Is It Us?

402 16 1
                                    

Hi! First of all, I just wanna say thank you very much that you read this. Thanks din sa mga nag-comment at nagbigay sa akin ng mga star (vote). I really appreciate it.

By the way, I'm writing a story entitled Is It Us? by me (Jade Star/JADESTARstories) at gusto ko lang mag-plug. Hahaha

[Ang kapal ko. Hahaha xD]

Ito po 'yung teaser:

"Miss?" Napamulat ako sa mahinang tapik sa mukha ko.

"Ano ba?!" Reklamo ko.

"Um, Magsasara na po kami." Hindi ako makadilat ng maayos at makapag-isip ng matino. Masakit ang ulo ko ka Miss ya tumango na lang ako sa kumakausap sa akin.

"Tulungan na po ba namin kayo ni sir?" Tumango ako uli. Ba't ba parang lumilidol.

Tumayo ako at muntikan nang bumagsak pero may umalalay sa akin. Namalayan ko na lang na nakalabas na ako ng bar kasama 'yung lalaking nakaakbay sa akin.

Bigla siyang nag-angat ng ulo. Naamoy ko ang alak at sigarilyo sa hininga niya nang magsalita siya.

"Asan... Asan ako?" tanong niya gamit ang garagal na boses.

"Malay ko. Ako nasan ako?"

Naglalakad kaming dalawa nang pagewang-gewang sa daan habang magkaakbay. Mabuti na lang at wala masyadong sasakyan ang nagdadaan dahil kung meron, baka may nangyari na sa amin. At isa pa, hindi namin alam kung saan kami pumupunta. Wala kaming direksyon.

"Ewan."

"Anong pangalan mo? Sa'n bahay mo?"

"Eiffel."

"Uy," I grinned. "Gusto ko sa Paris."

Tumawa siya. "Tanga. Pangalan ko '.yon...Sama ka sa 'kin."

"Saan?"

Malamlam ang mga mata niya at nung tumingin ako sa kaniya ay muntikan na kaming sumubsob dahil parang nanghihina ang mga paa niya.

"Uy... Umayos ka." Tumawa ako.

"Pupunta akong Paris... Sama ka."

Sa pangalawang pagkakataon, muntik na kaming masubsob dahil nawalan ako ng balanse.

"Upo muna tayo. Nalindol 'ata..."

Pagewang-gewang kaming umupo sa gilid ng kalsada. Madilim pa rin pero may mga streetlight naman kaya ayos lang.

"Sasama ka na?" Tanong niya agad ng makaupo kami.

"Ah..."

"Sama ka na, dali! Wala akong kasama, e."

I suddenly thought of why am I here with a man that's a total stranger to me. Then I remember that it's because of my parents. Because of Landon and his parents and Keina. I felt a sting sensation as I remember his last words.

I love her...very much.

I smiled bitterly. Ngayon wala na akong matitirahan dahil umalis na ako sa condo ni Landon. Ayoko rin umuwi sa parents ko. That might be the last thing I would do as of now. 'Yung mga gamit ko sa condo ni Landon, tinanggal ko na at nilagay ko sa kotse. Naitakas ko kasi mula sa bahay 'yon bago ako pumunta ng bar. Kaso 'di ko maalala kung saan ko na-park.

Now, I'm alone. Then I realized I'm not. I'm here, sitting on the sidewalk with the unknown stranger asking me if I want to join him in Paris. And surprisingly, I'm considering his offer.

Paris would be a great escape, isn't it? After all I'm looking forward on having a vacation at that lovely place. I've always want to go there and saw the famous Eiffel Tower. To feel the ambiance of that city would be greater.

"Yes."

"Huh?"

"Sasama ako," and when I said that, it's final. There should be no regrets. There's no turning back. Because that's my choice. To escape. Again.

Looking stupid and grinning at each other, we intertwined our hands. We stand and finally, with a clear direction, made our way in our chosen path.

***

So, ayun po, pwede n'yo pong basahin 'yon sa may gusto. Hindi naman po ako namimilit. :)

Salamat ulit!

Love and kisses,
Jade Star

DreamInn [Completed]Where stories live. Discover now