Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall

32.9K 504 177
                                    

Dalawang taon na ang nakakaraan mataposang insidente na nangyari sa Maynila. Isang diktador na nagngangalangJohan Klein ang napabagsak ng iba't-ibang bansa sa buong mundo dahilsa pagbabanta nitong manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memorygene upang wasakin ang sarili nilang mga bansa.


Nagtagumpay sila, natunghayan ng buongmundo ang kamatayan ni Johan Klein. Isang binatang may angking talinodahil siya lamang ang perpektong eksperimento ng MEMO. Isang kompanyana naitaguyod sa Europe upang pataasin ang kaledad ng buhay atmapataas ang lifespan ng sangkatauhan sa kahit gaano pa kahabangsiglo.


Ang binatang ito ang sinasabing susipara maging posible ang pagmanipula sa lahat ng taong gumagamit ngmemory gene dahil tanging DNA nya lamang ang babasahin ng isangprograma na tinatawag na Memory Control Manouver. Isang bagay nakinagalit ng maraming tao dahil sa pagsingil nito sa kanilang mgabuhay. Naging sumpa ang aparatong kanilang ginagamit at halos lahatng bansa ay nagalit sa kompanyang MEMO dahilan ng pagkatigil ngoperasyon nito matapos din ang kamatayan ng binatang diktador.


Matapos ang gyerang nangyari saPilipinas ay inako ng European Union ang pagbangon ng naturang bansa.Ang buong bansa ay pinamumunuan pansamantala ng European Governmentat itinalagang presidente ang General of Defense ng European Union nasi General Vash Linford. Naging bise presidente naman at spokespersonsi Helena Cera, isang babaeng eksperimento ng Linel Industries. Angkalaban ng MEMO Corp. na inalagaan at pinaniniwalaang sinubukanggawing special weapon laban sa mga kakalaban sa gobyerno at maging sakompanyang iyon.


Hindi naging matagumpay ang binabalakng MEMO sa babaeng iyon dahil kay Johan Klein. Pinangako nila nababaguhn ang mundo at tatanggalin ang sistema ng memory gene.Nangyari nga iyon ngunit hindi natunghayan ng binatang diktador angpagbangon ng Pilipinas. Inalay niya ang kanyang buhay para sa mgabid, isang klasipikasyon na ginawa ng MEMO upang ihiwalay ang mgamahihirap sa mga mayayaman. Sa panahong iyon ay tinapos na ng UnitedStates of America ang caste system. Binasura ang iba't-ibangklasipikasyon na naghihiwalay sa mga taong gumagamit ng memory geneat sa mga taong hindi naman kayang bumili nito. Pinagbawal na angpaggamit ng memory gene. Marami pa ang mga taong mayroon nito dahilbawal itong alisin sa likod ng kanilang mga ulo dahil saself-destruct pattern nito. Ang sinumang magtatanggal ng naturangaparato ay siguradong mamamatay. Hinayaan na lamang nila ito nanakakabit sa kanilang mga ulo ngunit bawal na itong ilipat sa kahitna ano pang katawan.


Ngunit isang katotohananan naman anggumimbal sa buong Pilipinas. Nalaman nilang nawawala ang programa ngMEMO, ang Memory Control Manouver. Pinaniniwalaang ipinasa ito niJohan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1.Walang gaanong matibay na impormasyon na hawak ang gobyerno ukoldito. Sa kasalukuyan ay wala pa namang nangyayaring gulo saPilipinas. Nagiging maunlad ito dahil sa pagtulong ng iba't-ibangbansa ngunit labis pa rin itong ikinabahala ni Helena at ng lahat ngsektor ng gobyerno ng Pilipinas.


Dahil sa kawalan ng sagot ay hindimapigilan ng iilang miyembro ng gabinete na kwestyunin ang kakayahanni Helena para mamuno sa isang bansa. Kung tutuusin ay itinalagalamang siya ng European Union at hindi ng mamamayan ng buongPilipinas. Marami rin ang humihiling na pabayaan na ng European Unionang Pilipinas na mamuno sa sariling bansa dahil ayon sa ibang kritikoay parang naulit lang ang nangyaring pagsakop noon ng mga amerikanosa ating bansa.


Ngunit marami pa rin ang nagsasabi nanaging maayos ang Pilipinas simula nang maupo si Helena sa pwesto.Totoo ngang naging maunlad ang bansa, naging mataas ang palitan ngpiso kontra dolyar, naging masagana ang buhay ng mahihirap at halosnamatay na rin ang kahirapan sa bansa. Lahat ay naging progresibongunit tuloy pa rin ang pagkundena ng sariling gobyerno; iilangsenador, congressman at maging ang iba't-ibang sekretarya ng bawatdepartamento ng bansa kay Helena.


Hindi na lamang ito pinapansin ngdalaga at patuloy pa rin siya sa paggawa ng iba't-ibang proyektoupang mapaunlad ang bansa. Patuloy din siyang naghahalungkat ngkasagutan upang alamin ang tunay na katauhan ng Subject 1 at angtunay na dahilan kung bakit inilipat ni Johan ang MCM program gayongpatay na rin naman siya at wala namang ibang tatanggapin ang programakundi ang kanyang DNA.


Maging ang iba't-ibang bansa ay patuloyna nangalap ng impormasyon upang makuha at sirain na nang tuluyan angprogramang iyon. Di nila alintana ang mas malaking gulo na mangyayaripa dahil sa patuloy nilang paghahanap. May ilang organisasyon kasingnaghahanap ng naturang programa upang baguhin ang sistema nito ati-hack para magamit sa sariling interes.


Nagbantay angbawat bansa sa mga organisasyong iyon. Itinago rin ng gobyerno ngPilipinas ang tungkol sa mga organisasyon at ang paghahanap saSubject 1 upang maiwasan ang pagpapanic at gulong mangyayari. Patuloyna naghahanap ng kasagutan si Helena, marami pa ang mangyayari atalam niyang may dala pa ring malaking gulo ang programa na iyon nasisira sa sangkatauhan.


Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon