Chapter 13: The 4th Shadow (Ang Ika-apat na Anino)

6.6K 160 81
                                    

"Knowing your own darkness is the best method for dealing with the darkness of other people."

-Carl Jung


"News spread that the North Korean government is getting ready for the upcoming war due to the attack in North Hamgyong. These terrorists were one of the organizations who seeking for the MCM Program. They are called, The State of North Korea, who claimed the attack and took over the city. North Korean President Kyon Lin IL stated in his speech that he will not tolerate the situation. More than 130 people died in the attack and 63 people wounded in the bombing at North Hamgyong."

Isang balita ang pinapanood ni Helena sa main hologram screen kasama ang iba. Namumutla ang kanilang mga mukha habang pinapanood ang kalunos-lunos na pangyayari sa North Korea. Makikita dito ang mga bangkay mula sa aerial view na kinakaladkad lamang ng mga terorista. Ang iba namang sugatan ay tinatali sa poste at hinahayaang manigas na lamang sa lamig. Sira-sira ang mga daan at umuusok pa ang ilang mga hover car sa paligid. May kalakasan pa rin ang snowstorm na nagaganap doon kaya't malabo ang kuha ng cameraman ng media na nagco-cover. Nagulat na lamang ang cameraman na mayroon na palang nakatutok na sniper sa kanya. Nabagsak nito ang camera nang tamaan ng bala ang lente nito.

"Walang pinagkaiba sa nangyayari sa atin," wika ni Professor Marco.

"Isa rin sila sa mga organisasyong naghahanap ng program. Pero hindi ko alam kung bakit sa sarili nilang bansa sila umatake at hindi sa Pilipinas," wika naman ng isang lalaki habang nakatingin sa hologram screen.

"M-Madam, isa pa pong balita ang lumabas ngayon lang. Mula po sa Seattle," sabat naman ng isang babaeng nakasalamin at nagpipipindot sa kanyang hologram keyboard. Agad niya iyon dinala sa main screen upang mapanood ng lahat.

"...and this is the reason why our summer was changed into snowy weather. The Organization called The Blood of One has taken over the H.A.A.R.P. or High Frequency Active Auroral Research Program Facility in Seattle. A program that is responsible for the change of weather around the globe. Police reports say that the organizations didn't harm any civilians. The U.S. government is now taking action in this situation..."

"Paano sila nakaalis ng bansa? 'Di ba may kasunduan kayo?" tanong naman ni Maria.

"Bago pa man sila makarating sa Pilipinas ay nauna na silang pumunta sa Seattle at nag-iwan ng mga tao doon. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ngayon lang dumating ang balitang 'yan," tugon naman ni Layla mula sa hologram screen.

"Hindi ko alam na ginawa pala talaga nila ang pinaplano nila. Saka lang namin na-confirm na tama nga ang hinala naming kokontrolin nila ang panahon para maging pabor sa kanila ang labanan," dagdag pa niya.

"Hindi 'to patas. Hindi nga sila makakalabas ng basing 'yan pero simula pa lang ay umatake na sila," wika naman ni Albert.

"Pero ano ang magagawa ng weather warfare na ito? Ano ang magiging laban nila kung gagamitin ang H.A.A.R.P para magpaulan ng yelo?" tanong ni Helena.

"Dahil sa makapal na yelo, pwede nilang i-disrupt ang lahat ng komunikasyon natin mula sa satellite at sa iba pang bansa. Balak nila tayong gawing bulag sa labanan," sagot ni Layla.

"I-Ibig sabihin hindi pala natin magagamit ang 3D-image blueprint na ito," sagot naman ni Albert.

"Magagamit natin dahil hindi na nito kailangan ng internet connection para lang makita ang lugar. Ang problema lang ay ang live feed ng labanang magaganap. Maaaring hindi natin makita ang mga tao sa lugar na iyon at kung ano na ang nangyayari," sagot muli ng dalaga.

Nagkunot-noo na lamang si Albert at tumingin kay Helena.

"Kung hindi natin magagamit ang komunikasyon, ibig sabihin hindi rin nila magagamit iyon, hindi ba? Maaaring pabor pa rin sa atin ang laban na ito," wika ni Helena.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon