Chapter 17: Two Halves

65 0 0
                                    

(A/N: Basahin nio po ang mga notes ko para hindi kayo mahuli, pag may nagtanong ng hindi dapat tanungin, ibig sabihin hindi siya nagbabasa ng author's notes. Mmm! Tatampo pa ako.

Hehe, joke lang

May note pa po ako sa baba, okhie??? sige read! This is for my friend.)

----------------------------------------------

Chapter 17: Two Halves

"A-Angela? Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako nang makita ko siya and… and…

May dala siyang malalaking maleta. Mukhang damit ang laman non.

Don’t tell me…haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

"Wala kang pakialam! Tabi jan!" binunggo niya ko at tuloy tuloy na pumasok pero hinila ko siya.

W-w-w-w-w-wait!!! Did she just bumped me? Mukhang lalabas na naman ang dragon sa katawan ko ha.

"I'm sorry Angela, but you can't go inside. You see, nandito ang parents ni Ivo" paliwanag ko sa kanya.

"Ha? E di mas maganda. Ano bang inaarte mo jan eh fiancée ako ni Ivo. Get out of my way!" at hinigit niya yung pagkakahawak ko sa braso niya.

Pero papatalo naman ba ko??? Hello!!! I'm the goddess here!

"hep hep hep! Bakit ka nandito? At ano yang mga maletang yan??" tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko sa kanya.

"Dito na ko titira, angal ka? Tsaka ano bang pakialam mo, di ba friend ka lang naman ni Ivo? Let go of me or else..." mejo nagbanta ng danger ang boses niya.

Pero tandaan niyo, hindi ako nagpapatalo sa mga pipichuging bulaklak na tumubo sa isang garden. Dahil ako, isa akong masamang damo na kahit saan ko gustuhing tumubo eh gagawin ko. At wala pang hindi nasindak sa voice combo ko!!!

"Or else what?" nagsmirk ako. Nagsukatan kami ng tingin. Kinakalaban ako ha, bago pa siya nagsalita, inunahan ko na agad.

"KUNG AYAW MONG PASABUGIN KO BAHAY MO, LUMAYAS KA DITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!" kung hindi ako nagkakamali umabot pa sa ikalimang kanto ang sigaw ko. At tama kayo, hahahaha! Nasindak siya.

Tumakbo siya palabas ng gate dala ang mga bagahe niya.

"Oh my God! Ano yung sumabog?!? Diyos ko! Iligtas niyo po kami" sabi ni tita at tumakbong palapit sa kin.

Ano daw? Sumabog? Boses ko yun eh. Ganon ba kalakas ang boses ko? -_-

"Ano yun???" lumabas si Ivo sa gate, at nakita namin na nilapitan niya si Angela. Ang mukha ni Angela na kanina ay namumula sa galit, napalitan ng mukhang kawawa

"My God are you okay!!!" tanong sa kanya ni Ivo, and I can see right now that he really cares for Angela.

And it feels like the truth was slapped on my face, flat.

Inalalayan niya si Angela at tinulungan siyang bitbitin ang mga luggages niya.

"Angela!!! You've grown so much dear!" lumabas  si tita at sinalubong si Angela., may pa-hug hug pang nalalaman tong babaeng to. ACHECHE!

"I miss you tita!!! Kumusta na?" --Angela

Err, kilala niya si Angela?? Why, of course kilala niya, hahaha!!!

Pero hindi ako ang kontrabida dito!

"Ok lang naman iha, halika pasok ka"

Pinapasok nila si Angela, and alam kong hindi ako nagkakamali, nag evil smile siya nung nilampasan niya ko.

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon