Chapter 14: Hi! I'm Mr. Confused

72 1 0
                                    

Salamat po sa mga readers ko na naglike at nagvote! Kaya po sobrang masaya ako. And sa mga silent readers, hindi na din ako magtataka kung ang tawag sa inyo is silent, haha. Anyway, salamat na din sa inyo!!! Kahit wala kayong kasing tahimik, naku, mahal kayo ni ate twiin!

And this chapter is dedicated for all of you guys...

mwah!

Chapter 14: Hi! I'm Mr. Confused

Ana's POV

Ouch! Ahmp! Aray! Awh!

Parang tinatarak yung dibdib ko sa sobrang sakit. Bakit ako sobrang apektado nang malaman kong ie-engage na sila Angela at Ivo?? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

TTT___TTT

Hindi ko napigilan ang sarili ko at naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko. Pagpatak ng una, sinundan ng pangalawa, at pangatlo, at...nagmistulang ilog na ang mga mata ko, ang magagandang mata ko. :'(

Hindi ako makahinga, as in parang may nakabara. Please tell me nananaginip lang ako. Ayoko ng pakiramdam na to. Kayang kaya ko pang tiisin ang sakit ng katawan ko nung nabugbog yun dahil sa hampas ng tubig sa katawan ko last week lang. Pero ito, feeling ko ikakamatay ko ito. Naaalala ko pa yung oras na magkasama kami ni Ivo, nagkukuwentuhan at nag-aasaran. Habulan dito, habulan doon. Pagkatapos ay lalaki ang butas ng ilong niya at may imaginary smokes of anger sa tenga niya, lumalabas na parang chimney.

"Hahahahaha!" napatawa ako ng malakas sa naalala ko. Para akong baliw

Pero ngayon, mawawala na siya at magkakaroon na ng fiancee. :-( Nangilid na naman ang luha ko at tuloy tuloy na namang umagos, pero this time, napahagulgol na ako. Para talaga akong baliw.

"Ana, Ana ok ka lang ba?" omg! Naalala kong nagpasama nga pala ako kay Bryan. Siguro ay malakas ang pag-iyak ko kaya niya natanong.

"Ah, *singhot* ok lang ako. Ahaha *singhot ulit, punas ng mata* Ahm Bryan, saglit lang ha." naghilamos ako para kahit paano ay magmukhang fresh ang mukha ko at hindi gaano mahalata ang pag-iyak ko.

Pagkatapos kong umiyak ay umiwas ako sa mga tingin niya para hindi niya mahalatang umiyak ako.

"Ana, ok ka lang ba? Bakit ka umiyak?" wow! Idol! Akala ko pa naman ako ang pinakamagaling mag-conceal ng itsura ko. Sa tinagal tagal ng panahon na nabuhay ako, hindi kailanman nalaman ng kahit sino na galing ako sa iyak dahil kayang kaya kong itago iyon. Pero sa kanya, nahalata niya pa rin.

Pinalo ko siya sa balikat. "Ahahahah! Ano bang sinasabi mo hindi ako umiyak ha." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ows? Weh???" ang kulit naman nito eh.

"Halika nga dito." hinila ko siya palabas sa malungkot na lugar na iyon dahil nakikita kong nagsasaya ang mga tao because of that fact na magiging fiancee na ni Angela at Ivo ang isa't isa.

Nang makalabas na kami ay binitiwan ko siya at pumunta ako sa likuran niya.

"Pahiram naman ng likod mo" at sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ko ay itinakip ko ang mukha ko sa likod niya at humagulgol ako ng iyak. Siya naman na walang kamalay-malay, hindi na umimik at hinayaan niyang umiyak ako habang nakadikit ang noo ko sa likod niya.

Pagkatapos ng madramang pag-iyak ko, after 15 minutes wala nang tumulo dahil wala n ako mailuha. Nakaramdam na ako ng antok.

"Bryan, salamat ha. Inaantok na ko, pakisabi na lang kay Ivo na umuwi na ako" pagpapaalam ko sa kanya. Siya naman mukha pa ring nagtataka.

"Hay naku Ana, baka pag hinayaan kitang umuwing mag-isa, baka magalit si Ivo sa min. Alam mo bang ayaw na ayaw nun na umiiyak ka?  Kaya nung minsang dumaan si Ivo sa amin, kinausap niya kami. Naalala mo ba nung nawala siya kahapon na nasa mall kayo? Kinausap niya kami."

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon