Chapter 13 - A boring day

32 3 0
                                    

Chapter 13

Ashley POV

Break time na namin ngayon, nandito kaming lahat sa cafeteria i mean sa lahat is Renz and Aldrin's company.

"Ahhhh"hikab ko sabay takip ko sa bibig ko, pumupungay na din ang mata ko dahil nakaramdam ako ng antok. lahat naman sila napatingin sakin, ngumiti lang ako tapos nagpeacesign dahil sa kawalan ng manners ang lakas yata ng paghikab ko.

"Mukhang puyat ka Ashley ah?" si Aldrin(m5), tumango lang ako tapos yumoko sa mesa, inaantok kasi talaga ako eh.

"Hindi ka kakain?" tinignan ko lang si Renz(wtf)

"Hindi naman ako nagugutom eh, inaantok ako" tapos humikab nanaman ako.

"Ano ba pinagpuyatan mo Lalabs?" tanong ni Andrew(m5)

"Wala. actually, nakatulog na ko kagabi eh, bigla nalang ako kagising mga 3am tapos hindi na ko nakatulog" nakakainis kasi bakit nagising pa ko, pagnapuputol yung tulog ko nahihirapan na ako bumalik ulit sa pagtulog. kaya eto feeling ko kulang na kulang ako sa tulog.

"Sa clinic ka nalang kaya?" suggest ni Wayne(m5)

"Ayoko dun, hindi ko gusto yung amoy dun" ang baho kasi dun eh, ayoko sa lahat yung amoy katulad sa ospital yung parang amoy gamot? basta ganun.

"Alam ko na!" lahat naman kami napatingin kay Allen(wtf)

"Ano naman yun?" tanong ni Tristan(wtf)

"Cutting tayo"ang lawak ng ngiting sabi niya, agad naman siyang binatukan ni Renz. "Aray naman, nagsusuggest lang eh. tsk! nasaktan pa ko"hinimas himas niya yung parte na binatukan ni Renz.

"Adik kaba? hindi na nga natin gawain yun diba? gusto mo ba maiwan dito sa High school?" sermon ni Renz(wft)

"Ayoko, anu yun, iiwan niyo ko?"

"OO!" sagot naman nang mga kaibigan niyang wtf.

"Akala ko ba walang iwanan?" nakikinig lang ako sa kanila baka sakaling mawala ang antok ko

"Eh gusto mo yata magrepeater eh, ayaw nga namin kaya ikaw nalang" Tristan

nakayuko pa din ako at nagbabadya na pumikit ang mga mata ko, tinagilid ko yung ulo sa side na nakaharap yung mukha ko at dahan dahan pumikit.





Andrew(m5) POV

pinapanuod ko lang na magsigawan sila Allen, Renz, pati si Tristan(wtf). napatingin ako sa katabi ko, hindi nga sanay mapuyat tong si Ashley, nakatulog na ng tuluyan. napailing ako

"Shh!! Wag kayong maingay baka magising si Ashley" napahinto sa pagbabangayan sina Renz(wtf), tumingin sila sakin, tinuro ko naman si Ashley at dun naman sila lahat napatingin.

"Pano yan 10minutes nalang magtitime na" sabi ni Aldrin(m5)

"Hayaan niyo muna siya matulog kahit 10minutes, wag nalang kayong maingay" tumahimik nalang silang lahat, tanging ang ingay lang ng ibang istudyante ang naririnig namin. tinignan ko silang lahat, lahat sila nakamasid sa natutulog na si Ashley

"Ang cute niya pa rin kahit tulog" ngingiting ngiti na sabi ni Kevin(m5).

"Syempre pag pinanganak kang maganda o cute, ganun kana talaga kahit na ano pang gawin mo kaya wag ka nang magtaka, palibhasa ikaw mukha kang manyakis" -Anthony(wtf)

"ANONG SABI MO?!"

"SHHH!!!!" sabay sabay na sabi namin kay Kevin na nakatayo dahil sa pagsigaw niya tsk!

The Heartrobs And Gangsters Princess (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon