Chapter 10 - Celebration

98 11 4
                                    

Chapter 10

Ashley POV

Naglalakad na kami ni Andrew ngayon papuntang parking lot . mauuna na kami para ayusin yung mansion namin. Haha Dejoke lang maliit lang naman yung bahay namin, yung iba kasi bibili pa sila ng food and drinks.

Total nasa akin na yung mga number nila g-gm ko na yung address namin. Nagtype na ako sa cellphone ko ng itetext sa kanila syempre kasama dun ang address ng bahay namin.

Nang makarating na kami sa tapat ng kotse ni Andrew, pinag buksan niya ko ng pinto. Yes naman napaka gentleman as always.

"Sakay na princess"nakangiting sabi niya, sumakay na lang ako sa loob.

"tss! nakikiprincess na din"

Opo nakikiprincess na din si Andrew, yung about sa pinag uusapan nila ni kuya, last last last time eh yung pinapasali ni kuya si Andrew sa team nila, aba't naglalaro din pala ng basketball tong lalabs ko, at opo kasali na siya sa team nila kuya, kaya ayan nakikiprincess na din.

After some minutes eto na nakarating na kami sa bahay kaya pumasok na kami, sa garden/mini pool kami dumaretso ni Andrew, di naman ganun kalaki yung bahay namin request ko lang talaga kay kuya yung bahay na may swimming pool kahit maliit kasi nga po wala akong libangan.

Naglinis kami dun tsaka naglagay ng mga monoblocks at mahabang lamesa.

"Hay, kapagod!"sabi ni Andrew pagkaupo sa isa sa mga upuan.

"Kaya nga eh"umupo din ako sa upuan sa tabi niya.

"Asus parang di ka nga tumulong eh haha"sinaman ko siya ng tingin, tatawa tawang nagpeace lang siya.


BEEP


"Sila na yata yan, pagbuksan mo sila ng gate, magbibihis lang ako"utos ko kay Andrew, tumango naman siya at tumayo na.

"Ok"

tumakbo na ko papunta sa loob ng bahay at dumaretso sa kwarto ko sa taas para makapagbihis dahil naka uniform pa ako di na ako nakapagbihis kanina dahil nag ayos agad kami ni Andrew sa baba.




Andrew POV

Ako talaga utusan ngayong araw eh nuh? Pero ayos lang yun. baliw kasi nagayos ng place nang naka uniform pa.

Pagbukas ko ng gate sila Aldrin at yung tatlong kumag pala, siguro mamaya pa sila Renz.

"Pasok na, tagal niyo"niluwagan ko yung bukas ng gate.

"kamusta naman ang pangsosolo mo sa Ashley ko?"taas kilay na sabi ni Aldrin at diniinan pa yung 'ko'

"Lul, anong Ashley mo"kunot noo kong sabi sa kanya, nakatayo pa din sila sa labas ayaw pa magsipasok.

"Kanya nga daw kasi si Ashley eh"tatawa tawang sabi ni Wanye

"Asa, Pasok na nga!"

"Andrew eto na pala yung damit mo, sagwa mo naka uniform kapa" inabot ko yung paper bag na hawak ni Richard. Nagpasuyo kasi ako sa kanya na dalhan ako ng damit pamalit, tiwala naman ako sa pormahan ni Richard.

"Thanks"

Nagsimula na kaming maglakad dumaretso kami sa pool area.

"Wow, pool party pala ang theme"amused na sabi ni Wayne.

The Heartrobs And Gangsters Princess (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon