308

293 16 3
                                    

"Salamat, Ms. Bautista," sabi ni Ari, secretary ng boss ni Lily.

Napaupo na lang si Lily sa kaniyang upuan saka napahilot sa sintido. Lahat sila ay minamadali dahil malapit na ang kani-kanilang mga deadline at ayaw na awaw ng boss nila ng delay.

"Ayos ka lang?" Napatingin siya sa babaeng nakatayo sa harap niya.

"Oo." Ngumiti ito.

"Ms. Lily Bautista?" Napatingin sila sa guard na may dala-dalang kape na nasa styro na lalagyan.

"Ako po 'yon kuya." Sabi niya saka nagtaas pa ng kamay.

"May nagpapaabot po." Inabot nito 'yung dalawang kape sa kaniya saka umalis.

Take a break.
Don't stress yourself too much.
I

love you.

—Chase

PS. The other coffee is for Mitchie.

Napangiti na lang si Lily sa nabasang note na nakdikit sa isang kape.

"O, anong nginingiti-ngiti mo d'yan?"

Nabalik ang tingin niya sa babaeng nasa harap niya.

"Ang sungit mo, Chie. Anong meron?"

"Wala!"

"Sayang. Ibibigay ko pa naman sana itong isa sa 'yo kaso sinungitan mo ko." Nagkunwari siyang tatalikod pero nahawakan ni Mitchie ang kaniyang kamay.

"Ito naman... Joke lang. Akin na. Stress ako kailangan ko 'yan, dali!"

Nakangiting napapailing na lang ito ng inabot sa kaibigan ang isang kape.

Uminom sila pareho bago muling magsalita si Mitchie.

"Kanino pala 'to galing?" tanong ni Mitchie at itinaas pa ang hawak na kape.

"Kay Chase," maikling sagot niya.

"Ayieeeee!"

Napatawa na lang siya sa kaibigan.

"In love ka na n'yan?"

Nagtaas lang ang mga kilay nito saka tumawa.

"At last, nagka-boyfriend ka rin. Akala ko tatanda ka nang dalaga noon, e."

Napabuntong hininga si Lily saka nagsabi, "akala ko rin, e."

"Nakakaloka ka naman kasi. Akala ko, 'di ka makaka-move on do'n sa alam mo na... Pero, mahal mo naman talaga si Chase, 'di ba?"

Tandang-tanda pa ni Lily kung paano unang nagtagpo ang kanilang mga landas ni Chase.

Dalawang taon pa lang siya noon sa pagtatrabaho ngunit mayroon na agad siyang matunog na pangalan sa napili niyang larangan. Sa murang edad at maikling panahon, marami na siyang  proyektong nahawakan at nagawa kaya naman hindi maiwasang may iilang humanga sa kaniya.

Habang nasa malapit na canteen ng kanilang pinagtatrabahuhan si Lily at kumakain, isang binata ang lumapit sa kaniya.

"Lily Bautista, tama?"

DreamInn [Completed]Where stories live. Discover now