Chapter 5 (Jealousy)

73 6 0
                                    

Dr. Dawn Lorenzo is a third year surgical intern and is known for his obsessive love with a married female doctor. They all know who it is, kaya gusto ko din malaman kung sino nga ba. Nai-intriga ako. Why? I need to know if mas maganda siya sa akin. Or if she's... well, way better than me.

Nasa cafeteria kami nila Tom, Nathan at Leandro. Ngayon na lang lami nagsabay maglunch. parati kasi kaming magkakahiwalay ng toka. Si Leandro at Tom panay sa labs ang punta, samantalang kami ni Nathan panay ER. Nakakaloka, parang gusto ko na yata sa Pathology.

"Sige na kasi Nathan, sino ba kasi 'yung babae? Nababaliw na talaga sa kakaisip. Syempre kailangan kong makilala ang opponents ko para prepared ako sa laban." Halos mabuga ni Leandro sa mukha ko ang sinigang na hinihigop niya. Tawang-tawa silang tatlo sa akin. Napairap na lang ako.

"Why are you laughing at me?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Determinado ka talaga?" Tanong pa ni Nathan.

"Hindi pa ba obvious sa braided digitally-permed ombré hair ko? Hindi pa ba halata sa kinis ng mukha ko kaka-diamond peel? Hindi pa ba halata sa pinkish lips ko?" Tinarayan ko lang sila habang kumakain. Akala nila siguro nagjo-joke ako.

"Gusto ko kasi talagang malaman kung sino ba." Nakasimangot na ako sa kanila.

"Magbasa na lang tayo about sa emergency medicine protocols. 'Wag mo na isipin si Dr. Lorenzo. Hindi naman 'yan magiging sa 'yo." Biglang sabi ni Leandro. Medyo matalas din talaga ang dila niya.

"Hindi naman siya bagay na pwedeng maging pag-aari ko. I just want to know him better. Masama ba 'yon? He intrigues me. He... makes me feel nervous. I'm awkwark around him." Napairap na lang ako at walang nagawa kundi ang tapusin ang kinakain ko. Ang tataray ng mga kasama ko sa group. Wala man lang babae talaga kaya hindi nika ako naiintidihan.

Napahinga na lang ako nang malalim nang tumunog ang alarm.

"Code Blue, code blue."

Napatakbo kaming lahat sa ER at kumuha na kami ng gloves.

Nag-abang kami sa labas at sunod-sunod ang dating ng mga ambulansya. Nakita ko si Dr. Acosta sa dulo na nag-aabang din katulad namin. On call din pala ang group nila ngayon.

"Traffic accident patients ang incoming. The trauma fellows are your guides here, okay?" Nagsalita si Dr. Lorenzo mula sa likuran ko. Hindi siya ngayon nakasalamin. Naka-contact lens siya ng light brown. Ugh, mas bagay sa kanya.

Dumating ang unang ambulansya at grupo agad nila Dr. Acosta ang humawak ng pasyente na nasa loob.

Nang biglang magsnap ang stretcher at aksidenteng nabagsakan siya. She's knocked out at talagang nagulat kaming lahat. She's kinda small in general kaya hindi niya siguro kinaya ang bigat ng stretcher.

"Dr. Acosta!" Sigaw ng mga kasama niya. Biglang tumakbo si Dr. Lorenzo para buhatin siya papuntang ER. Nawalan ng malay si Dr. Acosta at si Dr. Lorenzo ang nag-aasikaso sa kanya. His hands are all over her body, checking if there is any injury.

Why am I feeling jealous? And why is he touching her with so much care?

"Dr. Lopez!" Sigaw ni Nathan sa akin.

"S-sorry."

"'Wag mo sabihing naiinggit ka sa naaksidente? She lost consciousness. Snap out of it. May parating tayong mga pasyente." Napayuko ako at nahiya sa sarili ko.

Para kang tanga, Evangeline.

"Sorry." Nahihiya ako sa ginawa ko. Nakakahiya ka talaga, Evangeline.

Dumating na ang ambulansyang nakatoka sa grupo namin. Tig-dalawang pasyente kami ng grupo ko.

Kami ni Dr. Santos ang magkasama.

I Got To BreatheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora