CHAPTER- JUU

114 3 8
                                    

MKB-C-X

TRAVIS’ VOICE

Mag-aalas otso na di pa nakauwe ang kambal ko. Baka kung ano ng nangyari sa lampang yon. Napatingin ako sa may bintana.

“SHIT!” bigla akong napamura ng makitang nasa parking lot ang kotse niya pati yong kotse ko, kung hindi rin bobo ang nerd na yon dapat nagkotse siya sayang ang ganda ng Subaru niya. Ilang beses ko ng sinabihang wag maglalakad tuwing gabi na mag-isa, mas kinabahan ako ng maalalang kasama niya yong tilapiyang babae. Naku naman, sana naman walang mangyari sa dalawang nerd na yun.

Kung hindi lang din sana ako nabwisit sa sinabi ng babaeng yun ako na sana ang naghatid sa kanya.

Sabihin ba namang tanga lang ang mahuhulog saken? Ano ako kanal? Mga tatanga tangang tao lang ang mahuhulog? Tsk! Kahit pa asar na asar ako sa babaeng yun hindi ko siya pwedeng pabayaan kunsensya ko ang papatayin pag may nangyare sa kanila lalo na sa kambal ko.

I found myself running down the stairs, halos madapa pa ako, parang Cinderella ang peg bwisit naman oh.

“Labs!” pagkasigaw ko nun ay agad na humanay ang 12 naming Labrador.

“Let’s look for my twin Gwilym.” napa-english ako sa mga aso ko, sorry maarte sila, hindi sila nakakaintindi ng tagalong o kung ano pa mang lenggwahe jan.

Nag unahan kami sa pagtakbo, buti nalang may aso ako, tumahol ang isa sa mga labs ko siguro nasa direksyon na yun ang kambal ko.

Tama nga, sa may di kalayuan natanaw kong nakaupo sa semento ang kambal ko habang si babaeng tilapia ay inaalalayan siyang tumayo. Nasuntok yata ang lampa, kawawa naman ang kambal ko. 

Tarantadong mga lasing to ah humanda kayo ipapalapa ko kayo sa mga Labrador ko.

“Labs, you know what to do, go eat them.”  English ako ulit sa mga aso ko, pagkasabi ko nun ay nagsisiunahang tumakbo ang mga labs ko at may patahol tahol effect pa, napalingon sa direksyon ko ang kambal ko pati si miss tilapia ay parang nabuhayan ng loob at tuwang tuwa pa yata ng makitang nilalapa ng mga aso ko ang mga lasing na yun.

Napatakbo ako ng biglang may humablot sa kamay ni miss tilapia at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Bwisit pahamak  talaga ang babaeng to tsk!

“Sige lumapit kayo at mamamatay tong babaeng to.” pagbabanta nong lalaking lasing.

“Ahhhh tayo na Gwilym.” bored kong sabi nanlaki ang mata ng kambal ko at binigyan ako ng what-about-her-look. Tumingin ako kay miss tilapia halos magsalpukan ang kilay niya hindi yata siya natakot na delekado buhay niya.

“And what about her?” bigla akong natawa sa tanong ng lasing na yun, akalain mo lumelevel up ang mga tarantadong tao ngayon, English yun grabe bigla akong nanosebleed hahahahaha.

“Ah mawalang galang na ho, pwede niyo na pong iuwi ang babaeng yan hindi naman namin yan kaanu-ano.” sabi ko tapos inalalayang tumayo ang kambal ko.

“You don’t care about her?” gusto nang tumawa ng malakas panay kasi English ng lasing nato tapos ung accent basag hahahahaha, grabe na ata ang sayad nito masyado ng malala. Lakas tama nito ah ano kaya nainom nito? Red horse o baka nasipa ng red horse kaya umeenglish.

“Ahhh hindi ko po talaga yan kilala at mauna na po kami, natatae na ako eh.” sabi ko na nagpupumigil tumawa. Kung tinatanong niyo nasan na yong mga aso ko, hinabol yong mga kasamahan ng lasing na to. Nagsimula na kaming maglakad ng kambal ko ng

PAK BOOOOGSSHHH SLAP PAK POK BANG TSUG lahat ng sound effect maririnig mo. Pagharap namin ng kapatid ko daig pa namin ang nakakita ng manananggal. Bigla akong napaupo sa suntok niya. Ibang klase talaga manuntok ang tilapiang to ang lakas eh, nagdadalawang isip na ako kung babae ba talaga siya.

“Talagang may balak kayong iwanan ako?” kunot-noo nitong sigaw, aba'y ang drama naman niya.

“Whoa chill lang miss tilap---” hindi pa ako tapos namapas na niya ako ng shoulder bag niya, grabe ang sakit >.< tumingin siya ng masama sa kambal ko.

“Oh wala akong kasalanan si kuya ang nakaisip nun.” paghuhugas kamay ni Gwilym.

“Tapos pumayag ka naman? I can’t believe in you guys! You..........!!!”

“We believe in you.” sabi ko natahimik naman siya. Kung tinatanong niyo anong nagyari dun sa lasing, binugbog lang naman niya kaya ayon walang malay at nakahandusay sa gitna ng kalsada.

“Tama si kuya ibang klase ka magalit akalain mo napatumba mo siya.” si Gwilym na parang bata na tuwang tuwa. Di umimik si tilapia tapos bigla nalang pumatak ang luha niya. Agad naman niya itong pinunas. Tssss napakadrama ng babaeng to.

“Marunong na palang umiyak ang mga tilapia ngayon.” pang-aasar ko baka sakaling tumigil siya.

“Vera why are you crying?” inenglish na naman ng kambal ko. Umiling lang siya. Niyakap siya ng kapatid ko. Tsk! Iyaking tilapia.

“Oy asan bahay mo ng maiuwi ka na namin.” putol ko sa nakakadiabetes nilang moment . Naman itong kambal ko nakikipaglandian na tsk! Itinuro niya yong block kung saan may malaking bahay. Magkasubdivision lang pala kami. Buti naman kung ganun malapit lang lalakarin namin.

Sumipol ako agad namang humanay ang mga labs ko, naku ang kyut nila. Si miss tilapia biglang napatalon, tama takot nga pala siya sa aso.  Nakakatuwa ang reaksyon niya pagnagugulat lol.

Sa wakas naiuwi na namin ang disaster na babaeng to. Hinding hindi ko na ulit siya dadalhin sa bahay, sinira niya yong uniform ko kainis. Tapos hindi marunong magluto naku wala siyang future, ang dami pa niyang nabasag na plato at baso.

-------------------------------------

Abangan...........

"Happy valentine's day Veraaaaaayyyyyyyyy.........."

"Valentine's mukha mo Valentongin ko yang mukha mo ehh".....

Ehhhh??? What happen???

TBC......................... 

-------------------------------------

[A/N] Utang na loob huwag kayong boboto kung hindi niyo trip tong update pero kung gusto niyo naku bomoto naman kayo, right niyo yan at wag niyong pinagdadamot yang boto niyo HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Mas mapapabilis yong update kung magpaparamdam kayong mga silent readers. Penge naman ng feedback about this story para naman malaman ko kung dapat ko pa bang ituloy. Waaaah pasensya na medyo emongoloid ang drama ko, magvavalentong's day na kasi hahahahahaha biiittteeer!

osha advance happy hart hart day sa lahat! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kong BOBOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon