† 4 †

62 5 5
                                    

Invisible | Ch. 4

--

Third Person POV

Mga dismissal noong mga oras na iyon at pumunta sa library si Kalene. Mag isa lamang siya at wala siyang kasama papunta doon. Sa may bandang sulok na table sya pumwesto at kumuha ng libro tungkol sa arts. Mahilig siya magdrawing, magpainting o kung ano man. Magaling naman siya kaya ayun, gusto pa niya matuto tungkol duon. Ang libro niyang nakuha ay "Idiot's guide to watercolor"

Sa kabilang dako naman ay mapunta tayo kay Zabre. Sinundan niya si Kalene katulad ng ginagawa niya lagi. Tumayo siya sa likod ni Kalene kasi makakahalata si Kalene na may multo at baka umalis siya. Tinitigan niya ang libro kasi wala siyang maintindihan doon kasi wala siyang talent. Tapos, si Xarred naman ay nasa may open field ng paaralan nila at doon siya nagmumuni muni tungkol sa buhay. Para naman maging exacto tayo kung saan si Xarred ay nasa ilalim sya ng puno sa open field, at nakaupo sa may bench. Iniisip niya ang babae niyang napupusuan at nagmuni muni sa buhay niyang malabo.

Pagkatapos non ay umalis na siya sa may kanyang inuupuan. Mag gagabi na kasi at mahirap sumakay ng jeep pauwi. Palakad naman siya sa school gate at nakita niya naman si Kalene. Magisa lang siya at hinayaan niya nalang. Nagaalala kasi si Xarred baka kung ano nanaman isipin ni Kalene at magfefeeling nanaman iyong babaeng yon.

Ngayon naman ay nasa kalye silang dalawa ( na medyo madilim) pero magkalayo ang distansya nilang dalawa.

Kalene's POV

Haaay. Buti naman naka labas na rin sa school. Haist. Ambigat talaga nitong libro ng watercolor sa bag! pero sulit na din. Atleast may pagkakaabalahan ako paguwi.

Zabre's POV

"WOW! nakita mo ba si ateng na naglalakad magisa??" sabi ng tambay na hindi kita sa paningin ni Kal.

"OO PRE! ang seksi oh! tingnan mo pag nailawan ng street light amputi! parang anghel talaga!" sagot naman ng kasama niya.

Akala nila di sila makakatikim sakin, Aba. Magintay lang yang mga g-gong yan.

"Ano pre, pagdiskitahan natin?" sabi ni tambay 1.

"Sige ba, ano pa bang iniintay natin? Tawagin na natin si totoy buto, para tatlo tayo!" sagot ni tambay 2.

Third PPOV

Niyaya nina tambay 1 at 2 si totoy buto na napakapayat, aakalain mo nalang e stickman na drinawing ng batang paslit. Pero tatawagin na natin siyang tambay 3 kasi unfair kay tambay 1 at 2 kasi hindi sila pinangalanan. Sinundan nila sa paglalakad si Kalene at palapit na ng palapit.

"O ano, tara?" sabi ni tambay 1.

"Pagkabilang ng lima eh, hawakan nyo yang si miss sa braso ah!" ani ni tambay 3.

"1."

"2"

"3"

"4" sabay sabay nilang pabulong na bilang.

"GO!" sabi ni tambay 1.

Naalarma si Kalene pero huli na siya nung hinawakan nina tambay 1 at 2 ang braso ni Kalene at habang si tambay 3 naman ay tinatakot si Kalene.

"Urrrgh! Bitawan niyo nga ako! Ambabaho nyo! ano ba trip niyo? Ha?!" nagpupumiglas na sinabi ni Kalene.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon