Chapter 3: I'll be There.

42 1 0
                                    

HIGHSCHOOL DAYS.

Noong Higshchool pa sila. Tunay ng magkakaibigan sina AJ, Arkin, Aki, Caleb, Carlo, Kiko, MJ & MM. Pati na rin ang mga Girlfriends nila na sina Catherine, Christine, Leah, Krstyn, Marie, Neza, Rufranz at Lia. kilala na nila ang isa't isa since 1st year Higshchool palang.

Kaya, ganun pangalagaan ni Aki si Leah. Dahil sa Unforgettable experience nya noon. 

1st day of class nila. Syempre, lahat sila di alam kung anong gagawin. Sa school nila, 2 lang ang Section ng First year. Abraham at Andrew. Dahil nga Transferee si Leah. Hindi nya alam kung anong gagawin nya sa First day. Lahat naman siguro eh. Pero, dapat doon sya sa Section ng Abraham. Pero, ang napuntahan nya ay yung section ng Andrew kung saan nandoon si Aki, Arkin, MM, at Carlo. Pagkapasok ng Classroom. Napa-upo sya sa Tabi ni Aki. Pero, noon. wala pa siyang paki-alam sa mga tao sa harap nya. Pumasok na ang First teacher nila. Yun ay ang Adviser nila. Nag-check ito ng Attendance. Nagtataka ito, kung bakit hindi natawag ang pangalan nya. 

"Uhm, Ma'am! Bakit po hindi nyo ako natawag?" 

"Let me see. Baka nai-skipan kita. What's your name?"

"Leah Jean Villafane po!"

"I'm sorry! Hindi ka dito nabebelong! dun ka ata sa Abraham my dear. I'm sorry!"

Nagtawanan ang Lahat dahil dito. Inaasar siya. Binabato ng mga Papel.

"Class! Stop that! Di nya kasalanan yun! lahat naman kayo malilito eh."

Biglang tumayo si Aki at Sinabing...

"Ano ba kayo! napahiya na nga yung tao eh. eh kung ganyanin din namin kayo pag kayo napahiya? Ano mararamdaman nyo? Ha?"

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Aki. Habang si Leah, di na napigilan umiyak.

"Ah. Ma'am? Pwede ko po ba ihatid si Leah sa Abraham?" Tanong ni Aki.

"You can Mr. Torio. total, wala pa naman tayong masyadong gagawin ngayon."

"Thanks Ma'am! Oh kayo ah? Tandaan nyo sinabi ko!

.... Leah? Tara na hatid na kita." Inaya nya na si Leah. At sumunod naman ito.

Bago lumabas ng Classroom.

Humarap si Leah sa mga Classmates nya.

At sinabing. "Walang taong perpekto!"

At humarap din sa Teacher nila. "Ma'am Im very sorry po!" sabi ni Leah.

"It's okay Ms. Villafane. You may now Go." Inihatid na sya ni Aki sa Classroom nito. 

"Oh Leah. wag ka na umiyak ha? Eto na Classroom mo. Pasok ka na." Sabi ni Aki.

"Uhm, Bago ko pumasok. pwede ko muna malaman pangalan mo? Saka maraming salamt pala sa pagtatanggol ha. Savior kita." Sabi ni Leah.

"Ako si Hideaki Torio. Aki nalang. Mahaba real name ko eh." 

"Ah! Japanese ka? Ako naman si Leah Jean Villafane. Leah nalang."

"Uhm, oo. pero, matagal na ko dito sa bansa nyo eh."

"Ah ganun ba? sige! papasok na ko ha. ito na talaga classroom ko. Salamat sa'yo! :)"

"Wala yun. Andito lang ako. 'pag kailangan mo ko. Call my name and i'll be there."

At saka umalis si Aki. At pumasok na si Leah. Tumatak sa Isipan ni Leah ang sinabi ni Aki. ang hinding hindi nya makakalimutang experience noong 1st day.

*Back to the first scene :)*

5pm na ng nakarating si Leah sa Mall. Andun na din ang ibang Couples. Like AJ & Cath. Arkin & Christine. 

Caleb & Krstyn. Carlo & Marie. Kiko & Neza. MJ & Rufranz. MM & Lia. Kumpleto ang Barkada. Kaya siguradong mageenjoy sila. 

"Uy! yung mahal ni aki! Haha! Leaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!" Sigaw ni Kiko. 

"Uy Kiko! Kamusta?" Sabi ni Leah.

"Okay naman ako. balita ko nagkasakit ka? Okay ka na?" Tanong ni Kiko.

"Okay naman na ko. syempre, nakita ko na kayo ulit eh." Sagot ni Leah.

"Kami nga ba o si Hapon? Naku! Haha!" pabirong sabi ni Kiko.

"Syempre, pati sya. Hi aki!" Sabu ni Leah.

"Hello Leah! Musta na ang mahal ko?"

"Okay naman ako. ikaw ata gamot ko." Banat ni Leah.

Hindi nila napansin na pinapanood sila ng mga kasama nila. 

"Leah! Lalangamin na kayo dyan." Biro ni Lia.

"Oo nga eh! Kayo na sweet! parang 10 years di nagkita! Haha!" Sagot naman ni Marie.

"Ingget lang kayo eh! Haha!" Sagot ni Leah.

Habang nakatambay sa May Starbucks. Biglang may pinatugtog. natulala si Leah. Dahil May naalala sya. 

"Araw gabi lagi na lang pinapangarap ko'y ikaw 

Dinarasal ko na balang araw 

Sa pag-gising ko tayo'y nagmamahalan na 

We belong together, always and forever 

Call my name and i'll be there."

Napatingin nalang sya kay Aki. At sinabing. 

"Aki. Natatandaan mo pa yun?"

"Ang alin Leah?"

"Yung sinabi mo sakin nung first year pa tayo?"

"Hmm, ano doon? di ko na tanda eh."

"Ayun oh! Call my name and I'll be there?"

"Oo naman! Ako ata ang SAVIOUR mo!"

My Strength and My WeaknessWhere stories live. Discover now