Chapter 7: Partners in Real Life.

37 0 0
                                    

1am na ng makauwi ang lahat galing sa Enchanted Kingdom. Nag-enjoy ang lahat lalo na Sila Carlo at Marie. Lalo naman ang Loveteam na sina Kiko and Neza. Aba! Hanggang sa paguwi? Hindi pa tapos ang ka-sweetan?

"Uy kiko! Tama na! patulugin mo naman ako. Baka hanggang bukas may ngiti pa sa mga Labi ko." sabi ni Neza.

"Wala namang masama dun eh! Girlfriend naman kita. Boyfriend mo ko. Kulang nalang dalhin na kita sa simbahan at pakasalan eh!" Banat naman ni Kiko.

"Eeeeeeh! wag ganyan! kinikilg ako eh!" pakipot ni Neza. 

"Aysus! di ka na nasanay sa akin. 'pag naging mag-asawa na tayo. mas kikiligin ka." Sabi ni Kiko.

"Hay nako Francis Albert Delgado Ramos! kahit di pa tayo mag-asawa. Mamahalin kita. Kahit gumuho na ang mundo!"

"Talaga Roneza Dilidili? Future Ronezza D. Ramos ka na ah."

"Oo naman! Basta, pag nakagraduate na tayo. nakapagtrabaho at STABLE na. Why not diba?"

"Opo Ma'am! di kita papabayaan no. :)"

"Osige na! Matulog na tayo. 3am na gising pa din tayong dalawa. 

"Tara na nga. Papanaginipan pa kita eh."

"Aysus! no need! magkikita naman tayo bukas eh."

"Sabi ko nga eh. Hahaha! Goodnight Neza ko."

"Goodnight Konut ng Buhay ko! Iloveyou."

"Mas mahal kita." 

Sabay Baba ng phone. Abot tenga ang ngiti ni Neza at Kiko. Halatang mahal talaga nila ang bawat isa. 

The next day.

Sunday Morning na. Syempre, dapat pumunta na sa Church. 

7am gising na ang Mama Cris ni Kiko. 

"Kiko! Ano ba? Magsisimbapa tayo! Bumangon ka na!"

"Pagod at puyat ako Ma! Mamayang hapon na ko magsisimba. With----"

Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Kiko.

"With? With? With Neza nanaman? Naku! Bahala ka nga sa buhay mo!"

Malaking tutol ang Mama ni Kiko sa relasyon nila ni Neza. Dahil nga, pagkagraduate din ni Kiko from college. At, Magm-migrate na sa America. Kaya ayaw nya ng may Karelasyon ang Anak nya. Para hindi na rin masaktan si Neza.

Kinahapunan, nagsimba si Kiko at Neza sa Simbahan malapit kaila Neza. nagdecide si Kiko na ipagluto si Neza sa bahay nila.

"Neza? Gutom ka na?"

"Uhm, hindi pa naman. kumain kasi ako bago umalis eh. Bakit? Ikaw ba?"

"Medyo eh. Tara! Punta tayo sa bahay. Ipagluluto kita."

"Talaga? marunong ka na pala magbukas ng kalan? Haha!" Biro ni Neza.

"Oo naman no! I will prove it to you. Tara na!"

"Sure! prove it to me, Kiko Ramos!"

saktong 6pm. nakarating sila sa Bahay nila Kiko. Syempre, hindi na first time pumunta doon ni Neza. Kaya kabisado nya na doon. Nandun ang mga kapatid ni Kiko. As well, ang daddy nito na si Daddy Kim. Okay lang sa Ama ni Kiko ang relasyon nila ni Neza pati na rin sa mga kapatid ni Kiko. Pwera lang talaga sa Ina nito. 

"Good evening po, Tito!" Bati ni Neza.

"Hello Hija! Oh? kiko? Magluto ka doon. para kay neza!"

"Opo dad! yun nga po balak ko. sige po pasok muna kami dun."

"Okay. sige."

Nagluto si Kiko ng paborito ni Neza na Adobo. Habang nakain sila. Dumating ang Mama ni Kiko.

"Oh! Andito ka pala. Neza." 

"Ma! kain tayo."

"Ayoko busog ako."

"Uhm, good evening po Tita!"

"Likewise. Uhm, after mo dyan. kakausapin kita ha? Neza alone. okay?"

"Uhm okay po!" kabadong sagot ni Neza.

"Kiko. ano yun? bakit kaya?"

"Hindi ko din alam eh." Pero, sa totoo lang. alam talaga ni kiko ang balak sabihin ng Mama nya kay Neza. Yun ay tungkol sa Relasyon nila.

"Neza. Halika. Mag-usap tayo."

"Tungkol saan po ba ito?"

"Dideretsuhin na kita. Tutol ako sa Relasyon nyo ni Kiko. Hindi dahil sa mga nakasanayang rason. ayokong masaktan ka Hija! Okay?"

Iniwan na ng Mama ni Kiko si Neza doon sa pinagusapan nila. Hindi napigilan umiyak ni Neza. Lumabas nalang ito sa pamamahay nila Kiko ng walang paalam sa Boyfriend nya at tumawag na ng Taxi.

"Ano bang ginawa ko? Masama na bang mahalin si Kiko? Hay!" Paiyak na sabi ni Neza.

My Strength and My WeaknessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt