"

"Eh mas mabuti kung doon nalang tayo kakain sa charity namin. Yung feeding program namin."

"Hooy, anong tingin mo sa akin? Maarte? Mas mabuti nga yun eh kasi LIBRE. At LIBRE MO! Wahahaha!"

Ngumiti lang si Troy. Pero bitin ang ngiti niya.

“Oi. Okay ka lang?” – Me

“Never better Jess.” – Troy

Haay salamat naman. Akala ko nagda-drama na naman siya.

“Eh kung walang problema, ba’t ang tahimik mo?” – Me. Di ko matiis tanungin siya.

“Kasi…” - Troy

"Eh kasi ano?" - Me

Ayun ulit. Tumahimik na naman siya. Eh ako, naiinip na. 

"Yung tungkol kagabi? Yung pinag-usapan namin ni Josh at Meg? A-aish. Ang h-hirap sabihin."

"Naiinip na ako dito Troy. Gusto mo lalayasan kita? Nang sa ganon, ikaw na ang magbayad at kumain ng pag---"

"May girlfriend na ako."

...

Di ko alam ang reaction ko. Imbes na masaya ako para sa kanya, bakit parang nasasaktan ako? Ouch! Nagseselos ba ako? 

Imposible...

Di pwede...

Aish!

Ba't ang bilis ng heartbeat ko?

The Jealousy Story (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon