CHAPTER_ HACHI

133 5 2
                                    

MKB-C-VIII

“Seriously, you call this food?” sigaw ng isang demonyo saken, para akong bata na pinapagalitan, nakayuko lang ako at nakikinig sa sermon niya.

“You want me to eat this?” napatapik sa noo niya.

“Eh hindi ako marunong magluto, anong magagawa ko?” katwiran ko.

“Tssssss!”  naglakad siya at nilagpasan lang ako hindi ko alam san yon pumunta ilang minutong napakatahimik sa buong mansion bigla ko nalang narinig ang sigaw ng isang demonyo at ang mga yapak nito na papalapit sa kinatatayuan ko.

“You’re really.....................tssssssssssss, hindi ka rin marunong maglaba? Look what you did to my uniform!” sigaw nito saken.

“Wala akong alam na gawaing bahay kaya kung pwede lang tigilan mo yang kakasigaw mo saken, daig mo pa ang nanay ko kung makasermon, at isa pa hindi ako bingi, urrrrghhhhhhh” galit kong sabi, minsan lang ako magalit kaya lulubos lubusin ko na.

“Ano lang ang alam mo?”

“Ang mag-aral, memorize ko ang atlas ang isang set ng dictionary, lahat ng set ng encyclopedia sa bahay, thesaurus medical surgical books, pathophysiology book, lahat alam ko” pagyayabang ko.

“Pero simpleng gawaing bahay di mo alam?” parang nanghihinayang niyang sabi. Parang nainsulto naman ako sa sinabi niya, diba mas nakakabilib yong maraming alam kesa sa maraming alam na gawaing bahay >.<

Grabe naman siya makapanglait akala mo naman magaling magluto tsk!

“Paki  mo ba, iuwi mo na ako, hindi ako ipinanganak para pagsilbihan ka.” sabi ko sabay talikod sa kanya. Tahimik lang siya na nakasandal  malapit sa may sink. Baka narealize niyang tama ang mga sinabi ko. Sino ba naman siya para utusan ako? Prinsesa nga ako sa bahay eh tapos kakatulungin lang niya ako. Tsk! Tahimik lang kami for a seconds, rinig na rinig ko ang pagrereklamo ng tyan niya, napatingin ako sa kanya, nag iwas lang siya ng tingin. Naman bakit ba parang naguilty ako.

“I’m home.” malumanay at boses anghel ang narinig ko paglingon ko isang anghel ang nakita ko si Gwilym, ang gwapo niya talaga ^o^. Makita lang kita buo na ang araw ko ^0^ ayan na naman.

“Ahhh  an--” hindi pa siya natapos ay isang demonyong boses na naman ang narinig ko.

“Mag luto ka.” utos nito. Tumango lang ang anghel na si Gwilym at agad na inilapag ang bag at agad na nagsuot ng apron. At ako nakatunganga lang hindi ko alam anong gagawin, nablangko ang isipan ko pag nasa harap ko si Gwilym gusto kong panuorin lang siya.

“Pagpasensyahan mo na yong kambal ko.” sabi nito na nakatalikod saken at abala sa pagsasaing.

“Ako nga yong dapat na humingi ng despensya kasi nasira ko yong uniform niya at hindi ako marunong magluto.” sabi ko na parang di mapakali. Teka ako ba to? Nanghihingi ng despensya dahil sa mga nagawa ko? Aba’y hindi yata ako to. Naman oh! Hindi ko nman kasalanan kung di ako tinuruan nila inay ng mga gawaing bahay, masisisi ba niya ako kung marami katulong naming sa bahay. Tssss. Napabuntong hininga ako.

“A-an- anong pwede kong maitulong?” lakas loob akong nagpresenta. Tumingin siya saken tapos tumingin sa mga patatas. Teka wag mong sabihing babalatan ko yan? Susmaryusep di yata ako marunong humawak ng kutsilyo. Bakit pa kasi ako nagpresenta.

“Ah pwedeng pakibalatan yan, gawin nating fries.” sabi nito at ngumiti saken, teka yong puso ko pumalakpak sa sobrang tuwa pati yong mga blood vessels ko nagfiesta ^o^. Naku gagalingan ko ang pagbabalat nito. Bigla tuloy akong nainspire ^O^.

Mahal Kong BOBOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon