Chapter 16: Quarrels?

25 0 0
                                    

6pm na. Tapos na yung program. Habang abala magpapicture yung ibang estudyante. Naisip ni AJ si Cath.

"Asan na kaya si Cath? Akala ko ba naman andito siya para sa akin." Bulong ni AJ.

Narinig ni Arkin ang sinabi ni AJ. dali-dali itong pumunta sa kinauupuan ni ng Girlfriend na si Christine at nagsabing.

"Tine, nakita mo ba si Cath? Naghihimutok na si AJ doon eh."

"Hindi eh! ang nakita ko lang sila MM kasama yung iba mong barkada. kanina pa sila paikot ikot dito." sabi ni Christine. 

"Talaga? Naku! teka nga. hanapin ko muna."

"Wait Arkin! Congrats nga pala ahh. Graduate na ang Boyfriend ko." Sabi ni Christine.

"Thanks Tine! Mamaya tayo magcecelebrate kasama family ko ahh? Hanapin ko lang si Cath. Iloveyou!" Sabi ni Arkin. sabay umalis na rin ito para hanapin si Cath.

Nalibot na ni Arkin ang bawat Building sa UST. Hanggang mapadpad siya sa Shower room ng Girls kung nasaan andun sila Cath pati mga kaibigan niya. Nakita nya si Kiko na nasa labas. 

"Kiko!!" Sigaw ni Arkin.

"Oh Arkin! Graduate ka na ahh! Congrats ahh!"

"Well. Thankyou. Malapit din naman na kayo eh. Teka, andito ba si Cath?"

"Andoon siya sa loob. kasama si Rufranz. Tinakbo ba naman mula Quiapo hanggang dito dahil sa Trapik eh."

Maya-maya. Lumabas na si Cath at Rufranz. Di na sila nagpatumpik tumpik pa. Tumakbo na sila papunta sa Open Field.

"Cath, andito na tayo. hanapin na natin si AJ. i'm sure. Naghihimutok na yun." sabi ni Arkin.

"Oo nga eh. Badtrip naman kasi na traffic yan! edi sana kanina pa ko nandito!"

"Oh tama na. Hanapin nalang natin si AJ."

Pero, habang naghahanap. napansin ni Arkin yung sasakyan nila AJ. paalis na. Nakita din ito ni Cath. 

"Halatang nagtampo si AJ oh." sabi ni Arkin.

Dahil sa nakita nila. Pumunta agad sila sa sasakyan ni MM at dali-daling pumunta sa bahay nila AJ dahil alam naman nilang doon din ang punta nila.

Si AJ. tahimik lang. wala na siyang inisip kundi.

"Nakakainis! Espesyal na araw ko hindi siya pumunta! Balak ko pa naman siyang ipakilala sa buong angkan ko!"

Habang nasa sasakyan. Biglang napaiyak si Cath.

"Kasalanan ko 'to eh! sana kung inagahan ko pa. Maabutan ko si AJ!"

"Alam mo Cath. Okay lang yan. I'm sure naman maiintindihan ka ni AJ eh. saka, andito naman kami oh. We'll help you to Explain." sabi ni Kiko.

"Thankyou ah. sana patawarin ako nun."

Pero, natahimik ang lahat. May biglang tumawag kay Arkin. Si AJ ito.

"Pre! wala ng handaan sa Bahay. Nabadtrip ako eh. Punta nalang tayo sa Bar. Inuman nalang tayo. Ha? Sige. Tawagan ko nalang kayo kapag nakahanap ako ng Place. pakisabi sa iba. Thanks!"

"Oh tol. Sino yun?" Tanong ni MM.

"Si AJ pre. Inuman nalang daw eh." Sabay tingin kay Cath.

"Ano? Inuman? Diba may handaan sa bahay nila?" sabi ni Cath.

"Ewan ko nga rin eh. wala na daw sabi ni AJ."

"MM! bababa nalang ako dyan sa may Lawton. Thankyou nalang!"

Bumaba na si Cath. Dahil Graduation naman nila AJ at Arkin. Pinayagan ni Christine at Rufranz na uminom sila Arkin at MJ. ganun din yung ibang Girlfriends ng kaibigan nila.

"Men! Grabe pala no. Pag may problema si AJ. Ganyan resulta. Lagi na nating bigyan ng problema yun! Haha!" Sabi ni Caleb.

"Ang adik nyo eh no. Broken hearted yung tao! wala girlfriend nya dun sa Graduation kanina eh." Sagot ni Arkin.

"Oo nga. pero, malalaman natin kung bakit nga ba siya magpapainom. Kung dahil nga ba kay Cath yun. Diba?" Sabi ni MM.

mga 8pm na sila nagkita-kita sa isang Bar sa Malate. Pero, di nila inaasahan na may tinable na babae si AJ. Model ito. Maganda at Matangkad. Olivia pangalan nito. Nung una, Hindi pinansin nila Arkin iyon. Pero, halata nilang nakarami na si AJ pagkarating palang nila.

Agad kinausap ni MM yung Olivia. Umalis naman ito.

"Pre! Ano ba problema mo? Ang dami mo ng nainom mo! Kakarating palang namin eh!" sabi ni MJ.

"Si Cath no? well. pre----" 

Hindi na natapos ni Arkin ang pagsasalita niya.

Dahil biglang tumayo si AJ. nakita niya yung Ex ni Cath noong Higschool palang sila. Na sinaktan ng sobra si Cath.

Lumapit ito. At sinabing..

"Diba ikaw yung ex ni Catherine?" Sabi ni AJ.

Agad lumapit ang mga kaibigan nya para awatin si AJ. dahil nga nakainom na ito.

"Oh? ano naman ngayon? Pinagsawaan ko lang naman Girlfriend mo!"

"Eh tarantado pala 'to eh!" 

Nagsuntukan na ang dalawa.

Naawat naman ito.

Pero, dumating yung mga guard at hinuli at ang dalawa.

dinala sila sa Police Station. 

Pero, ano nga bang ginawa nung Ex ni Cath sakanya noon?

My Strength and My WeaknessWhere stories live. Discover now