Chapter 16 - Missing: Gangsters

29 2 0
                                    

Chapter 16

ASHLEY POV

Hmp! ano kaya nangyari sa mga yun? bakit sabay sabay silang hindi pumasok? wala tuloy ako kasabay sa break time pati na lunch, nakakainis!

si Renz naman biglang nawala kahapon kahit may klase pa kami, hindi na din niya ako nasamahan pumunta sa Bookstore kahapon, ano ba yan!

mag isa lang tuloy ako kumakain dito sa cafeteria, akala ko malalate lang sila, eh hindi na nagsipasok >_<

tapos tinetext ko si Lalabs, hindi naman nagrereply pati na si Renz, si Aldrin din, LAHAT SILA!!! Argh!

nangaasar yata yung mga yun, nagusap usap ba sila na wag pumasok ngayon? sa sobrang inis ko natorture ko tuloy tong lasagna ko, hindi ko siya kinain pinagtutusok ko lang siya ng tinidor.

"Maawa ka naman sa lasagna Miss"

bwisit! sino ba tong pakilamera na ko, badtrip ako ngayon hindi maganda ang mood ako unti unti ko inangat yung tingin ko dun sa nagsalita.


O__________O


"Miss ok ka lang?"

".........."

"Miss?"

"H-Huh?" OH.MY.GOD! ang gwapoo niya.

"Ok ka lang ba?" tumango lang ako ng wala sa sarili nakatitig pa rin ako sa gwapo niyang mukha, Woah!

"Ah pwede ba ko makishare ng table?" enebee.

"Sure" gwapo mong yan tatanggi ba ako, gusto ko sana idagdag kaso nakakahiya ang landi lang hehe.

"Thanks, wala kabang kasama?" dapat meron MARAMI, kaso wala silang lahat T__T

"Wala" nakanguso kong sabi, kahit isa sa kanila WALA!! hindi ko mapigilan yung sarili ko pinagdiskitahan ko na naman yung lasagna.

"Ahh, O bakit mo naman kinakawawa yung lasagna?" eh kasi badtrip ako.

"wala akong gana kumain" liar!! such a big liar Ash.

"Ah akala ko badtrip ka" BINGO!

hindi nalang ako sumagot, sino kaya tong cute na to.

"Ako nga pala si Ian" Waaa! Nabasa niya ba ang naiisip ko? o.O?

[A/N: Ian Mike Rivera ang cutue singer ng R'Kidd]

"A-Ashley" yun nalang nasabi ko, tapos nagsmile lang siya ayoko na nga magisip mind reader ata to eh.

hindi na siya ulit nagsalita kumakain lang siya, ako naman tahimik lang din pero hindi ako kumakain kinakawawa ko lang tong lasagna at hinati sa 15 iniisip ko sila to tapos tinutusok tusok ko. Grrr! loner tuloy ang tema ko ngayun T^T

"Ah Miss i mean Ashley anong section mo?" tinignan ko siya,

>///< Ang cute men!!

"H-Hera" wow, kelangan uutalin ako sa pagsasalita?

"Ahh, so classmate mo ba si Geoff?" huh? sinong Geoff?

"Ahmm, hindi ko lang alam, apat lang kasi ang kilala ko sa mga classmates ko" sila Renz, Aldrin, Wayne tsaka Tristan lang naman ang kilala ko dun.

"Ahh ganun ba" patango tango niyang sabi habang nakatingin lang sa kinakain niya.

"Ikaw anong section mo?" wala eh, curious eh ang gwapo kasi.

"Aphrodite" sabay smile, WOW APHRODITE? Section 1 yun ah, tumingin ako sa kanya.

"Seryoso?" tanong ko, nagsmile siya tapos tumango.

"Wow so matalino ka pala?" amaze na tanong ko

"Nope, kung inaakala mo na puro matatalino ang mga nasa section 1, jan ka nagkakamali kasi ang school na to ay walang pakialam kung matalino kaba o hindi basta mayaman ka, sa section 1 ka, pero hindi nila yun kinoconsider na porket section 1 ka matalino ka" Ayy oo nga pala, ramdom nga pala dito kaya puro name ng Gods yung mga section, pero grabe ah, ang haba ng speech niya isa lang naman tinanong ko hehe.

"Ahhhh" yaan nalang nasabi ko speechless eh, haba ng sinabe.

"Ah sige Ashley una na ko nice to meet you, see you around" Wow huh, As in nagwink pa, pero bagay naman.

first time to mukhang nagustuhan ko yung cute na yun, hindi naman nagustuhan na crush nagustuhan as in gusto maging friend ang cute niya talaga >///<



**

@Room

nung pabalik na ko dito sa room, pinagpipyestahan na naman ako ng mga bubuyog sa paligid, kesyo nagsawa na daw sumama sakin sila Aldrin at Renz, ganun ganun, ganyan ganyan, Hayys .. Bahala sila sa buhay nila, Ok naman ako kahit walang kasama. HMP!!! Basta naiinis ako sa kanila, hindi sila nagpaparamdam, pero siguro naman papasok sila bukas nuh?? WAAAAA. Sana pumasok sila T^T

Pagpasok ng teacher namin, naglecture agad kami pero infairness nakikinig ako mabuti ngayon.

lagi ako tinatanong ng mga teachers kung bakit absent yung apat, ako pa tinanungan, eh mas hindi ko nga alam kung nasan yung mga yun tsk!!! madami din pala ang naghahanap sa mga lalaking yun? ngayon ko nalang napansin ah..

MISSING: GANGTERS >__<

dahil hindi ko nga alam kung saang planeta nagpunta si ANDREW! kay kuya na ko sumabay sa pag uwi, kaya nakita ko nanaman si kuya Kyle, swerte naman kahit papano ang araw na to. Hola, landi haha.

=====================

Clue lang to kung ano na mangyayari sa next chapter

The Princess Meet The ?????????

-

Hidden Eye

The Heartrobs And Gangsters Princess (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon