CHAPTER 9. Proposition

1K 27 10
                                    

CHAPTER 9. 

Proposition

"And it would be a fine proposition, if I was a stupid girl..."

Honestly, Enzo's freakin' irritated right now. Puro kanta na lang kasi ni Taylor Swift ang naririnig niya. Nakakairita na. But he knows that he is not in the position to complain. Nakikitira na nga lang siya, magrereklamo pa? Tangenang buhay!

"Bro," biglang sumulpot si Lyle sa gilid niya, "Sensya ka na kay Lyka! Medyo buang kay Taylor Swift yan e." napakamot pa si Lyle sa ulo niya. Halatang nahihiya ito sa kanya dahil sa kapatid nito.

"Okay lang naman." ngumiti si Enzo kahit pilit. Pilit dahil nararamdaman niya ang malaking pangangailangang makakain ng babae. Hindi niya nga lang alam gawin iyon ng hindi maapakan ay kaniyang pinakaiingatang pride at ego.

Bumuntong hininga si Lyle, "Bakit ba kasi pinapahirapan mo pa sarili mo? Ayan tuloy, pati sa sarili mong condo, pinalayas ka..."

Napakuyom ng kamao si Enzo. Yes, everyone. His condo was f-cking taken away from him. Lahat lahat. Simot. Even his clothes? Potek! Wala siyang nadala ni isa. So look at him right now, staying in his bestfriend's place. F-ck. Life sucks!

"It's easy for you to say that b'coz you're not in my position. Madali sabihin Lyle, mahirap gawin." huminga siya ng malalim, "Kahit papano, gusto ko faithful ako sa magiging asawa ko."

Napanganga si Lyle na parang hindi makapaniwala, "Woah! Faithful? Nakanang! Kailangan mo iyan natutunan? Kahapon?"

Pinandilatan niya ng mata si Lyle. Lintek! Seryoso kaya siya doon. Even though he is a jerk, still, he wants to have his own family... in the future. Hindi naman ngayon, sa future pa. At gusto niya nga faithful at loyal siya magiging asawa niya. He also wants to have direction in his life. Hindi habang buhay, PLAYBOY ang titulo niya.

"I'm serious, Lyle. I want to have my own family. Pero hindi ngayon. Masyado pa maaga. I won't grow old without having a wife nor a kid." Napakagat siya sa ibabang labi niya. Kid... Ano kayang magiging itsura ng anak nila ni Nicole, kung sakali?

"Oh, ba't pa hihintayin ang future?" Sarkastiko si Lyle, "Ayan na oh! Gago! Nakalatag na sa harap mo ang grasya, ayaw mo pa upakan. Malay mo bro, si Nics na pala. Malay mo matutunan mo rin siyang mahalin." Sinamaan niya 'to ng tingin pero ngumiti lang ito sa kanya. Umiling siya at agad iyok natigil ng tinapik ni Lyle ang balikat, "Hangga't hindi mo pa nasusubukan, hindi mo malalaman." Umalis si Lyle matapos siya nitong tapikin uli.

Natulala siya sa sinabi ni Lyle. Lahat ng sinasabi niya? It's all tempting. Kung magpapakasal siya kay Nicole, hindi na siya mahihirapan, may asawa pa siyang napakaganda't napasexy. Ulam na ulam. He'll never be hungry anymore. Day and night, busog siya. Magkukulong lang sila sa kwarto nila buong magdamag...

F-ck. Napalunok siya. Kung ano anong imahe ang pumapasok sa isip niya. Just thinking about Nicole with him on bed makes him hot already. How come if that thought will come true? He'll be hotter, for sure. At isa pa, hindi na siya mahihirapan. Di na siya makikitira at mapepeste kung paano gagastusin ang 105K niya.

"Lyka." tinawag niya ang busy na si Lyka. Kumakanta ito kasabay ng tugtog.

Lumingon naman si Lyka sa kanya, "Yes kuya?"

Lyka Han. 12 years old. Laki ng agwat niya kay Lyle 'no? Pero kahig ganun, mabilis ang growth and developement ni Lyka. Mapagkakamalan mo siyang 14 years old, hindi 12.

"Hanggang kelan ka dito kay Kuya Lyle mo?" kasi pinagiisipan niya talaga mabuti kung papayag na ba siya sa kasal o hindi.

"Ahmm, dito ako magaaral e. So dito talaga ako kay Kuya hanggang matapos ang school year! Sabi ko nga mag-dorm na lang ako, kaso, OA si Kuya e. 'Lam mo naman 'yun."

Close si Lyka sa Kuya niya. Kaya ganyan sila kung magtratuhan. Tropa-tropa. Enzo chuckled because what Lyka said was true. OA talag si Lyle, paminsan lang naman.

"Nawala lang ako saglit, laki na ng ngiti mo." dumating si Lyle na may hawak na plastic ng 7-eleven. Binato siya nito ng bote ng isang beer na buti na lang nasalo niya.

Ang talim ng tingin niya kay Lyle, "F-ck, ayos naman bro! Muntik na mataaman junior ko eh!"

"Shatap, Enzo! Si Lyka oh? Bibig mo nga. Inosenteng damulag pa yang kapatid ko." Pinandidilatan siya ni Lyle ng mga mata ngayon. Sumulyap siya kay Lyka na sige pa ding kanta. May nakasapak na ear phones sa tenga nito. He sighed, "Thank God she didn't heard what you've just said or else, I kill you, you jerk."

Tinaasan niya ng kilay si Lyle, "Jerk? Watch your mouth, big bro."

Nagtawanan na lang sila. Uminom si Enzo ng beer. Yung binato ni Lyle sa kanya. Sunod sunod nga ang lagok niya dahil may pinagiisipan siya.

Shit talaga. Kagago ng erpats ko! Sabi niya sa isip niya. Alam na alam ng Dad niya na hindi niya kaya mabuhay ng walang luho. Alam nitong mataas ang pride niya, at ma-ego rin siyang tao. Dobleng tae, oh. Mag-ama ng talaga sila.

"Lalim, a?" pagpukaw ni Lyle sa atensyon niya. Kanina pa kasi hindi umiimik.

He just shrugged his shoulders. What to do? What to do? Haha! Potek. Parang bading lang. Naiinis na talaga siya. Halo-halo ang nararamdam niya ngayon...

Ano ba? Papakasalan ko ba? Hindi?

Naisip niya ang suhestiyon sa kanya ni Lyle nung araw na nangutang siya. Alam niyang tama si Lyle, he just don't like the idea of gettting in to a commitment. Ayaw niya ng relasyon, ayaw niya ng kasal, ayaw niya muna ang mga ganyang bagay... sa ngayon.

And now? Bullshit. Pilit itong inihahain sa hapag niya. Pilit siyang pinapakain ng kanin na alam niyang iluluwa niya lang dahil mainit. The elders saying about marriage is, "Ang kasal, hindi parang kanin na kapag napaso ka, iluluwa mo." and he really likes that saying. Kaso, langya, eh. Eto, ipinipilit sa kanya ng tatay niya ang isang mainit, isang nakakapasong kanin.

Kasabay ng pag-hinga niya ng malalim, ay ang pag-play ng isang kantang kanina pa pinauulit ni Lyka.

"And it will be a fine proposition, if I was a stupid girl..."

Proposition?

Napaisip siya sa salitang yun. Proposition is like a deal, or something. Kasunduan sa tagalog, right? At nagjumble pa sa iniisip niya ang mga sinabi ni Lyle sa kanya last week.

"Lyle." pagtawag niya sa kapatid-kapatidan niya na tahimik ring umiinom.

"Oh?" tinaasan siya nito ng kilay.

He took a deep breathe, "Locate her." nagsalubong ang kilay sa sinabi niya. Halatang lito ito, "I've decide. I'll... I'm going to marry her."

Great. Sa wakas. Matatali na siya. But he has a proposition for Nicole. Para matapos na rin 'tong paghihirap niya. Hindi niya na talaga kaya. 'Tek!

"Finally, your senses are back to you." Humalakhak si Lyle at nginisian siya nito. He just rolled his eyes. Uulanin na naman siya ng asar ng kaibigan.

Basta bukas, kakausapin niya si Nicole. Tomorrow will be a big day for him. He is going to present his proposition and he is hoping that he will not get rejected.

Parang ligaw lang...

Sana wag siya mabasted.

xx-xx-xx

A/N: Sorry ang daming typo. Sa phone ko lang 'to tinype.

Fixed MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon