6

39 4 6
  • Dedicated kay Chelsea Reyes
                                    

Invisible | Ch. 6

--

Unknown's POV

Bakit ba kasi ako napunta sa gulo na 'to?! Kaya ayoko sa magulang ko eh kung ano ano nalang ginagawa. Sana namatay nalang sila. Andami nilang kababalaghan, kung hindi dahil sa kanila, di ako ganto. Gusto ko nang mabuhay ng normal. Hindi yung ganto na may maraming responsibilidad. Napipilitan na nga lang ako maging masama o hindi? Masama talaga ako. Pero gusto mabait ako kahit papaano. San ba ako lulugar?! Leche.  Kairita naman oh! tsk.

Kalene's POV

Isang araw nanaman na walang kabuluhan sa school.  Joke. I mean wala pang masyadong nangyayari. Medyo maulan at pinapanood ko nalang yung ulan sa labas ng bintana. Nakakarelax talaga pag pinagmamasdan mo ang ulan. Napapaisip ka sa buhay at nawawala yung mga problemang pinagdadaanan mo.  Napunta na rin sa isip ko si Xarred at yung pamilya ko, o kung nasa langit na ba yung patay kong turtle na si Tony. Ang cute talaga ng pagong na iyon kaso namatay bigla. Pagka gising ko eh nandun nalang siya sa fishtank na tinitirhan niya at walang malay. Akala ko tulog lang. pero patay na. 

"Kalene, are there any problems?" bigla akong tinawag ni teacher.

Nawala ako sa aking iniisip at natulala.

"Kalene..? muka kang tulala diyan.. May nangyari ba sa iyo?" hindi ko namalayan yung tanong ni sir kasi medyo bangag ako dahil napuyat ako kagabi kakapractice mag watercolor.

"H-ha..?" hindi ko maintindihan yung tanong niya..

tapos bigla lang nagprocess sa utak ko.

"Ahh sir wala naman po.." sabi ko.

"Muka ka kasing malungkot. Pero sabagay maulan naman ngayon, pero hindi ka dapat maging malungkot. Kahit maulan eh dapat maging masaya ka parin. Ngayon, ituloy na natin ang mga lesson.--" nang may biglang kumatok sa pinto at naudlot ang sasabihin ni sir.

*tok tok tok* 

"Sige pasok lang" sinabi ni sir Marzan.

pero mas lumakas yung katok sa pinto.

"Umm, Paul, paki bukas nga yung pinto." utos ni sir Marzan.

Pumunta si Paul sa pinto at nahihirapan siyang buksan ito. 

"What's the matter sir Paul?" tinanong ni sir.

"W-w-wala naman." tinatry niya padin buksan yung pinto pero hindi mabuksan. May parang humahatak sa pinto pero wala namang tao. Parang may multo yata.

Nagsususpetya na si sir Marzan at medyo galit na siya.

"Ano ba yan?! ako na nga magbubukas ng lecheng pinto na yan! Class hours na class hours eh ay nangugulo!?"

biglang nagbulungan ang mga estudyante sa classroom.

"Alis diyan paul. Ako na nga!" galit na sinabi nya at pinaalis si Paul na mukang nagtataka na ewan.

Pumunta si sir Marzan at hinatak yung pinto. Pero bigla na siyang napaupo.

Tumawa yung mga estudyante maliban sa akin. Medyo napupuno na ako kasi ang arte nila. Mani manahimik nalang. Psh! 

"C-class. Stay put. Hindi natin alam kung ano ang nangyayari dito. M-magdasal na lang tayo.

O-our F-f-ffather... In heaven...." Sabay sabay kaming nagdasal. Parang may mali talaga dito.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon