CHAPTER 10. Broken

1K 27 7
                                    

CHAPTER 10. 

Broken

Ang sikip ng dibdib ni Nicole. Wala siyang ginawa kun'di umiyak ng umiyak. Ang sakit sakit kasi. ANG SAKIT. Pakiramdam niya hindi siya makahinga dahil sa mga nakita niya kahapon. Hindi siya makapaniwalang pagtataksilan siya ng nobyo...

And that's what hurts the most.

Napapikit siya't napakagat sa labi. Pinipigilan niyang maiyak uli. Ayaw na niyang umiyak. Magang-maga na ang mata niya. Nakakaawa na ang maganda niyang mukha.

"Get up, Nicole. It's not the end of the world." she said to herself. Iyan ang laging sinasabi sa kanya ng bestfriend niya kapag tinatamad siyang bumangon at kapag problemado siya. Wala ito ngayon sa bansa that's why she's mocking her bestfriend's voice.

She's all alone... And broken.

KRIIING!

Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa side table malapit sa lamp shade pagkabangon niya. Di niya mapatay-patay ito dahil meron siyang negosyong pinapatakbo. Kahit naiirita na siya dahil kagabi pa 'to tunog ng tunog, e wala siyang magagawa. Di siya pwedeng magpaka-emo na lang rito. She has lots of work to do, even if she's not in a good condition.

"Hello, Kes?"

Sinagot niya ang tawag dahil galing ito sa sekretarya niya, si Kes.

"Ma'am Nicole," bungad ng sekretarya sa kanya, "Tuloy po ba yung meeting today para sa mga events?"

"Yes. Tuloy lahat. Pati yung launchings ituloy rin. Make my schedule full, Kes. Lahat ng appointments na kaya ko today, i-confirm mo. Make sure mga importante yan. I don't want to waste my time." dire-diretso sa pagsasalita si Nicole. Pinapapapuno niya ang schedule niya para di na niya maisip si Ian. Para maging busy ang isip niya sa ibang bagay.

"Okay Ma'am..." napataas ang kilay ni Nicole dahil parang may gusto pa sabihin si Kes.

"May sasabihin ka pa?" tanong niya agad. Ayaw niya ng paligoy-ligoy pa.

Rinig niya ang pagbuntong hininga ni Kes, "Si Sir Ian po kasi, gusto niya raw po kayo maka-"

"Tell him I'm busy."

She ended the call right after she said that. Hindi na niya pinatapos pa ang sekretarya. Ayaw niya munang isipin si Ian ngayon. She needs to focus on her work.

Kaya dali-dali siyang tumayo at pumunta ng bathroom. Kahit nanghihina siya, e kinarag niya ang sarili niya papuntang banyo. Ganoon parin ang pakiramdam niya up until now. Mabigat at masikip ang dibdib, hindi makahinga ng maayos, masakit ang ulo, nanghihina... And her heart damn hurts.

"I look like hell." napa-iling siya. Mukha siyang zombie pagkaharap niya sa salamin. Bukod siya maga ang mata niya, may eyesbags siya, at sira ang maskara. Sabog ang buhok niya, ang lipstick ay kalat, at ngayon niya lang napansin na di pa siya nakakapagpalit simula kagabi.

She did what she had to do. She cleaned herself. Nagbabad siya sa kanyang bathtub and it made her relax a little. Nawala yung onting bigat sa katawan niya. Presko na sa pakiramdam.

KRIIING!

She's currently drying her hair ng tumunog uli ang phone niya. Tinignan niya ito and then she immediately pressed the red phone icon. Si Ian kasi ang tumatawag. She closed her eyes tightly, dahil pakiramdam niya maiiyak na naman siya.

Pinagpatuloy niya lang ang pagaayos sa sarili. She tied her hair into a messy bun nung matuyo ito. Nagsuot siya ng short at medyo revealing top. Kita kasi yung cleavage niya at medyo manipis yung tela ng top na suot niya. Inayos niya na rin ang mga gamit niya and she's about to go nang may mag-dorbell.

Dingdong!

"Oh, ba't ka napadpad dito?" Masungit na tanong niya sa taong pinagbuksan niya ng pinto, si Enzo.

Ngumiti si Enzo, "Can I come in?"

Tumaas muna ang kilay ni Nicole. Tinitigan niya muna si Enzo bago marahang tumango.

"Paalis ka na ba?" tanga-tangahang tanong nito sa kanya.

Umirap siya, "Di ba obvious?" narinig niya lang itong humalakhak. Ano bang kailangan nito sa kanya? Magtatanong na sana siya ng bigla itong magsalita.

"Uhmm, Nicole... You see," napakamot pa si Enzo sa ulo niya, "I was kicked out."

Naningkit ang mga mata ni Nicole. Ano raw? Kick out?

"My father is forcing me to marry you, and if I wont... Damn this. Maghihirap ako." halata nga sa boses nito na nahihirapan ito. Hindi ito makatingin sa kanya dahil sa hiya. Napanguso lang si Nicole.

"So? What do you mean?"

Tinignan siya nito ng nakanganga, with disbelief in his eyes. Nicole swallowed her laugh. She very well know na mataas ang pride at ego ng mga playboy. Kaya mahirap para kay Enzo na aminin na itinakwil siya.

"I'm fuckin' disowned," may halong inis na ang boses ni Enzo, "And I have a proposition for you, Nicole. Please... Hear me out."

Tumango lang si Nicole. Nakinig siya sa proposition na sinasabi ni Enzo.

"Hindi ako sanay sa buhay mahirap. Dad knows that kaya ginigipit niya ako ngayon. I need to marry you so please let me... Marry me, Nicole. Kahit for 3-5 months lang. Palabasin natin sa kanila na we tried to work out our marriage pero hindi natin kaya. Wala naman silang magagawa kung magdi-divorce tayo. Hindi rin ako makikielam sayo and of course, di ka rin mangengelam sa akin. You could still date Ian, and I'll date other girls."

Natulala lang si Nicole. Yes, she told her Mom na pagiisipan niya ang pagpapakasal kay Enzo. Pero iba 'to. Si Enzo ang nag-aaya na magpakasal sila. Ayos naman sa kanya yung deal pero paano si Ian?

Ugh! Bakit ko ba siya iniisip?

"What do you think?" napatalon siya bahagya dahil sa boses ni Enzo. She shook her head. She's spacing out again.

Sasagutin na sana niya ang tanong ni Enzo when her phone beep. Tinignan niya ito at bahagya siyang nanigas ng makitang galing ito sa PI na hinire niya. Napagakat siya sa labi niya habang buong lakas na binuksan yung message. She didn't even breathe at nang makita niya ang nilalaman, kusang nagsilaglagan ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata.

Yeah, she's f-cking broken.

xx-xx-xx 

A/N: Heyo! Sorry maikli lang siya. Di tulad nung updates ko dati na mahaba. Ganyan lang kasi talaga yung nakalagay dun sa storyline ko e. I'm sorry rin kung natagalan yung update. Busy kasi sa school, e.

THANK YOU GUYS FOR SUPPORTING FIXED MARRIAGE!

Fixed MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon