5

42 4 2
                                    

A/n: Apupupupu~ sorry kung meyo late yung update ahahaha sana makabawi ako. Nawalan ako ng inspirasyon e hahaha. 

-C

--

Invisible | Ch. 5

--

Zabre's POV

'Tong si Kalene, tulog parin. Lumakad ako ng onti papunta sa may kama niya banda. Tinusok ko siya ng paunti unti sa braso para naman magising. Hahaha sarap talaga pagtripan. Kahit siguro buhusan ko to ng mainit na tubig di parin gigising, tulog mantika ba naman kasi hahaha.

Umupo nalang ako sa may dulo ng kama niya at hinintay ko magising. 

May naisip akong paraan. 

Ginalaw ko yung alarm niya para naman mabuhay 'tong babaeng to hehe.

Kalene's POV

*toot toot toot *

tumunog ang alarm clock ko. Hini ko pa alam kung anong oras na pero feeling ko ansakit ng katawan ko. Kainis! Pininot ko yung snooze button ng alarm sakali mabawasan ung sakit ng katawan ko sa onting tulog pa.

Zabre's POV

Tumunog ang alarm ni Kaleng. 

*toot toot toot*

Napansin niya ito at pinindot ang snooze button. Gumalaw galaw siya ng onti at muka siyang may osteoporosis hahaha.  At ayun natulog ulit.

Hinayaan ko ulit siya matulog kasi baka naman masyado itong pagod kagabi kahit di naman tumakbo. Haha. Binasa ko nalang yung "Idiot's guide to watercolor" niyang libro kahit di ko naman magegets ito at tsaka hindi nya naman ako mapapansin.

Ayy.

Kalene's POV 

Binuksan ko yung mga mata ko. Nagtaka ako kung bakit medyo orange na yung langit pagkakita ko sa bintana. Tinignan ko yung orasan.

4:49 pm / sat

Humikab ako at bumangon. Pumunta ako sa CR doon sa may kwarto ko.Binuksan ko ang ilaw at dumerecho sa salamin para tignan ng malapitan at kalikutin  yung mga tigyawat ko at blackheads.

Zabre's POV

May narinig akong humikab. Dali dali kong sinara yung libro at inayos sa dati nitong posisyon kasi baka mapagbintangan niya pa ang kapatid nya na nangingialam ng gamit niya. Bumangon na siya at umalis sa kama at pumunta sa banyo.

Hindi niya sinara ang pinto kaya ibig sabihin nito ay hindi siya maliligo at pwede ko yun pasukin at pwede ko din sya pagtripan. Ang hirap talaga pag bored. Tsss.

Nung Tinitignan niya na ang mga tigyawat niya sa salamin, ginalaw galaw ko ung twalya sa likod niya. Medyo napansin niya naman nito at pagkatapos nun ay naglakad lakad ako sa paligid niya at pinatay bukas ko ang light switch.

Kakapatay bukas ko ay bigla naman itong pumutok. Nagulat din ako at tumagos sa pader at nag gala gala. 

Ayun! Alam ko na kung sino yung susunod na biktima.

Kalene's POV 

May napansin akong gumagalaw sa may likuran banda nung tumitingin ako sa salamin pero di ko na pinansin, tapos may naramdaman akong lamig na nakapalibot sakin, yung tipo bang parang may multo.  Tapos biglang nagpatay sindi ang ilaw. Naiirita na ako ng paunti onti kasi hindi ko malaman kung may multo ba, sadyang gutom ako o sira lang yung switch ng ilaw.

Tapos biglang pumutok yung light bulb kaka patay sindi nito.

Sira nga talaga. Psh.

Hindi ko maipaliwanag kung gutom lang ba 'to o may multo talaga. Hahahaha pero di ko na rin pinansin at binuksan ko ang gripo sa lababo at naghilamos ng mukha para naman matanggal yung onting antok ko at matanggal ang onting muta at panis na laway. Pagkatapos nun ay kinuha ko yung twalya sa likod at pinampunas sa basa kong mukha. Kinuha ko yung suklay sa may counter at inayos ko ang buhok ko. At lumabas nako ng banyo at bumaba sa sala.

Kumaripas ng takbo si mama sa akin at muka naman siyang masaya. May pinakita siyang liham, galing sa Sanvictores Group of Companies, ang may ari ng pinagtatrabahuhan ni mama.

Binasa ko naman ito. Tungkol daw ito sa kumpanya na pinapasukan ni mama at napromote naman siya sa mas mataas na posisyon. Masaya ako para sa kanya dahil simula noong wala na yung tatay ko, nung una ay hirap na hirap kami, tingnan mo ngayon, dulot ng pagsasakripisyo at pagtitiyaga ay may maganda namang bunga.

"Ma! Yieee! pwede ka bang mang libre ng isang box ng pizza? sige na naman oh!" kantyaw ko sa kanya

Tumakbo naman ang kapatid ko at parang narinig yata yung paguusap namin ni mama.

"Dagdagan mo na rin ng ice cream! Ung cookies and cream ha?" Dugtong naman ni kara.

"O sige mga anak ahaha. kayo talaga oh. Sige papadeliver tayo mamaya ng pizza sa greenwich. Ikaw naman Kaleng, bumili ka diyan ng isang tub sa may kanto ng sinasabing flavor ni Kara." sabi ni ma.

"Opo ma, haha mamaya, sige." sabi ko.

At niyakap naman ako ni mama at ni Kara at niyakap din namin siya pabalik.

Third PPOV

Sa may isang lugar na walang sino man nakakalam, pero alam niyo pero hindi nyo pala alam na nandoon lang pala, may isang nilalang (o tao para maging exacto) , na sikreto ang pangalan at sikreto ang gulang, may pinaplano ito para mawala ang katauhan ng mga espirito. Hindi natin sigurado kung ano nga ba talaga siya o kung masama o mabuti, o kung babae ba siya o transgender, o kung mahilig ba sa adobo o hindi.

Noong una palang ay wala pa siyang ka muang muang sa mga ganitong buhay. Pero sa mga nangyayari sa kanya, ito ay nagbibigay ng lakas o inspirasyon sa kanya para magawa niya ang balak niya na magpapabuti o magpapasama sa mga karakter dito sa storya.

Ilang taon din siya nag aral ng tungkol sa espirito, at sa mga bagay bagay na hindi natin kayang maipaliwanag. Pumunta pa siya sa iba't ibang bansa para lang matuto sa iba't ibang paraan kung paano mabura ang katauhan ng espirito o kung totoo ba ang mga ito.

Sa ngayon muna ay Unknown muna ang itawag natin sa kanya hanggang sa i-bunyag ko kung sino siya.

•Invisible | Ch. 5 end•

--

A/n (ulit haha):  Ang late ng update koooo haha shet iyak na. Jk. Slow updates po muna ako ngayon/ intay-intay sa future chapters.

salamat po sa supporta :D

-C

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon