CHAPTER 13. Masochist

1.4K 40 48
                                    

CHAPTER 13.

Masochist

"Hey! Nicole!"

Hindi na pinansin ni Nicole ang pagtawag sa kan'ya ni Enzo. Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay mapuntahan si Ian. Buti na lang at hindi ganoong kataas ang heels na suot niya kaya agad siyang nakatakbo papasok ng ospital. She quickly asked the nurse in the station kung nasaan ang kwarto ni Ian. Nabigla pa nga ito nang makita siya. Obviously, she's famous.

"Room 32, Ma'am."

She didn't bother to thank the nurse. Agad niyang hinanap yung kwarto kung nasaan si Ian. She took the elevator dahil nanghihina na ang mga binti. Hindi niya alam pero may mali siyang nararamdaman. Nangangatog siya. At dahil do'n, kinabahan siya lalo. Whaf if something bad happened to Ian? Paano kung malala ang kondisyon nito?

"No..." Napahawak siya sa bibig at umiling. No more negative thoughts. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganito.

Ting!

Bumungad sa kan'ya ang mga tao at nurses na may nanlalaking mga mata, "Excuse me."

Tumabi naman ang mga ito para sa kan'ya. Narinig niya pa nga ang mga bulungan nito. Hindi klaro pero alam niyang alam ng mga ito na pupunta siya kay Ian.

Nang nahanap niya ang kwarto ng nobyo, hindi na siya nagdalawang isip na buksan ang pinto. Gusto na niyang yakapin si Ian ng sobrang higpit. Oo nga't may kasalanan pa ito pero wala siyang pake. Ang mahalaga ngayon, ay makita niyang maayos si Ian.

But when she finally saw Ian, her world fall apart.

He was kissing his co-model, torridly. Na para sila lang dalawa ang tao sa mundo.

Hindi kinaya ni Nicole ang panghihina kaya napahilig siya sa dingding. Walang hirap na umagos ang mga luha niya. Kahit napakasakit, hindi niya maialis ang tingin sa dalawa. Para siyang napako doon. Hindi siya makagalaw. Ni hindi siya makahikbi.

"What a masochist."

Doon lang natauhan si Nicole. Natauhan siya dahil sa isang boses ng lalake sa likuran niya.

xx

"Hey! Nicole!" Pagtawag niya rito ngunit hindi siya nito pinansin. Parang wala itong narinig. Tuloy-tuloy lang ang dalaga na tumakbo papasok ng ospital.

Padabog niyang isinara ang pintuan ng sasakyan. Naiinis siya. Ano bang meron doon sa Ian na iyon at ganon na lang si Nicole? Not that he's jealous. He will never be. Naasar lang siya dahil kahit kelan, hindi pa siya napagtataasan ng boses ng isang basta.

AH BASTA NAASAR SIYA.

"Shit." He groaned then shut his eyes so tight. Gusto niyang sundan si Nicole. Ramdam niyang kailangan niya itong sundan. And he did.

Hindi naman siya artista pero nakuha niya ang atensyon ng halos lahat ng tao pagkapasok niya sa lobby. He immediately asked where Ian is at kitang kita niya ang pagtataka sa mukha ng nurse. Pero kahit ganoon, hindi nito matatago na nahuhumaling ito sa kanya.

"Thanks!" He said his thanks pagkatapos ay hinanap niya si Nicole.

Hinanap niya ito ng hinanap hanggang sa nakita niya itong nagpapakatanga.

"What a masochist." He's gritting his teeth. Inis na inis siya kay Nicole.

Ito ba? Ito ba ang ipinunta nito rito? Ang makita ang pinakamamahal na nakikipaghalikan sa iba?

Dahil sa sinabi niya, tila nagising si Nicole. Humarap ito sa kan'ya at kitang kita niya ang basang pisngi nito. Mas lalong uminit ang dugo niya.

"Enzo..." Nabanggit nito ang pangalan niya pagkakita sa kan'ya ni Nicole.

"Let's go." Hinatak niya ang pulso ni Nicole. Gusto na niyang ilayo ito ngayon rito. Kumuyom ang panga niya ng pumiglas ito sa kan'ya. Hindi nga lang ito makawala dahil mas malakas siya.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Daing ni Nicole sa kanya pero hindi niya pinansin. Hinatak niya lang ito hanggang sa makarating sila sa kotse niya. Buong lakas nitong hinatak ang kamay sa pagkakahawak niya kaya hinayaan niya na lang. Napatalikod siya't napagtanto ang ginawa.

Shit! Why did I acted like that?

"Ano bang problema mo!?" Sigaw ni Nicole sa kan'ya.

Hinarap niya ito't tinignan ng masama, "Ikaw? Anong problema mo?" Mariin niyang ipinunta rito, "Iyon ba ang ipinunta mo dito!?"

Hindi alam ni Enzo kung bakit sobra siyang nanggagalaiti. Nag-igting ang bagang niya. Mabibigat na rin ang kan'yang hininga.

Pinunasan ni Nicole ang basa niyang pisngi, "It's none of your business!"

Lalo pang nainis si Enzo sa isinagot ni Nicole. Bakit ba ito ganito?  Pagkatapos niya itong hilahin para hindi na makita ang kababuyan ng nobyo nito, ganito la ito aasta sa kanya?

Hinawakan niya ito ng madiin sa magkabilang balikat, "TANGINA NICOLE! BAKIT ANG TANGA MO!?"

Hindi niya inaasahan ang isinagot nito sa kanya.

"KASI MAHAL KO SIYA, ENZO! MAHAL NA MAHAL KO SIYA!"

Ganito ba? Ganito ba talaga pag nagmamahal?

xx

A/N: Yey! Update! Try ko araw-arawin. Sa phone lang ako nagtatype, e. Sana mahaba 'to. Enjoy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fixed MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon