• paalam

64 2 0
                                    

|paalam

Salitang "paalam"? Gaano nga ba kasakit? Gaano kahirap? Kung gaano kayo kasaya noon, ngayon ay kailangan ng tuldukan. Kung paano na palagi kayo mag kausap, magkatext, magkasama, ngayon  ay kailangan ng putulin.

Masakit. Mahirap. Mabigat.

Ngunit maaring hindi pa ito ang oras. Maaring may iba ngunit maaring siya na.

Ngunit kapag ang salitang "muna" ay idinagdag sa salitang "paalam", siguradong walang mawawala.  "Paalam muna". Paghihintay ang kailangan. Salitang "muna" na siyang nag bigay ng pagasa, sa akala mo'y wala na. Salitang "muna" na nagbigay ng lakas ng loob sa akala mo sira na.

Salitang "muna"? Katumbas ng salitang "ngunit". Katumabas ng salitang "ngunit" na nakasaad sa pinaka magandang salita na maari mong marinig, mabasa at maranasan.

"Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, NGUNIT, ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon."
-Roma 6:23 👑☝

Dapat tapos na. Dapat patay na. Dapat wala na. Pero hindi. God gives us new hope. Ang akala nating paalam na ay panibagong umpisa pala. Umpisa na laan ng Diyos para saatin. Para sa bagong buhay hindi lang basta buhay kundi buhay na walang hanggan ☝

Mahirap man ngunit kailangan. Salitang "paalam" ay kailangan ng sambitin at higit lalo kailangan ng gawin. Paalam sa kahapon. Paalam sa dilim, at paalam sa dating ikaw. Ikaw na ngayon binago na niya. Binago na para sa panibagong umpisa.

Oras na para tumayo. Tumayo at lumakad patungo sa kanya. Tama na ang tulog at umpisahan na ang pagbangon.

Come to Jesus 💕

Godbless and lovelots 💖 x

I Am A Christian | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now