Case 7

1K 49 27
                                    

04-12-14. ♥ Postponed po muna yung dedication nya. Haha! May mas importante lang akong paglalaanan nito. Ang role model ng buhay ko! ♥ Hanahbananababy! Ateng Binibini! Maraming maraming maraming salamat sayo! Malapit ka na po sa puso ko. ♥ :) Kasi ngayon nasa lungs pa lang kita eh! De joke lang! HAHAHA! ILoveYou! Salamat sa pagiging ateng Binibini ko. ♥ :)

Daddy Anton and Mommy Aliyah nasa side po. ♥ :) Parents po sila ni Ckola! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------

Mirari Eliana's POV

"Hindi ka pa ba sasakay?"  Tanong ni Monkey Pig na nakataas na ang isang kilay pero na natili lamang akong nakatayo. Nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko.

Lahat sila nakasakay na sa mga racing car nila pero kami ni Ckola nasa labas pa din kami. Lumapit sakin si Ckola kaya naman awtomatikong umatras ako ng isang hakbang.

Sigurado ako na bakas sa mukha ko ang takot. 

"Anong problema mo?"  Tanong nya na nanatili pa ding nakataas ang isang kilay. Umiling ako.

Nalalasahan ko ang lasa ng dugo sa bibig ko. Marahil siguro sa sobrang kagat ko ng labi ko.

Bumusina si Axel ng tatlong beses at ang apat ay medyo mahaba.

"Magsisimula na. Sumakay ka na. "  Pautos na sabi nya.

"Pwede ba ikaw na lang?"  Parang may masakit na sa lalamunan ko bunga siguro ng nagpipigil na emosyon at nagsisimula na din ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Mariing umiling ako. Ayokong umiyak.

Car racing. Ibig sabihin kaylangan mabilis mag drive. Ayoko. Ayoko! AYOKO! Natatakot ako. Natatakot na talaga ako! Gusto ko ng umalis.

"They want you to come with me."  

"Gusto ko ng umalis."

"Hindi pwede."   Sabi nya ng may awtoridad sa boses.

"O-o-okay lang ka-kahit dito na lang ako."  Garalgal na ang boses ko at pinipigilan wag pumiyok pero sa bandang huli pumiyok din ako.

"Ano bang inaarte mo?"  Bakas sa tono nya ang pagkairita. Umiling lang ako.

Nasaktan ako sa sinabi nya. Alam nya ba ang rason kung bakit ayaw ko sa mga mabibilis na takbo ng sasakyan para sabihan nya ko nyan?

"Iwan mo na lang ako dito."   Pagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin.  Hinawakan nya ang kamay ko at marahan nya kong hinila palapit sa kanya. Mas matangkad sya sakin kaya hanggang ilalim lang ng baba nya ako. Tinulak nya ng marahan ang ulo ko pasandal sa dibdib nya.

Nahihirapan na kong huminga. Malapit ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ako iiyak, ayokong magpakita ng kahinaan sa harap nila lalo na kay Ckola.

"Eli!"   Sigaw ni Paul. Bumaba na pala sya. At lahat sila nagsibabaan na din.

"Shhh. Tell me what's wrong."  Alo nya sakin. Umiling lang ulit ako. Hinagod nya ang likod ko at naramdaman ko ang  mga malalambot nyang labi na dumampi sa noo ko. Nako! Yung puso ko nagririgudun na sa pagwawala. 

Wala na akong naintindihan sa mga sinasabi ng mga kaibigan namin tumuon ang atensyon ko sa pakiramdam na dulot ng kanyang mga labi. Ganito ba talaga ang epekto ng halik sa mga babae? Nawawala ka sa realidad at parang kang nasa cloud nine kasama ang lalaking yun? Ang makulong sa mga bisig nya ay isang masaya at masarap na pakiramdam sinamahan pa ng feeling na proprotektahan ka nya base sa porma ng pagkakahawak nya sakin. Lahat naglalaho at sya lamang ang naiisip ko at kung paano ako magiging ligtas kapag kasama ko sya. Pakiramdam ko kapag nasa bisig nya ko hindi nya ko hahayaan mag-isa na nandyan para sakin.

Marrying the Attorney ( ON GOING )Where stories live. Discover now