Case 9

772 42 5
                                    

Hi Obey! Thank you po! :)

Easel at canvas nasa side po. :)

Yung easel yung kahoy yung canvas yun yung kung san ka nagpepaint. :D

------------------------------------------------------------------------------------------------

Mirari Eliana's POV

"If I could say it in words, there would be no reason to paint."   Mahinang sabi ko sa sarili ko at napabuga ng hininga.

Oo nga naman, kung kaya kong sabihin sana sa kanya hindi ko na kaylangan pang ipinta yung batas ko.

Nagtataka ba kayo kung ano pa yung isang pininta ko sa likod nung canvas na nilagyan ko ng tela? Hindi ko pa pwedeng sabihin ngayon pero katulad ng sinasabi ko, may tamang oras at tamang panahon para malaman ang isang bagay.

Nag simula na kong maglakad ng hindi ko na makita pa ang kotse nya.

"Good morning Princess!"

"Magandang umaga Dyosa!"

"Good morning Swetheart!"

"Good morning Sweetheart Princess!"  

Bati nilang lahat habang naglalakad ako papunta sa Ruins Escape at syempre nginingitian ko sila at kinakawayan.

May biglang lumapit sakin na lalaki, tantsa ko mga second year college pa lang to at bigla akong inabutan ng Toblerone yung malaki at nagkakaripas na sya patakbo paalis. Tsaka ko na sya papasalamatan kapag nakita ko ulit sya biglang namang may umakbay sakin at napatingin ako sa kanya kaya bigla ko syang kinagat sa tenga.

"Ouch! Alam mo kung hindi lang talaga kita kaibigan, aakalain kong aso ka ang hilig hilig mong mangagat sa tenga!"  Madramang sabi nya at nag make face lang ako.

"Sana sumama na lang kayo ni Paula samin tas malalaman ko naglulupasay ka. Hahaha!"  Natatawang sabi ko sa kanya ay binalik na nya ang pagkaka akbay sakin.

"Gusto kasi ni Ivan my loves na mag date, eh di gooo."  Sagot nya.

"Bakit hindi matanggal tanggal yang ngiti sa mga labi mo oh Dyosa? Hahaha!"  Nakakalokong tanong ni Sab at nag taas baba pa ng kilay nya.

"Where's Ivan?"  Tanong ko kasi mag isa lang sya at para hindi nya na ko asarin.

Yun ata ang nagpapaligaya sa araw-araw nya eh, ang asarin ko. 

"Nasa Ruins Escape na. Hindi na ko nag pasundo sa kanya."  

"Soooooooooooo, bakit ka nga ngiting ngiti ha? Kulang na lang mapunit yang labi mo!"  Tukso ni Sab kaya kiniliti ko sya.

"Hahaha! Eli ano ba?!"

"Tigilan mo kasi ako Sabby!"  

At nakarating kaming dalawa sa Ruins Escape ng naghaharutan pa din.

"Good morning po."  Bati ni manong guard na nagbabantay sa gate ng Ruins Escape.

"Good morning din po Manong Oscar."  Sabay na bati namin ni Sab ng naka ngiti.

Naabutan namin sila Paula at Ivan sa living room naka upo sa sofa at nanunuod ng TV at umupo ako sa tabi ni Paula sa mahabang sofa si Sab naman sa tabi ni Ivan.

"Hi love."  

"Hi Ivan, love."  Bati nila sa isa't-isa at nag kiss sa cheeks.

Marrying the Attorney ( ON GOING )Where stories live. Discover now