Chapter 3: The Enemy of the World (Ang Kaaway ng Buong Mundo)

11.1K 212 74
                                    


"We can easily forgive a child who is afraid of the dark; the real tragedy of life is when men are afraid of the light."

-Plato


Ilang segundo ring napatitig si Helena sa nakatalikod na lalaking iyon. Kung titingnang mabuti ay posturang-postura ang tindig niya nagaya ng kay Johan. Nakapamulsa rin siya sa kanyang brown na jacket at animo'y nakangiti itong nakatagilid. Hindi naman makita ng dalaga ang kabuuan ng kanyang mukha. Lumapit nang dahan-dahan ang dalaga habang dilat na dilat na nakatitig sa lalaking iyon.

"J-Johan ikaw ba yan?" tanong ng dalaga, halos napaluha naman siya matapos iyong sabihin.

Isang heli ship naman ang agad na umangat mula sa dulo ng gusaling iyon sa kinatatayuan ng misteryosong binata. Nang dahil sa hangin ay napaiwas si Helena. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang bisig.Humarap naman ang binatang iyon ngunit ang tangi niya lamang nakita ay ang kanyang binti.

"Helena...iyon ang pangalan mo hindi ba?" tanong ng binata.

Tila nagtataka naman si Helena sa narinig. Ang alam niya ay si Johan ang lalaking iyon na nakatayo sa kanyang harapan ngunit naniniguro pa siya sa kanyang pangalan.

"A-Ako nga.S-Sino ka?" tanong ng dalaga.

Dahan-dahan niyang iniwas ang kanyang braso mula sa kanyang mukha upang makita ang mukha ng binata ngunit muli naman siyang tumalikod at lumundag sa kongkretong parte ng gusali na naghihiwalay dito mula sa bangin.

"Malalaman mo rin, Helena.Sa ngayon gusto kitang bigyan ng babala. Na'ndito na ang isa sa pinakamatinding makakaharap ng iyong pamumuno. Maghanda ka," pagbabanta ng binata. Agad siyang kumapit sa hawakang bakal ng heli ship na lumilipad lamang sa kanyang harapan. Umangat namang lalo ang heli ship na iyon at saka umalis. Ilang heli ship naman ang nagsimula ring umangat mula sa bangin na iyon. Sinundan nito ang naunang sinakyan ng binata.

"S-Sandali!Sino ka ba?!" bulyaw naman ng dalaga. Mula naman sa malayo ay humarap ang lalaking iyon. Naaninag ni Helena ang mukha ng binatang iyon. Hindi siya si Johan Klein. May kaputian nga ang lalaking iyon ngunit nakasuot siya ng salamin, nakangiti siya ng matalim sa dalaga at sa pagkakataong iyon ay tinanggal na niya ang hood na kanyang suot.

Napapikit naman si Helena. Ramdam pa rin niya ang hilo, sumabay pa ang malakas na hangin na tumatama sa kanyang mukha mula sa mga heli ship na dumaan.

"Helena!"

Nakaakyat naman sa pagkakataong iyon si Maria kasama ang ilan pang mga sundalo. Tila nanlaki naman ang mata ng mga sundalong iyon maging si Maria nang makita ang mga heli ship na lumilipad palayo. Halos nasa dalawampu ang bilang ng mga iyon.

"S-saan galing ang mga 'yan?!" pagtataka ng dalaga.Agad niyang nilapitan si Helena. Humarap naman sa kanya ang dalaga ngunit hindi pa man ito nakakapitan ni Maria ay agad na siyang hinimatay.

"Helena! Helena gumising ka.Anong ginawa nila sayo?!"

Napatakbo naman si Maria patungo sa dalaga. Agad niyang kinapitan ang kanyang ulo at maging ang kanyang kamay. Malamig ito at kitang-kita pa rin sa kanyang mukha ang pamumutla.

Agad naman niyang tiningnan ng masama ang heli ship na nauuna. Nakita niya ang mukha ng binata. Nakangiti ito sa kanya na animo'y nangingisi pa. Masama naman ang naging kutob ng dalaga. Nagsimula ring mabalot ng takot ang kanyang isipan, kung ano man ang narinig ni Helena sa binatang iyon ay siguradong hindi iyon magiging maganda.

________________________________________

Paunti-unti ay dinidilat ni Helena ang kanyang mga mata. Wala siyang ibang nakita kundi ang puting kisame ng isang kwarto.Nakahiga siya at nababalutan ng puting kumot ang kanyang katawan. Pumaling ang kanyang ulo sa kanan at doon ay nakita ang isang balkonahe kung saan nakatayo ang kanyang kaibigan, si Maria. Gabi na ng mga oras na iyon at nakatitig lamang ang dalaga sa maningning na siyudad sa labas. Dahan-dahan namang lumingon si Maria sa loob at nakitang gising na ang kaibigan.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon