Chapter 41.

30.4K 462 55
                                    

"HAHAHAHAHA! Tangina. Tangina~ Eh eh~ Ang saya saya! WOHH! Pasado ako! MWAHAHA!!"

Best feeling ever!

"Max, itigil mo na nga yang ka abnoyan mo -_-" Panimula ni Lucas sa pangingialam ng kasiyahan ko. At aba! Nag si tango naman yung tatlong kumag.

"Tss." Sinamaan ko sila ng tingin at naupo na ako sa sofa. Sabagay pagod na rin ako sa kakacelebrate dito.

"Guys, Di ba kyao proud sa'kin?" Sabi ko habang naka pout.

Nagtinginan silang apat tsaka nag si tango ng sapilitan. Mga gago 'to ah -_-

"May nakakaproud ba sa grade na 75?" (Lucas) Tinigil nya yung pag babasa nya ng dyaryo para itanong lang sa'kin 'yan.

"OO NAMAN! Gago ka ba. After 2 years ng pag aaral ko sa 4th year ngayon nalang ulit ako naka kuha ng 75 no!" Ngayon na nga lang ako pumasa ulit e. Hihi

Napatingin naman ako sa tatlong kumag at halatang nag sisipigil ng tawa at tuluyan ngang natawa si Harley. "Hahaha. Congrats Max. Keep it up." Tsaka s'ya tumayo at nauna na sa banyo para maligo.

Buti pa si harley na appreciate. Hmp.

Nung tumingin ako sa dalawa pang kumag, nauna nang nagsalita si Ethan. "Congrats,Maxy^" nginitian nya ako bago sya umalis sa inuupuan nya. Natayo na din si Lutter tsaka nya ako binati. "Ipagpaparty kita Max dahil pumasa ka! Congrats." Bago s'ya umalis. Pinat nya muna sa balikat 'tong hinayupak na 'to na di marunong ng appreciation. "Congratulate mo na kase." Natatawang sabi nito saka umalis.

Kaming dalawa nalang ang natira dito at wala talaga syang balak na batiin ako. Kumag 'to. Minasanan na nga lang ako mag ka 75 at pasado para sa next grading.

"Oo na. Congrats."

Psh. Ang yabang kala mo kagwapuhan. Sa tingin n'ya, gwapo na s'ya nyan sa suot nyang sando? gwapo na ba s'ya n'yan sa gulo gulo nyang buhok? Hindi no. Kahit na may sexy lips s'ya!

"Tss." Nag cross arm ako tsaka ko sya inirapan. Bwisit. "Bakit ikaw? Ha? Ilan ba average mo ngayong quarter?"

Napangiwi sya at natahimik pero nakabawi agad at bigla syang ngumiti.

"Hehh. 76~"

Lucas POV

"HAHAHAHAHAHAHAHA! 76?! HHAHAHAHAHA."

Nakakahiya talaga. Dapat 'di ko na sinabi eh.

"Tara! Celebrate na'tin! Nakapasa tayo! HAHAHA."

This girl is so incredible. san ka naka kita ng taong mag cecelebrate ng naka kuha ng 75 at 76 na grade?

Sige na nga. Celebrate na na'min. Mag iinarte pa ba ako kung kasama ko s'yang mag cecelebrate?

Dahil Saturday ngayon. Lumabas nga kami ni Max. Only. The. Two. Of. Us.

Medyo nahirapan kami bago makarating sa Trinoma kase madami kaming fans. Lol.

Hirap na hirap kami bago kami makarating dito sa cr ng male.

"Sabi sayo sa bahay nalang tayo mag celebrate eh." Sabi ko sa kanya habang hingal na hingal. Mapa University hanggang dito palagi nalang kami nasasabak sa track and field.

"Sabi ko nga eh." She gave in. Hingal na hingal din s'ya.

"Ano? Saan tayo punta?---"

"Hindi. Dito talaga sila Lumiko eh."

"Hindi. dumiretso lang sila."

"Basta, babalik nalang ako. Baka andun lang sila. Gusto mo talagang mag pa pikture kay Lucas bebe."

Nag katitigan kami sa dito sa loob dahil sa mga narinig namin sa labas. Makakapag celebrate pa kaya kami kung ang daming nakasunod?

"Tara b3h uwi. Kaiyak."

+ + +

Bago pa man kami maka uwi sa condo. Sinalubong na ako nila Ethan at pinapatawag ako ni Lolo. Wala naman akong nagawa at sumama na kaya naiwan ko na si Max kasama nya yung tatlo.

Asish! Kainis! Gano ba kase kaimportante 'tong sasabihin ni lolo?  Di tuloy kami nakapag celebrate ni Max. Sayang. Sayang. Sayang. Sayang.

"Sayang."

"Anong sayang?" Napatingin nalang ako sa nag salita at nasaraharap ko na pala sina lolo at lola. Matagal na din akong hindi nakaka uwi dito. Pero sayang parin talaga.

"Wala po. Bakit nyo nga pala ako pinatawag?"

"Nakung bata ka, tigilan mo nga yang pag pout na 'yan. Hindi ka cute!" Sabi ni lolo. Grabe naman. Pati ba pag pout ko?

"Haha. Sus. Ikaw nga mag pout dyang matanda ka." Sabi ni lola kay lolo. Wala namang nagawa si lolo at ayaw nya rin namng gawin yun kaya sinamaan nya ako ng tingin at dinilaan ko naman sya.

Kung tatanungin nyo. Super close ako sa mga grandparents ko. Sila rin kasi ang nag alaga sa'kin tuwing wala sina mama at papa. Binibigay nila lahat ng gusto. Kaya naman naging masaya ako sa kanila. Di sila nag kulang sa'kin. Lagi silang suportado sa mga gagawin kong desisyon. Ni minsan hindi sila kumontra pero hindi sila nawawalan ng paalaala sa bawat desisyon na ginagawa ko. They even support me kapag may niligawan ako. Tulad noon.

"Hey, Lucas." Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. She's standing in front of me with a bright smile plastered on her face.

I look at her with my blank expression.

"Come baby." Tawag sa'kin ni lola. "Hey Annika, follow us. Lets have a seat." Tsaka kami dumiretso sa living room.

Nang maupo kami. Ilang saglit lang at dumating ang tatay ni Annika. He even smile at me. Man to man.

"Let's talk about your wedding."

The Campus Heart-throb and The Campus BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon