Chapter 5: Fell

128K 1.2K 165
                                    

| CHAPTER 5 |

| M A X |


"Suntukan." Ah ok.

Teka. ANO DAW?!

"Shabu pa 'tol?! Kung makikipag suntkan ka, aba! Wag kang mandamay!"

Ako? Makikipagsuntukan?

NO WAY. HIGHWAY. EXPRESS WAY.

Expert naman ako sa ganyang bagay pero luh! Syempre kapag nakipagsuntukan hindi pwedeng wala akong matamong galos no! Pa'no nalang ang flawless body ko?

Paalis na sana ako ng biglang higitin ni Lucas yung braso ko at paglingon ko -*BAGG!!* Shit!! My face!

Pano na ang gorjas peys ko?! Mag iinarte pa sana ako kaso IT'S TOO LATE! GHAD! Ang dami na nilang nakapalibot sa'min! Mga piptin siguro! Tas yung mga panget, piptin din!

"Oh, Lucas! Ang hangin mo masyado, pre!" Sabi nung isang lalaking tagak tak yung pawis. Ew mga bh3.

Pag tingin ko naman sa katabi ko... WOW! Cool na cool na nakatayo lang sya. Kala mo nagmomodel! AT ABA! Nakuha nya pang mag yosi?!

Ito atang lalaking 'to ang mabubogbog ko dito e!

"Ano? Tara umpisahan na na'tin?!" Sabi nung isang payatot. Lakas ah.

Hindi na nila inantay pa ang sagot ni Lucas...

*BOOOGGG!!*

*BLAGGGGG!!!!*

*PLAKKK!!!!*

*PLOOOKK!!*

I cant belive! This is happening!

Akala ko ba matapang 'tong Lucas na 'to?! Eh peste, kinukuyog na s'ya!!

Hindi ko na maaninag si Lucas kasi pinapalibutan na sya nung mag mukhang goons na 'to.

Napairap nalang ako. Darn it. Mapapasubo ang flawless kong skin.

"Hoy! Mga BEH! Sige, bugbugin nyo lang sya!" Reverse yan. Haha. Kaya ayun, tinigil nila ang pambubugbog kay Lucas at lahat ng atensyon ay nasa akin. Bida bida.

"Bakit?! Gusto mo rin bang mabugbog kasama ng syota mo?!" Luh!!

"Di ko sya syota, mga ulul!"

"Kala ko kasi mag jowa kayo!" Sabi nung mukhang ipis syet! Pinagtawanan pa ako!

"Daldal naman oh! Ano? Chikahan nalang tayo dito? Dali. Lapit na kayo. Free power hug sa leeg gamit 'tong kamay ko oh!"

Naningkit naman yung malaki nyang mata. Aba talented! Sinugod nya agad ako at akmang susuntukin ng sikuhin ko sya sa sikmura at sumunod sa likod.

Takbuhan naman yung mga julalay nya ng bumagsak sya. "BOSS! Okay ka lang?! Boss!" *PAK!* hinampas nya yung nagtanong. "Gagu! Masakit yun Pit! Try ko sa'yo?! Dali! Upakan nyo na s'ya!!" Ayun yung mga uto. Sabay sabay na sumugod sa'kin.

"ARAY!" Sabi ko nung dumikit yung kamao ko sa baba nung kalaban! Syet! Matulis! Baba lord!

At ayun nga.

*BOG!* @#$%^#$%5!!

*BAG!

*PLAK!*

PLOK!*

Nilapitan ko naman si Lucas na NAKATAYO LANG! Nagyoyosi! Ganern! Sarap sabunutan. Sabi ko. "Ok na? Happy na po? Opo."

User! Ginamit lang ako para ako na yung mabugbog! User friend! Charot.

The Campus Heart-throb and The Campus BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon