333

277 15 8
                                    

Malakas na tugtutugan, masakit sa mga matang ilaw at amoy ng alak at usok ng sigarilyong bumungad kay Lily. Dumaan siya sa mga taong nagsasayaw at dumiretso sa harap ng bar counter. Doon, nakita niya ang isang babae at lalaking bartender, gumagawa ng iba't ibang eksebisyon upang maaliw ang mga manunuod.

Umupo siya sa harap ng counter. Lumapit sa kaniya ang babae saka kinuha ang kaniyang order. Hindi niya alam ang io-order kaya naman ang ang sabi na lang niya ay 'yong pinakamatapang. Umalis sandali 'yung babae at inasikaso ang order niya. Pagkalipas ng ilang sandali, binigan na siya nito ng baso ng alak.

Bakit siya nasa bar? Kasi gusto niya makakalimot. Kalimutan ang alin? Si Chase. Bakit? Dahil niloko siya nito. Nagkaroon sila ng maliit na di pagkakaunawaan na dahilan kung ba't nag-inom ang lalaki at nagdala ng babae pauwi sa tinutuluyan nito. Handa na sana niyang kausapin ang lalaki pero naabutan niya itong may kasamang iba sa kama.

Nagulat siya sa nasaksaihan pero walang tatalo sa sakit na naramdaman niya noon. Pakiramdam niya ay pinipiga ang kaniyang puso at saka sinaksak nang paulit-ulit. Ang nakakatawa pa, walang alam si Chase sa nasaksihan niya. Tulog ito nang pumunta siya kaya naman ngayon ay kinukulit siya ng lalaki at inaakalang galit pa rin siya dahil sa misunderstanding lang.

Ilang araw na rin siyang kinukulit ni Chase pero iniiwasan niya ito. Ilang araw na rin siyang umiiyak mag-isa dahil kahit kanino ay hindi niya pa rin ito nasasabi. At tulad nga ng ibang tao kapag may problema ay nais niyang makalimot. Kaya naman ngayong gabi, magpapakalasing siya. Lulunurin niya ang sarili sa alak hanggang makakalimot siya. Hanggang sa mawala ang sakit.

Inubos niya ang unang serve sa kaniya ng alak at nag-order ulit siya. At isa pa. At isa pa. At umorder siya nang paulit-ulit. Hanggang hindi na niya alam kung nakakailang baso na ba siya. Unti-unti'y naramdaman niya ang pagbigat ng kaniyang ulo. Kasabay nito ay ang pag-ikot ng kaniyang mundo. Papikit na siya nang may maramdaman siyang kung sino ang umupo sa upuan sa kaniyang tabi. Napatingin siya rito at nanlaki ang mga mata niya.

"Uy.." tumawa ito. Halatang nasa ilalim na ng kapangyarihan ng alak.

"Umuwi ka na."

"Ayaw!" parang batang sabi niya.

"Lily!" nananaway na sabi nito.

Binitawan ni Lily ang basong hawak niya at inilapag sa counter saka tumayo. Inilapit niya ang kamay sa mukha ng lalaki at hinaplos ito. Napangiti siya.

"Totoo ka..."

Napayuko lang ang lalaki saka napailing.

"Nahanap kita..." hindi namalayan ni Lily na umiiyak na siya. Ngunit kahit ganoon ay nakangiti siya. "Sa wakas nahanap na rin kita."

Pinunasan ng lalaking nasa harap niya ang kaniyang mga luha. "Lily, umuwi ka na."

"Ayoko." umiling-iling ito saka niyakap ang nasa harapan.

"Lasing ka na, Lily." hinagod nito ang likod ni Lily.

"Uuwi na. P-pero sumama k-ka sa akin," humihikbing sabi ni Lily.

Napabuntong hininga na lang ang lalaki. Humiwalay siya sa yakap saka hinawakan ang kamay ni Lily at hinila ito palabas ng bar.

Pumunta sila sa isang hotel na malapit sa bar. Hindi alam ni Lily ang nangyayari dahil simula nang hilahin siya ng lalaki, wala na siyang ibang ginawa kundi ang titigan ito. Ni hindi siya kumukurap dahil baka mawala ang lalaki sa kaniyang paningin.

Sa tagal ng paghahanap niya sa lalaki noon, hindi niya alam kung bakit nagpakita ito sa kaniya ngayon. Ang dami niyang tanong sa lalaki ngunit hindi niya malaman kung ano ang uunahin niya at tila napipi siya dahil walang boses ang nalabas sa kaniya. Isa pa, ang mundo niya ngayon ay umiikot pa rin.

DreamInn [Completed]Where stories live. Discover now