• kamusta ka na

86 2 0
                                    

|kamusta ka na?

Kamusta ka na? :) Ako ito nag hihintay pa rin at patuloy na inaalala ang mga sandaling kasama kita. Tanda mo pa ba? Ako? Oo. Sariwang-sariwa pa. Sariwa pa ang kahapon na palagi tayong magkasama, tuwing na aachieve mo yung mga goals mo saakin mo unang sinasabi. Ang sarap ngang pakinggan ng thank you mo eh. Alam mo yun? Parang isang mainit na yakap na 'di mapapantayan ninuman. Sa mga masasayang moment ng buhay mo, hinayaan mo na nandyan lang ako sa tabi mo. Tanda mo pa? Yung halos ipag laban mo ako sa magulang mo? Kasi 'di ka nila pinapayagan na pumunta sa meeting place natin. Halos araw-araw yun tapos madalas ka pang nalelate sa pag uwi mo, ayoko sana pero sabi mo, "Hindi ito yun conviction ko at ang paraan ko para sabihin na IKAW LANG PO". Tapos pag uwi mo, bago ka matulog hindi pwedeng hindi tayo nag uusap.  Sa totoo lang? Nakakamiss. Kasi ngayon? Nasaan ka na? Dumating lang yung problema tinalikuran mo na ako. Iniwan mo na ako. Ang mga masasayang alaala ay narito lamang sa puso ko. At gusto kong malaman mo na nandito lang ako sa lugar kung saan tayo una nag katagpo. Alam ko rin na alam mo kung saan mo ako makakausap. ANAK? KAMUSTA KA NA? MISS NA KITA. Nandito lang ako at handa kang yakapin sa muli mong pagbabalik :) Sa una palang tinanggap ko na kung sino ka, kaya anak? Bumalik ka na :) Malapit na rin kasi akong bumalik eh :) -Jesus 👑☝

Revalation1:7 💕

#BeChristlike 👑 Philippians 2:5-11 💕

Godbless and lovelots 💖 x

I Am A Christian | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now