CHAPTER 4 (Doomed)

75 7 0
                                    

May batang lalaking isinugod sa ospital. Masakit ang tiyan niya at nagkataong ako ang doktor na available. Inilipat siya ng medic sa gurney.

"Mark David, 17 years old, male. Severe stomach pains since yesterday. May mga pasa na siya sa tyan. There's swelling as well. We suspect internal bleeding. Naiwan siyang mag-isa sa gild ng isang bar sa university belt. He smells like alcohol as well. May sugat at pasa sa mukha, kanang braso at hita." Sabi sa akin ng medic.

Napapaiyak sa sakit ng tiyan ang teenager.

"Doc... ahhh! Ang sakit-sakit!" Rinig sa buong ER ang iyak niya. Wala akong magawa kundi ang i-check muna siya.

"I'm Dr. Sy, I need to check on you so don't move too much, okay? Lie down on your back." Iniangat ko ang shirt niya at nagulat ako sa laki ng mga pasa. I felt tenderness on his stomach. This is not normal. Bago lang ang mga pasa.

"We're you assaulted? Sabihin mo para alam natin ang gagawin Mr. David. Your life is in your hands. Tell the truth." Nag-aalangan siyang lumingon sa akin. Napahinga na lang siya nang malalim.

"Marami sila. Binugbog nila ako kasi hiniwalayan ko 'yung kapatid ng lider ng fraternity nila. Ahhh!" Napahawak na naman siya sa tiyan niya.

"Nurse Ara, pakiready ang ultrasound." Sabi ko, para makita kung ano na ba ang nangyayari sa abdomen area niya.

"Doc, 40°C na siya. May shortness in breathing din po." Napahawak ako sa sentido ko.

"Hindi pa ako sure pero malamang sepsis 'to. Look at the bruises, talagang pinagtulungan siyang bugbugin. This is unlawful. I need you to call the police. I'm sure about this-"

"What police?" Napalingon ako nang dumating si Dr. Lorenzo. He checked the tenderness on the patient's stomach. Naramdaman din niya ang swelling at tenderness sa tiyan ng teenager.

"The kid. Doc, binugbog ang bata. The tenderness means a lot of things but we have to anticipate the worst; it could be a septic shock."

After a few checks, he nodded in agreement. "Good call, Dr. Lopez. Check for possible sepsis and I'll inform the general surgeon on call about the situation. Blood test and ultrasound are what we need first since it's a possible sepsis. Contact the parents." Napatakbo siya.

"Nurse Ara, we need to attend to his wounds after the tests. He will probably have a surgery."

"Yes, doc." May signs ng bleeding sa loob ng tiyan niya pero hindi pa naman mabilis ang daloy nito. I gave him meds to sleep and some pain relievers while we wait for the surgical fellow.

Dumating si Dr. Lorenzo at dinala na namin sa OR ang batang may signs ng septic shock.

Hindi ako kasama sa surgery, pero si Dr. Lorenzo naman ang first assistant. Sayang, sana nakita ko man lang.

Naglakad ako pabalik ng ER at nakita ko si Dr. Collins.

"Dr. Lopez, nandito na ang parents nung patient mo." Tinuro niya ang front desk.

"Thanks."

May naiiyak na babaeng lumapit sa akin. "'Yung anak ko, iligtas niyo siya." Napakapit siya sa braso ko. Kita ko ang sunod-sunod na tulo ng mga luha niya.

"He's in surgery, kaya hindi ko pa alam ang nangyayari. I... think he was involved in a fight. Halatang pinagtulungan ho ang anak niyo, ma'am, sir. He has a lot of wounds and cuts on his face. I have to be honest pero, he's also drunk. His blood alcohol level is also high."

Lalong umiyak ang nanay ng pasyente. Nasa sahig na ito at patuloy pa din sa paglulupasay.

"Nag-iisang anak ko siya. Lahat ng pag-aalaga ginawa ko, tapos sasaktan lang siya?! Tulungan niyo siya. He's my baby." Inalalayan ito ng asawa niya para tumayo.

I Got To BreatheWhere stories live. Discover now