Chapter 39.

33.5K 499 52
                                    

Yung unang taong pinagtawanan mo ng umagang 'yun? Kahit na inis ka, bigla kang na good mood dahil sa nakita mo s'yang naka suot ng pang madre at  ano pa bang mas a-astig sa madreng nag yoyosi nang umaganag 'yun? Sa kakatawa mo nun, di mo inaasahang susuntukin ka n'ya at bigla ba namang nag paharurot  ng motor! Oh diba? Bad mood ka nun, napatawa ka nga n'ya pero sinuntok ka sa mukha. Nainis ka, pero napangiti ka dun.

Napailing ka diba  habang nakangiti  nung araw na 'yun? Sa umpisa palang, di ka pala-ngiti, kung tutuusin, palagi kang nakasimangot lalo na pagdating sa babae. Eh anong tawag dun? Bakit ka napangiti? Napa isip ka diba? Siguro dahil natuwa ka talaga sa inasal nung babaeng 'yun. Pero bakit nakangiti ka pa din?

Matapos ang ilang araw, di pa rin mawala sa isip mo yung itsura nung madre. Kinuwestion ka pa nga ng mga kabanda mo kung bakit ka ngumingiti ng mag isa. Hindi kasi casual ang pag ngiti mo.

Nawala na sa isip mo yung madre na nagpangiti sa'yo ng ilang araw, pano ba naman kasi nasa rush state na kayo ng pag hahanap ng drummer ng banda n'yo. Buti nalng at naka-hanap din agad si Ethan.

Alam mo naman sa sarili mong bored na bored ka, kaya naman napagisipan mong lumabas at bumili ng favorite mong pancake, pero nung nasa tapat ka na nung pancake houes eh napa-atsras ka.  Sabi na nga ba e. Nalala mo nanaman 'yung madre. Simula palang nagustuhan mo na s'ya. Alam mo namn agad kung bakit ganyan yung nararamdaman mo eh. Crush mo s'ya! Pero agad ding binawi 'to ng utak mo, sabay sabing 'Hindi no!' Natawa ka pa ng sarkastiko. Pero di nga? Di ba? nag kainteres ka din sa kanya. Bigla ka tuloy napa isip kung anong pangalan n'ya.

Sa tagal ba namang ng taon na halos lahat ng babae eh sumpain mo dahil sa first heartbreak chu chu ever mo. Aminin, naging bitter ka sa lahat ng ababae dahil lang sa isang babae. Well, normal 'yun pero ikaw, sagad sagarad ang pagiging bitter, yung tipong inaaway mo na pati mga babae. Kaya nga diba may nasigawan kang babae na kinukulit ka na tanggapin yung cake na iniaabot sa'yo? Oo na, aminin mo na. Woman hater ka nga talaga. Meron pa nga nun, yung babae, nakasandal sa kotse mong minamahal. Aminin mo! Napahinto tibok ng puso mo diba? Namukhaan mo kase s'ya. Pero wala e, sinigawan mo lang sya. Woman hater ka nga.

Nasa resto bar ka nun, may party party chu chu ever kase kayo dahil dun sa new band member n'yo. Nung una mong makita yung drummer, nag hinala ka agad. Pano ba naman kase malnourish, pinkish pa yung labi at yung mata n'ya- ay basta, nasabihan mo syang bakla. Pero napatunayan nya namn diba? Hindi sya bakla. At nalaman mo din na woman hater s'ya. Pano ba namn kase, kitang kita mong pinag tabuyan n'ya yung magandang babae na uupo sana sa hita n'ya.

Nang ma-kompleto ang members ng The H.E.L,L sobrang naging hectic ng schedule n'yo. pano ba naman kaseng pinag sasabay nyo ang pag-aaral at pag babanda.

First day ng school year, na-irita ka kaagad, pano ba naman, classmate mo yung bago nyong drummer na si Max at yung worst na naramdaman mo nung araw na 'yun eh naging seat mate ka'yo. Di nag tagal, naging closed sya sa ibang members MALIBAN SAYO. Pano ba naman, iwas na iwas ka at todo yang pag tataray mo. Oo na, niirita ka sa kanya diba? Ang ingay nya kase at ang alive masyado.

Nung nalate kayong pareho ni Max kase naman diba? Niyaya mo syang makipag suntukan. malaki namn ang naitulong nya kase sya ang gumulpi sa lahat at di nagalusan 'yang fawless skin chu chu ever mo. Gumaan loob mo sa kanya, kase ayos naman pala sya kasama kaso nga lang may 78% percent syang katangan sa katawan at nadulas sa tin can kaya naman nag dikit ang mga labi nyo. Nagbilang ka pa, mga 3-ay ginawa mo palng 4 second 'yun. pano ba naman! Muntik ka nang mag enjoy kase ang lambot ng labi nya kaso naalala mo lalaki nga pala sya. Una mong naramdam eh kahihiyan, kahit sino naman ata e, kaya ayun nag walk out ka at iniwan mo s'ya.

 Kinabukasan nun, pareho kayong late, nagkasabay pa kayong hawakan yung door knob. Di mo ma explain yung nararamdaman mo diba? kaso eksena yung teacher nyo, sinita kayong dalawang late at pinarusahang gawan ng pag susuri ang buong el fili.

Pero eto un e, nag ta type ako tapos biglang nawala at ung worst, di ko na save.

Sige na, tuloy ko na.

Habang gumagawa si Max nung El fili. Di mo maiwasang mainis. Kasi naman, ang weird ng feelings mo. Kinakabahan ka kapag nakikita mo sya. Lalo na nung lumingon sya, sumakto ung angulo na mukha syang babae. Tinanong mo nga yang sarili mo. Di kaya? Bakla na ako?

Kinabukasan yata nun, ung di ka pumasok. Ang drama mo kase tapos may cellphone pang tumunong na sumakto ung kanta, pang broken hearted. Pag baba mo, nakita mo ung pink na phone. Kala mo pa nga nung una kay Harley kasi pink pero nung mahulaan mo ung password ng cellphone na 'panget mo' na tuwang tuwa ka pa dun sa password. Nalaman mong kay Max 'to dahil dun sa babaeng wallpaper sa phone nya. Nabuhayan ka bigla. Nasabi mo. Di naman pala ako bakla e. Si Max.

Dumating yung days na naging close na kayo ni Max. Yung nakakasawang murahan kaya naman nag sawa na kayo kaya nagmahalan naman kayo lol jk lang. Corny na e. Pero mas corny ka pa din. May pa confess confess ka pang GAY ka. Gentleman and yummy.

Ewan mo nga nun sa sarili mo kong baliw ka na nga. Diba, sinunod mo pa nga ung '12 ways to make her fall inlove' kahit na di naman sya HER. Oo na, tanggap mo na na bakla ka na nga. Pero kahit anong kakaiisip mo, nabusted ka pa din. Nagmahal ka lang din naman. Kahit gwapo, nasasaktan din.

Tanggap mo na sa sarili mo na ghei ka nga. Sinulat mo pa nga sa papel yang panglan nyo ni Max at nag-FLAMES ka.

Ilang beses ka na nyang sinabihang di ka nya gusto pero ano bang magagawa nya? Gusto mo sya. Ano naman diba kung di ka nya gusto. PERA pa nga kayo diba? Pera sa isat isa. lol

Nung malaman mo na babae sya, di ka na masyadong nagulat kase naman, from the start of the story may hint na posible ngang babae sya. Walang mangyayari kung magagalit at mumurahin mo sya. Mahalin mo nalang. Hihi

Kaso kung kelan, medyo okey na, may nag pakilalang fiancé mo.

Pero, keme lang. Wala ka nang pake dun. Si Max na yung taong gusto mo na hanggang ngayon, ayaw pa rin sa'yo.

×   ×

"Ilang taon ka pa ba dyan sa France?"

"Di na 'ko babalik dyan." Seryoso sya. Kaya napatahimik ako.

"Lol. Joke! Parang nung isang linggo lang e. Nasa airport na ko. Wag kang ma drama."

"Alam mo Max para kang TUYO."

"Ha? Anong TUYO ka dyan?"

"De wala, almusal lang kanina ni Ethan ung tuyo."

The Campus Heart-throb and The Campus BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon